31/08/2026
๐๐ข๐ง๐ฌ๐๐ง, ๐ง๐๐ข๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ ๐ค๐จ... ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ง๐๐ซ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐จ ๐ฉ๐ ๐ซ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐๐ง๐จ ๐ค๐๐ฒ๐ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐๐ข๐ก๐ข๐ง ๐ง๐ข๐ฅ๐?
Marahil, matutuwa silang malaya na tayong nakakapagsalita. Ngunit marahil, masasaktan din silang makita na hanggang ngayon, marami pa ring Pilipino ang kailangang ipaglaban ang mga bagay na noon pa nila ipinaglaban.
Hanggang ngayon, may mga pamilyang nawawalan ng tahanan sa bawat pagbaha. Hanggang ngayon, may mga mamamayang naghihintay ng pananagutan mula sa mga nasa kapangyarihan. Hanggang ngayon, may mga gurong kulang sa suporta, mga magsasakang kulang sa pagkilala, mga manggagawang kulang sa sahod, at mga kabataang pilit nangangarap sa gitna ng sistemang tila unti-unting sumusubok pumatay sa pag-asa.
Ngunit kung may isang bagay na hindi nagbago, iyon ay ang diwa ng kabayanihan.
Nabubuhay ito sa gurong hindi sumusuko sa pagtuturo, kahit patuloy na kinukurakot ng pamahalaan ang badyet para sa kanila. Sa magsasakang patuloy na nagtatanim kahit hindi tiyak ang ani. Sa boluntaryo at manggagawang tahimik na nagsisilbi. Sa mga mamamayang hindi natatakot magtanong. Sa mga kabataang ginagamit ang kanilang panulat, sining, at tinig na nakikipagbakbakan sa kalsada, umulan man o umaraw upang maipaglaban ang katotohanan. At sa mga taong handang tumindig sa lansangan kapag ang pananahimik ay tila nagiging pakikiisa sa katiwalian.
Hindi lahat ng bayani ay nasa aklat ng kasaysayan. Hindi lahat ay naiku-kuwento.
May ilan na katabi mo sa jeep. Kasama mo sa klase. Kasabay mong umuwi. Baka ang iba ay nasa loob mismo ng iyong tahanan.
At baka, hindi mo pa lang napapansin...
Isa ka rin sa kanila.
Dahil ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa kung paano ka namatay para sa bayan, kundi sa kung paano mo pinili at pipiliing mabuhay para rito.
Sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, nawa'y hindi lamang natin sila alalahanin.
Nawa'y ipagpatuloy natin ang laban na sinimulan nila.
๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-95๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
๐๐ข๐๐ข๐๐๐ก. ๐ต๐ข๐๐๐๐๐๐ . ๐๐๐๐๐ข๐๐๐ก.
Inilathala ni โ๐ผ: Jellvin Ventura
๐ด๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Ngayong araw ating ginugunita ang mga taong nag-alay ng kanilang buhay tangan ang diwa ng pagiging isang Pilipinoโpara sa mga Pilipino.
Ang panahon man ay nagbago, ang araw man ay lumilipas, ngunit ang ๐ธ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป at ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป na ipinanday ng ating mga bayani para sa ating bayan ay nananatiling buhay at makintab mula sa ating sarili, kultura, at kasaysayan. Ito ay higit pa sa isang medalya o katawagan.
Dahil ang ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐น๐ฎ๐ nila ng kanilang mga sarili sa hangaring makamtan ang matagal nang hangad na kalayaan at pag-asa para sa bawat mamamayang Pilipino ay hindi matutumbasan; bunga ito ng kanilang paninindigan at paniniwala na ang ating bayan ay ating yaman na sumasalamin sa ating pagkakakilanlan.
Magsilbi nawa silang paalala sa atin na dapat nating tutulan ang pagkakaroon ng puwang ang ๐ฑ๐ข๐ด๐ช๐ด๐ฎ๐ฐ, ๐ช๐ฎ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐บ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ฎ๐ฐ, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐ถ๐ฑ๐ช๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐ด๐ต๐ฆ๐ฎ๐ข sa ating bansa, sapagkat mawawalan ng saysay ang mga dugong dumanak at buhay na inalay, kung mababalot lang muli ang bansa sa diktadura.
๐๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฐ๐, ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข! ๐ต๐ญโ๐ป