30/12/2025
Tuwing Disyembre 30, ginugunita natin ang Araw ni Dr. Jose Rizal bilang pagpupugay sa ating pambansang bayani na gumamit ng panulat bilang sandata laban sa pang-aapi at katiwalian. Sa pamamagitan ng kanyang mga akdang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, kanyang ginising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Noong Disyembre 30, 1896, siya ay binitay sa Bagumbayanโisang sakripisyong nagpatibay sa hangarin ng bayan para sa kalayaan. Ang kanyang buhay at mga aral ay patuloy na nagsisilbing gabay at inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon.
โ๏ธ: Kate Atienza
๐ผ: Arvie Canoso