27/07/2026
๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐: ๐ท๐ต๐ท ๐ถ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ญ๐๐๐
๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐
๐ฑ๐ผ๐ณ๐ ๐๐, ๐๐๐๐
๐ช๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐, ๐ซ๐๐ ๐ท๐๐
๐๐, ๐ด๐๐๐๐๐๐๐, ๐ถ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐
๐๐๐
Naging matagumpay ang isinagawang PNP Outreach Program through Feeding Activity para sa mga batang mag-aaral ng Cagulong Elementary School, kung saan tatlong seksyon ng Grade 1 ang nabigyan ng masustansiya at mainit na sopas.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng 403rd B Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 4B (RMFB 4B), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ John Aldrin S. Alojado, Company Commander, sa pamamagitan ng Community-Oriented Program (COP) at Police Community Affairs Section (PCAS).
Ang outreach program ay isinagawa kaugnay ng 2026 State of the Nation Address (SONA) at bilang suporta sa mga government thrust na naglalayong palakasin ang ugnayan ng kapulisan at ng komunidad, gayundin ang pagsusulong ng kapakanan, kalusugan, at nutrisyon ng mga kabataan.
Pinangunahan ang feeding activity ni PSSg Gala, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ John Aldrin S. Alojado, Company Commander, kasama ang mga personnel ng 403rd B Maneuver Company, RMFB 4B.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa pangangalaga sa kalusugan at nutrisyon ng mga batang mag-aaral, gayundin ang pagpapakita ng malasakit, serbisyo, at suporta ng kapulisan sa mga kabataan at sa buong komunidad.
Masayang tinanggap ng mga mag-aaral mula sa tatlong seksyon ng Grade 1 ang inihandang masustansiyang pagkain. Bukod sa pagbibigay ng pagkain, naging mahalagang pagkakataon din ang programa upang mapalakas ang ugnayan, pakikipagtulungan, at pagtutulungan ng kapulisan at ng paaralan sa pagsusulong ng kapakanan ng mga bata.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng Cagulong Elementary School, sa pangunguna ng kanilang School Head na si G. Jerry C. Varona, kasama ang mga g**o, mag-aaral, at mga magulang, kina PMAJ John Aldrin S. Alojado, Company Commander, PSSg Gala, at sa buong personnel ng 403rd B Maneuver Company, RMFB 4B, sa kanilang kabutihang-loob, malasakit, at patuloy na suporta sa mga kabataan at sa komunidad.
Ang ganitong uri ng programa ay patunay na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng kapulisan, paaralan, mga organisasyon, at iba pang katuwang sa komunidad, mas mapapalakas ang mga programang naglalayong itaguyod ang kalusugan, nutrisyon, edukasyon, at kapakanan ng mga batang mag-aaral.
Kapulisan, Kaagapay ng Kabataan!
Serbisyong Totoo, Malasakit na Ramdam! ๐ต๐ญ๐ฎโโ๏ธ๐ฎโโ๏ธโค๏ธ