09/04/2026
๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐ก๐๐๐ก: ๐๐ธ๐ฎ-9 ๐ป๐ด ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น 1942
Pag-alala sa walang hanggang kagitingan ng ating mga bayani.
Nagliyab ang apoy ng kalayaan sa Bataan at Corregidor, dala ang tapang, pag-asa, at pagnanais na ipagtanggol ang Inang Bayan. Sa gitna ng digmaan at matinding pagsubok, napatunayan ng ating mga bayani na ang pag-ibig sa bansa ay mas matibay kaysa sa takot at pangamba.
Ngayong Araw ng Kagitingan, magbigay-pugay tayo sa kanilang sakripisyo.
Hangaan natin sila, sila ang naging inspirasyon ng rebolusyon, paglaban, at pagbangon ng ating lahi.
Ipagpatuloy natin ang kanilang laban: labanan ang kahirapan, korapsyon, at mga sumisira sa pagkakaisa. Magpakita tayo ng kagitingan sa bawat araw, sa eskwela, trabaho, at komunidad.
Ang kagitingan ay hindi namamatay, itoy buhay natin ngayon! Ipaglaban natin ang kinabukasan ng Pilipinas!