26/08/2025
Leadership Transition and Installation Ceremony
Noong ika-18 ng Agosto 2025, matagumpay na isinagawa ang Leadership Transition and Installation Ceremony sa San Jose Elementary School bilang bahagi ng pagpapatuloy ng maayos at epektibong pamumuno sa paaralan.
Sa nasabing okasyon, opisyal na iprinisenta si G. Michael Kenneth I. Abad bilang bagong Punong-Guro I ng San Jose Elementary School. Ang kanyang panunumpa sa tungkulin ay sinaksihan ng mga kinatawan mula sa Schools Division Office, mga g**o, kawani, at iba pang miyembro ng paaralan at komunidad.
Kasabay nito, binigyang-pugay ang dating punong-g**o na si G. Joel Jerry S. Villaluz sa kanyang mahalagang ambag at dedikasyong ipinamalas sa panahon ng kanyang panunungkulan sa paaralan. Siya ay itatalaga sa kanyang bagong tungkulin sa Kadayacan Elementary School.
Ang seremonya ay sumasalamin sa patuloy na paghahangad ng kagawaran na mapanatili ang mataas na antas ng pamumuno at serbisyong pampaaralan, tungo sa higit pang ikauunlad ng mga mag-aaral at buong komunidad ng San Jose ES.
Ang pamunuan ng paaralan ay nagpapahayag ng taus-pusong pasasalamat kay G. Villaluz at ng buong suporta kay G. Abad sa kanyang bagong gampaning tungkulin.