14/05/2026
๐๐๐๐, ๐๐๐๐โฆ ๐๐๐๐ ! ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ โ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
Ang linyang ito ay madalas na iniuugnay sa biro at laro ng kabataan, ngunit sa ilalim ng bulok na sistema na umiiral ngayon, ito rin ang nagiging mukha ng pulitika sa ating bansa. Sa gitna ng matinding krisis pang-ekonomiya, kahirapan, at pagdurusa ng mamamayan, ang mga nasa poder ay abala sa bangayan, pagpapalitan ng sisi, pagbubulag-bulagan, at pagtatakipan ng kanilang mga kapwa burukrata-kapitalista. Ngunit hindi ito simpleng laro na maaring tawanan lamang. Sapagkat habang silaโy nagsasagawa ng โbato-bato pickโ sa loob ng estadoโbuhay at kinabukasan ng mamamayan ang tunay na nakataya. At sa bawat pagtatangkang umiwas sa pananagutan, lalong lumalantad ang kabulukan ng sistemang pinaghaharian ng korapsyon, pasismo, at impunidad.
Malinaw ang mukha ni Ronald โBatoโ dela Rosaโdating hepe ng PNP at pangunahing arkitekto ng madugong โWar on Drugsโ ng rehimeng Duterte. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, libu-libong Pilipinong mahihirap, inosente ang naging biktima ng extrajudicial killings, intimidasyon, at karahasang isinagawa sa ngalan ng diumanoโy kampanya kontra droga. Ang hustisya ay pinathimik. Ang lansangan ay ginawang larangan ng takot. At ang estado mismo ang naging instrumento ng pagdanak ng mga dugo.
Ngayon, habang humaharap siya sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga alegasyon ng crimes against humanity, makikita ang desperasyon ng isang taong sanay gumamit ng kapangyarihan ngunit takot managot sa batas. Ang dating matapang na mukha ng โgera kontra drogaโ ay ngayoโy pilit nagkukubli sa likod ng mga kaalyado at institusyon ng estado sinasabayan pa ng pagkanta sa media para makahingi ng simpatya. Sa halip na harapin ang paniningil ng kasaysayan at sambayanan, ginagamit pa ang Senado bilang panangga upang protektahan ang mga responsable sa karahasan at korapsyon.
Kasabay nito, patuloy ding umiigting ang usapin ng impeachment laban kay Sara Duterte bunsod ng kwestyonableng paggamit ng confidential funds noong siya pa ang kalihim ng DepEd. Habang kulang ang mga silid-aralan, pasilidad, at suporta para sa mga g**o at estudyanteโbilyin-biluong pondo ng bayan ang nawawala sa ilalim ng programang walang malinaw na pananagutan. Ang perang dapat inilaan para sa edukasyon at serbisyong panlipunan ay nauwi sa interes ng mga nasa kapangyarihan.
Sa gitna ng kanilang bangayan at pagtatakipan, malinaw na hindi mamamayan ang tunay na pinaglilingkuran ng mga nasa estado. Kundi ang kanilang sariling kapangyarihan at interes. Habang tumataas ang presyo ng bilihin, bumabagsak ang sahod, at lalong naghihirap ang masa, silang mga nasa gobyerno ay patuloy na nagpapalitan ng pwesto at proteksyon para lang makaiwas sa pananagutan.
Ito ang tunay na mukha ng impunidad sa bansa. Ang mga pumatay ay pinoprotektahan. Ang nga kurakot at kinakanlungan ng sistema. At ang batas ay nagiging mabagsik lamang laban sa maralita habang nababaluktot para sa makapangyarihan
Mariing naninindigan a ng GABRIELA Youth - PNU kasama ng mamayan sa panawagan ng hustisya, pananagutan, at pagtatapos ng kultura ng impunidad na narafal nang umiiral sa bansa. Iginigiit bamin pananagutan sa mga paglabag sa karapatng pabtao, paglustay ng pondo ng bayan, at paggamit ng dahas laban sa maralita at kritoko ng gobyerno. Walang tunay na hustisya hanggaโt nananatiling protektado ng sistema ang mga berdugo, kurakot, at mga may sala sa sambayanan. Panagutin na si Bato at isulong ang impeachment kay Sara Duterte.
Hindi ito laro. Hindi ito โbato-bato pickโ na kapag talo ay pwedeng umiwas sa galit at pananagutan. Ang usapin dito ay buhay, hustisya, at karapatan ng mamamayan.
๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐ง๐๐ ๐ฎ๐ญ๐๐ง. ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ง๐ ๐ก๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ ! ๐๐ฆ๐ฉ๐๐๐๐ก ๐๐๐ซ๐ ๐๐จ๐ฐ ! ๐๐๐ง๐๐ ๐ฎ๐ญ๐ข๐ง ๐ฌ๐ข ๐๐๐ญ๐จ !
๐๐๐๐, ๐๐๐๐โฆ ๐๐๐๐ ! ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ โ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
Ang linyang ito ay madalas na iniuugnay sa biro at laro ng kabataan, ngunit sa ilalim ng bulok na sistema na umiiral ngayon, ito rin ang nagiging mukha ng pulitika sa ating bansa. Sa gitna ng matinding krisis pang-ekonomiya, kahirapan, at pagdurusa ng mamamayan, ang mga nasa poder ay abala sa bangayan, pagpapalitan ng sisi, pagbubulag-bulagan, at pagtatakipan ng kanilang mga kapwa burukrata-kapitalista. Ngunit hindi ito simpleng laro na maaring tawanan lamang. Sapagkat habang silaโy nagsasagawa ng โbato-bato pickโ sa loob ng estadoโbuhay at kinabukasan ng mamamayan ang tunay na nakataya. At sa bawat pagtatangkang umiwas sa pananagutan, lalong lumalantad ang kabulukan ng sistemang pinaghaharian ng korapsyon, pasismo, at impunidad.
Malinaw ang mukha ni Ronald โBatoโ dela Rosaโdating hepe ng PNP at pangunahing arkitekto ng madugong โWar on Drugsโ ng rehimeng Duterte. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, libu-libong Pilipinong mahihirap, inosente ang naging biktima ng extrajudicial killings, intimidasyon, at karahasang isinagawa sa ngalan ng diumanoโy kampanya kontra droga. Ang hustisya ay pinatahimik. Ang lansangan ay ginawang larangan ng takot. At ang estado mismo ang naging instrumento ng pagdanak ng mga dugo.
Ngayon, habang humaharap siya sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga alegasyon ng crimes against humanity, makikita ang desperasyon ng isang taong sanay gumamit ng kapangyarihan ngunit takot managot sa batas. Ang dating matapang na mukha ng โgera kontra drogaโ ay ngayoโy pilit nagkukubli sa likod ng mga kaalyado at institusyon ng estado sinasabayan pa ng pagkanta sa media para makahingi ng simpatya. Sa halip na harapin ang paniningil ng kasaysayan at sambayanan, ginagamit pa ang Senado bilang panangga upang protektahan ang mga responsable sa karahasan at korapsyon.
Kasabay nito, patuloy ding umiigting ang usapin ng impeachment laban kay Sara Duterte bunsod ng kwestyonableng paggamit ng confidential funds noong siya pa ang kalihim ng DepEd. Habang kulang ang mga silid-aralan, pasilidad, at suporta para sa mga g**o at estudyanteโbilyon-bilyong pondo ng bayan ang nawawala sa ilalim ng programang walang malinaw na pananagutan. Ang perang dapat inilaan para sa edukasyon at serbisyong panlipunan ay nauwi sa interes ng mga nasa kapangyarihan.
Sa gitna ng kanilang bangayan at pagtatakipan, malinaw na hindi mamamayan ang tunay na pinaglilingkuran ng mga nasa estado. Kundi ang kanilang sariling kapangyarihan at interes. Habang tumataas ang presyo ng bilihin, bumabagsak ang sahod, at lalong naghihirap ang masa, silang mga nasa gobyerno ay patuloy na nagpapalitan ng pwesto at proteksyon para lang makaiwas sa pananagutan.
Ito ang tunay na mukha ng impunidad sa bansa. Ang mga pumatay ay pinoprotektahan. Ang nga kurakot at kinakanlungan ng sistema. At ang batas ay nagiging mabagsik lamang laban sa maralita habang nababaluktot para sa makapangyarihan.
Mariing naninindigan a ng GABRIELA Youth - PNU kasama ng mamayan sa panawagan ng hustisya, pananagutan, at pagtatapos ng kultura ng impunidad na matagal nang umiiral sa bansa. Iginigiit bamin pananagutan sa mga paglabag sa karapatng pantao, paglustay ng pondo ng bayan, at paggamit ng dahas laban sa maralita at kritoko ng gobyerno. Walang tunay na hustisya hanggaโt nananatiling protektado ng sistema ang mga berdugo, kurakot, at mga may sala sa sambayanan. Panagutin na si Bato at isulong ang impeachment kay Sara Duterte.
Hindi ito laro. Hindi ito โbato-bato pickโ na kapag talo ay pwedeng umiwas sa galit at pananagutan. Ang usapin dito ay buhay, hustisya, at karapatan ng mamamayan.
๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐ง๐๐ ๐ฎ๐ญ๐๐ง. ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ง๐ ๐ก๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ ! ๐๐ฆ๐ฉ๐๐๐๐ก ๐๐๐ซ๐ ๐๐จ๐ฐ ! ๐๐๐ง๐๐ ๐ฎ๐ญ๐ข๐ง ๐ฌ๐ข ๐๐๐ญ๐จ !
09/05/2026
09/05/2026
20/03/2026
18/03/2026
18/03/2026
06/03/2026
04/03/2026
11/02/2026
09/12/2025
04/12/2025