26/07/2025
ISA SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI TAYO NAGSASAWA MAGTURO SA ALS!
"MULA SA ALS HANGGANG SHARIAH BAR PASSER ANG KWENTO NIYA'Y PATUNAY NA ANG PANGARAP AY WALANG PINIPILING SIMULA!
Noong mga unang araw pa lang namin bilang ALS teachers, isa siya sa mga batang nakita naming pursigidong bumangon sa hamon ng buhay. Gamit ang mga modyul na puno ng pangarap, hindi siya nag-atubiling magsumikap, kahit paulit-ulit na pagsubok ang dumating. Sa halip, naging liwanag siya hindi lang sa amin, kundi sa kapwa niya mag-aaral na nagsabing, "Kung kaya niya, kakayanin ko rin."
ANG KANYANG TAGUMPAY AY TAGUMPAY NATING LAHAT:
- Na ang ALS ay hindi "panghuli," kundi isang MALAYANG PINTUAN para sa mga gustong humawak ng kinabukasan.
-Na ang edukasyong hindi naabot sa tradisyonal na paraan ay HINDI HADLANG kundi pagkakataong ipakita ang tibay ng loob.
AT NGAYON... SHARIAH BAR PASSER NA SIYA! ⚖️
Mula sa pag-aaral sa ilalim ng mga puno at pagtatanong sa amin nang walang sawa, hanggang sa pagharap sa mga batas na tila nakakatakot para sa iba pinatunayan niyang ang PUSO AT DETERMINASYON ay mas malakas kaysa anumang limitasyon.
SA MGA KASAMAHANG ALS LEARNERS AT G**O:
Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Bawat module, bawat luha, bawat ngiti sa graduation ay hakbang palapit sa inyong mga pangarap. Ang kwentong ito’y patunay: Kayang-kaya ninyo.
CONGRATULATIONS, MUHAMMAD SHUAIB HASSAN BATARA, our Counselor at law! Ang iyong tagumpay ay hindi lang para sa iyo ito'y alay mo sa ALS community sa Pilipinas at City Schools Division of Marawi na patuloy na naniniwala sa kapangyarihan ng edukasyon. Maraming salamat sa pagiging NINGNING NG AMING MGA PANGARAP!