27/05/2026
🌙 𝐀𝐋𝐇𝐀𝐌𝐃𝐔𝐋𝐈𝐋𝐋𝐀𝐇 𝐅𝐎𝐑 𝐄𝐈𝐃 𝐀𝐋-𝐀𝐃𝐇𝐀 🌙
Nawa’y tanggapin ni Allah ﷻ ang ating mga Salah, du’a, sakripisyo, at lahat ng mabubuting gawa sa araw ng Eid.
Sa pagtatapos ng dakilang araw na ito, nawa’y manaig ang pagmamahalan, pagkakaisa, at pagpapatawad sa isa’t isa. Kung kami man ay nagkulang o nakasakit nang hindi sinasadya, hinihiling namin ang inyong tawad para sa kapakanan ng Allah ﷻ.
Nawa’y pagalingin ni Allah ang ating mga kapatid na may karamdaman, palakasin ang mga dumaraan sa pagsubok, at gabayan ang buong Ummah tungo sa kapayapaan, pagkakaisa, at matatag na pananampalataya.
لَن يَنَالَ اللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَاؤُهَا وَلَٰكِن يَنَالُهُ التَّقْوَىٰ مِنكُمْ
“Hindi ang laman o dugo nito ang nakakarating kay Allah, kundi ang inyong takwa.”
— Surah Al-Hajj 22:37
✨ Taqabbalallahu minna wa minkum.
— Ma'had Ilian Addeenul