27/06/2026
OFFICIAL ANNOUNCEMENT
Assalāmu 'alaykum wa raḥmatullāhi wa barakātuh.
Sa lahat ng aming minamahal na students, parents, at supporters ng Al-Bayan Online Tutor, nais naming ipabatid na pansamantala munang magsasara ang Al-Bayan Online Tutor hanggang sa susunod na abiso.
Ang desisyong ito ay hindi naging madali. Ginawa namin ito upang mabigyan ng sapat na panahon ang iba naming responsibilidad at makapagplano nang mas maayos para sa hinaharap ng Al-Bayan. Sa pamamagitan nito, nais naming matiyak na sa aming pagbabalik ay maipagpapatuloy namin ang pagbibigay ng de-kalidad na pagtuturo sa Arabic, Qur'an, at Islamic Studies.
Mahalagang Paalala:
✅ Magpapatuloy ang lahat ng kasalukuyang tutorial sessions.
✅ Lahat ng nakapag-book na ng kanilang sessions ay aming tutuparin ayon sa napagkasunduang iskedyul.
❌ Ngunit simula sa araw na ito, hindi na muna kami tatanggap ng mga bagong estudyante at bagong bookings hanggang sa aming opisyal na anunsyo ng muling pagbubukas.
Hindi ito ang katapusan ng Al-Bayan. Isa lamang itong pansamantalang pahinga. Sa pahintulot ni Allah, muli kaming magbabalik na mas handa, mas mahusay, at mas kapaki-pakinabang sa ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong pagtitiwala, suporta, at mga du'ā mula nang maitatag ang Al-Bayan. Nawa'y gantimpalaan kayo ni Allah ng kabutihan at pagpalain ang inyong mga pamilya.
«At sabihin mo: Panginoon ko, dagdagan Mo pa ako ng kaalaman." (Qur'an 20:114)»
Jazākumullāhu khayran.
Hanggang sa muli, in shā' Allāh. 🤍