Holy Child Catholic School, Inc.

Holy Child Catholic School, Inc. The official page of Holy Child Catholic School, Inc. Growing in wisdom, in age, and in holiness since 1945.

We want to be holy like the Holy Child Jesus! VISION

A People called by the
Father in Jesus Christ
to become a Community
of persons with Fullness of Life
witnessing to the Kingdom of God
by living the Paschal Mystery
in the power of the Holy Spirit
with Mary as Companion

SALYA, SAN DAMIANO!Ginanap ang magdamagang retreat ng mga HCCSian mula sa pangkat San Damiano, ng ika-12 baitang sa St. ...
25/08/2026

SALYA, SAN DAMIANO!

Ginanap ang magdamagang retreat ng mga HCCSian mula sa pangkat San Damiano, ng ika-12 baitang sa St. Michael Retreat House sa siyudad ng Antipolo, lalawigan ng Rizal.

Ang magdamagang retreat na pinamagatang "Duc in Altum" ay naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga HCCSian na magsisipagtapos sa taong panuruang ito na palalimin ang kanilang buhay espiritwal. Nawa'y tunay na maglayag ang ating mga

HCCSian tungo sa kalaliman nang sa gayo'y makamit nila sa kanilang paglalakbay ang pag-asa nating si Kristo, ang Santo Niño.

Isang mapagpalang araw ang ipinagkaloob ng Panginoon ngayong Lunes, Agosto 24, 2026. Matapos ang ilang araw na pagsuspin...
24/08/2026

Isang mapagpalang araw ang ipinagkaloob ng Panginoon ngayong Lunes, Agosto 24, 2026. Matapos ang ilang araw na pagsuspinde ng face-to-face na klase, muling nagbalik sa paaralan ang ating mga HCCSian.

Sinimulan ng mga mag-aaral mula sa Baitang 11, pangkat St. George of England at St. Martin of Tours, ang kanilang umaga nang may pananampalataya at pagpapahalaga sa bayan sa pamamagitan ng kanilang Morning Assembly.

Matapos ang kanilang panalangin, buong-pusong inawit ang Pambansang Awit at nanumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas. Nagtapos ang kanilang pagtitipon sa isang maikling ehersisyo para sa kalusugan.

Ang mga simpleng gawaing ito ay patuloy na nakatutulong sa paghubog ng mga responsableng mag-aaral at matatapat na kabataang handang harapin ang bawat araw nang may pananampalataya, layunin, sigla, at pagmamahal sa bayan.

SALYA,  Santa Barbara!Ginanap ang magdamagang retreat ng mga HCCSian mula sa pangkat Santa Barbara, ng ika-12 baitang sa...
24/08/2026

SALYA, Santa Barbara!

Ginanap ang magdamagang retreat ng mga HCCSian mula sa pangkat Santa Barbara, ng ika-12 baitang sa St. Michael Retreat House sa siyudad ng Antipolo, lalawigan ng Rizal.

Ang magdamagang retreat na pinamagatang "Duc in Altum" ay naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga HCCSian na magsisipagtapos sa taong panuruang ito na palalimin ang kanilang buhay espiritwal. Nawa'y tunay na maglayag ang ating mga
HCCSian tungo sa kalaliman nang sa gayo'y makamit nila sa kanilang paglalakbay ang pag-asa nating si Kristo, ang Santo Niño.


SALYA, SAN ALBERTO!Ginanap ang magdamagang retreat ng mga HCCSian mula sa pangkat San Alberto ng ika-12 baitang sa St. M...
24/08/2026

SALYA, SAN ALBERTO!

Ginanap ang magdamagang retreat ng mga HCCSian mula sa pangkat San Alberto ng ika-12 baitang sa St. Michael Retreat House sa siyudad ng Antipolo, lalawigan ng Rizal.

Ang magdamagang retreat na pinamagatang "Duc in Altum" ay naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga HCCSian na magsisipagtapos sa taong panuruang ito na palalimin ang kanilang buhay espiritwal. Nawa'y tunay na maglayag ang ating mga HCCSian tungo sa kalaliman nang sa gayo'y makamit nila sa kanilang paglalakbay ang pag-asa nating si Kristo, ang Santo Niño.


Baitang 5 - AI KomiksIpinamalas ng mga mag-aaral sa Baitang 5 ang kanilang husay, pagkamalikhain, at malawak na imahinas...
24/08/2026

Baitang 5 - AI Komiks

Ipinamalas ng mga mag-aaral sa Baitang 5 ang kanilang husay, pagkamalikhain, at malawak na imahinasyon sa paggawa ng AI Komiks.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, naipakita nila ang kanilang kasanayan sa pagguhit, pagbuo ng mga tauhan, pagsulat ng makabuluhang usapan, at pagsasalaysay ng kuwento sa malikhaing paraan. Naging daan din ito upang maipahayag nila ang kanilang mga ideya at talento sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Higit sa lahat, naging masaya at makabuluhang karanasan ang gawaing ito na nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na pagsamahin ang wika, sining, imahinasyon, at teknolohiya. Sa kanilang mga likhang komiks, naipamalas nila na ang teknolohiya ay maaaring maging makabuluhang kasangkapan sa pagkatuto at malikhaing pagpapahayag, kasabay ng pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.


ANG MGA HCCSIAN AY DUMALO SA BANAL MISA Ang mga HCCSians na nasa ika-5 na baitang na San Agustin ay dumalo sa Misa ng al...
24/08/2026

ANG MGA HCCSIAN AY DUMALO SA BANAL MISA

Ang mga HCCSians na nasa ika-5 na baitang na San Agustin ay dumalo sa Misa ng alas-7:30 ng umaga ngayong araw sa Mo. Teresa Chapel.

Sa kanyang homiliya, sinabi ni Reb. Padre Nicanor A. Celiano Jr. sa okasyon ng kapistahan ni San Bartolomeo na dapat huwag tayong matakot. Dapat ay handa tayong maging saksi sa ating pananampalataya tulad ni San Bartolomeo na hindi naging hadlang ang mga pananakot sa kanya upang bitawan ang kanyang pagmamahal na ipalaganap ang turo ni Hesus.

ANG MGA HCCSIAN AY DUMALO SA BANAL MISA | Ika-21 Linggo sa Karaniwang PanahonAng mga piling HCCSians na nasa ika-11 na b...
23/08/2026

ANG MGA HCCSIAN AY DUMALO SA BANAL MISA | Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ang mga piling HCCSians na nasa ika-11 na baitang ay dumalo sa Misa ng alas-10 ng umaga ngayong Linggo sa Basilika menor at Archdiocesanong Dambanang Parokya ng Santo Niño de Tondo.

Sa kanyang homiliya, binigyan diin ni Reb. Padre Nicanor A. Celiano Jr. na ang simbahan ay banal dahil si Hesus mismo ang nagtatag nito. Itinatag ni Hesus ang simbahan sa bato kaya walang anumang kadiliman at kasalanan ang makapagpapababagsak nito. Gayun din ay ipinagkatiwala ni Hesus sa kanyang simbahan ang mga sakramento upang maging daluyan ng Kanyang mga biyaya

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa mga kawani ng parokya sa maasikasong pagtanggap at pagtulong sa mga HCCSians sa pagdiriwang ng Banal na Misa.

Nawa’y gabayan at pagpalain tayo ng Banal na Batang Hesus sa buong linggong ito!

21/08/2026
Kaisa ang Holy Child Catholic School sa paggunita ng anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino J...
21/08/2026

Kaisa ang Holy Child Catholic School sa paggunita ng anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. ngayong araw, Agosto 21, 2026.

Layunin ng araw na ito na alalahanin ang sakripisyo, tapang, at pagmamahal niya sa bayan na nagbigay-daan sa pag-usbong ng demokrasya sa Pilipinas.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang buhay at sakripisyo ni Ninoy Aquino sa bawat HCCSian upang patuloy na pahalagahan at ipagtanggol ang demokrasya, pairalin ang katotohanan at katarungan, at makibahagi sa pagtatatag ng isang lipunang nakabatay sa pagkakaisa, dignidad, at pagmamahal sa bayan.

Address

Plaza Hernandez, Ilaya Street 4 Tondo, City Of Manila
Manila
1012

Opening Hours

Monday 7am - 3pm
Tuesday 7am - 3pm
Wednesday 7am - 3pm
Thursday 7am - 3pm
Friday 7am - 3pm

Telephone

+6322450801

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Holy Child Catholic School, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Holy Child Catholic School, Inc.:

Shortcuts

Share