01/05/2023
Marohom Siddiq Al-Siddiq, Paiguay: Tubaran - Pagayawan
MAROHOM SIDDIQ CLAN/PAIGUAYNIANS, PAGTAO A PHAMAGOGOPA KO AGAMA SA KAPAKAOZOR O KAPHAGANAD SA MADRASAH MAROHOM SIDDIQ AL-SLAMIYAH, TUBARAN-PAGAYAWAN, LDS.
01/05/2023
16/03/2022
SUNNAH NA NAKALIGTAAN (19)
Pagtulong ng Lalaki sa Mga Gawaing Bahay.
Oo, ang mga gawaing bahay ay naaangkop lamang sa mga babae, lalo na kapag abala ang lalaki sa paghahanap-buhay.
Ngunit nararapat din na tumulong sa mga gawaing bahay ang lalaki, isa ito sa mga Sunnah ng Propeta (saw) na nakaligtaan na ng karamihan.
Sa katunayan ay mga under di saya lamang ngayon ang karamihan sa mga lalaki na gumagawa ng mga gawaing bahay.
At dahil sa pang-aabuso ng mga babae sa kanilang mga asawa ay parang naging palantandaan na ng mga lalaking under di saya ang pag-gawa ng mga gawaing bahay, bagay na may pagkatotoo naman kung ating susuriin.
At dahil dito, ang mga lalaking may mga prinsipyo ay umiwas na sa mga gawaing bahay upang hindi mapagbintangan ng pagka under di saya.
At dito na nagsimula kung bakit nakaligtaan na ng karamihan ang Sunnah na ito.
Ikaw na babae; hindi dahil tutulong sa mga gawaing bahay si lalaki ay gagawin mo nang parang katulong na pati ang paglilinis ng inyong iniduro ay iaasa narin sa kanya!
At ikaw namang lalaki ay hindi dahil dapat kang tumulong sa mga gawaing bahay ay ikaw na ang susuot ng palda! Kung ano lang ang nararapat para sayo bilang isang lalaki.
Hindi rin namang makatarungan na wala ka nang gagalawin sa loob ng pamamahay.
Sinabi ni Al Aswad:
سَألتُ عائشة ـ رضي الله عنها ـ ما كان النبي ﷺ يصنع في بيته؟ قالت: كان يكون في مهنة أهله (أي: خدمتهم)، فإذا حضرت الصلاة خرج إلى الصلاة." رواه البخاري.
Tinanong ko si 'Aishah (ra) kung ano ang ginagawa ng Propeta (saw) sa loob ng kanyang tahanan? Sabi niya: Tinutulongan niya ang kanyang Pamilya (sa mga gawaing bahay), at kapag oras na ng pagdadasal ay lumalabas upang magdasal. [Isinalaysay ni Bukhari].
At sa pagkakasalaysay ni Imam Ahmad ay kanya pang sinabi:
كان بشرًا من البشر، يَفْلي ثوبه، ويحلب شاته، ويخدم نفسه. وفي رواية أخرى: كان يخيط ثوبه، ويخصف نعله، ويعمل ما يعمل الرجال في بيوتهم. وهي في صحيح الجامع (4813).
Tulad din siya ng ibang tao, nililinis niya at tinatahi ang kanyang sariling damit, at ginagatasan niya ang kanyang kambing, at pinaglilingkuran ang kanyang sarili, at inaayos ang kanyang sariling tsenilas, at ginagawa niya ang tulad ng ginagawa ng mga ordinaryong lalaki sa kanilang mga tahanan.
✍ Muhd-ata Abdulkarim
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Pandi Street
Marawi City
9700
19/12/2022