30/06/2026
Alhamdulillah! Alhamdulillah 🤲
Sa lahat ng papuri at pasasalamat, kay Allah lamang ang lahat ng kaluwalhatian. Lubos po kaming nagpapasalamat sa biyayang aming natanggap. Ang MAScom Computer Learning Centre Marawi City Inc. ay isa nang Accredited Competency Assessment Center.
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa TESD-MBHTE, sa pangunguna ng aming butihing Provincial Director, Asnawi L. Bato, kay Ms. Jonaifa D. Hadji Azis, CAC Focal, kay Ms. Aslania M. Lope, at sa buong TESD Lanao sa kanilang walang sawang suporta at tiwala.
Ang akreditasyong ito ay hindi lamang tagumpay ng aming institusyon, kundi isang pagkakataon upang makapagbigay ng dekalidad na National Competency Assessment para sa lahat. Ang National Certificate (NC) ay isang karangalang kinikilala hindi lamang sa BARMM at buong Pilipinas, kundi maging sa iba't ibang panig ng mundo.
Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Insha'Allah, patuloy kaming magsisilbi nang may kalidad, integridad, at dedikasyon.
Alhamdulillahi Rabbil 'Alamin! ❤️🤲