26/04/2026
🎓 Princess Nourah bint Abdulrahman University (PNU)
Ang Princess Nourah bint Abdulrahman University (PNU) ay isang pampublikong unibersidad para sa kababaihan na matatagpuan sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ito ay hindi lamang isang unibersidad — isa itong pangarap na nagiging realidad para sa mga kababaihan. Sa bawat sulok ng campus na ito, mararamdaman mo ang layunin: iangat ang babae, palakasin ang loob, at buksan ang pintuan ng kinabukasan.
💬 Isipin mo ang sarili mo na naglalakad sa isang modern at napakalawak na campus — ligtas, tahimik, at puno ng oportunidad.
Walang takot
Walang limitasyon
Walang hahadlang sa pangarap mo
Ang environment dito ay hindi lang para mag-aral, kundi para maging kumpiyansa ka sa sarili mo bilang babae.
📎Sa PNU, ang edukasyon ay hindi lang tungkol sa libro o exam.
Ito ay tungkol sa:
Pagkilala sa sarili mong kakayahan
Pagbuo ng pangarap at layunin sa buhay
Paghahanda sa tunay na mundo
Dito, tuturuan ka kung paano tumayo sa sariling paa, mag-isip nang malalim, at maging boses ng pagbabago sa lipunan.
Ang pag-aaral dito ay parang pagbubukas ng pinto sa mundo.
Makikilala mo ang iba’t ibang kultura, makakakuha ka ng international exposure, at matututo kang makipagsabayan sa global level.
👉 Hindi ka lang magiging educated — magiging globally competitive woman ka.
Ang PNU ay isang paalala na:
“Posible.”
Posibleng makapag-aral sa world-class university
Posibleng maging matagumpay
Posibleng baguhin ang iyong buhay
📌 Ipormasyon about PNU,
-Itinatag noong 1970 bilang kolehiyo para sa kababaihan.
-Naging ganap na unibersidad noong 2008.
-Pinakamalaking women’s university sa buong mundo.
-May libo-libong estudyante at higit 30,000+ na enrollees.
-Nag-aalok ng diploma, bachelor’s, at postgraduate programs Wikipedia
👩🎓 Para Kanino Ito?
Eksklusibo para sa mga babae (female students only). Layunin nitong palakasin ang edukasyon at empowerment ng kababaihan sa Saudi Arabia PNU
🏫 Ano ang Meron sa Campus?
Napakalaking campus (parang sariling lungsod)
May modern classrooms at research centers
University hospital
Malaking library (milyong libro)
Sports facilities at swimming pool
Sariling automated metro system sa loob ng campus
🌍 Bakit Ito Sikat?
Kilala bilang pinakamalaking women-only university sa mundo
Isa sa simbolo ng pag-unlad ng edukasyon ng kababaihan sa Saudi Arabia.
🇸🇦 Taqdeem Wizara