UCCP - Kundiman Schedule
CWA (Womens) Bible Study - Wednesday 7:30 PM
UCM (Mens) Bible Study - Thursday 7:30 PM
CYF (Youth) Bible Study - Saturday 7:30PM
Children/Adult Sunday School - Sunday 9:30 AM
Divine Worship - Sunday 10:30 AM Church History
United Church of Christ in the Philippines - Kundiman
1925
- Unang nakilala bilang "Iglesiya sa Bahay" - Sama- sama pananalangin at pag aaral ng B
iblya sa tahana ng pamilya Primo Capacete kasama ang mga panilya Domingo Florentino, Jose Leyso, Emilio Amago sa paggabay ni Bishop Pantaleon Paruli
- Oktubre 9, Nakilala bilang Iglesiya Ebanghelika National Filipinas sa Legarda. Felixberto Reyes
- Nagkaroon ng mga kilos ebanghelismo sa Masambong, San Francisco del Monte, Caloocan at Legarda Estate.
- Pagdalo ng mga kabataan sa mga paligsahan sa iba't ibang congregasyon.
1932
- Febrero 6, Pinangalanang Iglesiya Ebanghelika Unida de Cristo sa Legarda
- Lumagda sa pakikiisa sa Unida de Cristo sila Bishop Pantaleon Paruli, Supirintindente Heneral ng Iglesiya, Rev Felixberto Reyes Ebanghelista Heneral, at Rev. Pagtatalaga ng batong panulok ng kapilya sa pangunguna ng Rev. Jose Leyson, Sr. Emilio Amago at Rev. Eugenio Guerrero
- Ang karapatan sa lupang pinagtayuan ng kapilya ay ibinigay ng mag asawang Primo at Catalina Capacete
- "bayanihan" ang nagging tema ng paggawa ng Simbahan sa pangunguna ni Kap. na Agapito Dacumos-Master Carpenter
- Naitatag ang Samahan ng Kababaihang Krus na Pula
1935-1936
- Naitatag ang Kapisanan ng Kabataan Kawal ng Katotohanan
- Nakapag-uwi ng kopa ng karangalan sa mga tagisan ng talino sa banal na Kasulatan, talumpatian at pag-awit ng koro
1937-1939
- Pagsasanay ng layko sa pagsesermon isang linggo kada buwan sa paggbay ni Rev. Emilio Amago
1946-1947
- Pagpapakumpuni ng Iglesiya at pagpapagawa ng kaliwang panig ng Iglesiya
- Naipairal ang Budget System; tumanggap ng tiyak na hala ang mga manlilingkod ng Iglesiya
- Ipinairal ang pagbibigay ng Ikapu
1948
- Mayo 26, Nakiisa sa "United Church of Christ in the Philippines" at Napailalim sa Manila South west Annual Conference, at pagkatapos ay nailipat sa Manila North Annual Conference
- Pinagtibay ng isinunod ng kalsada ang kapilya - Kundiman Evangelical Chuch
1949-1950
- Nagkaroon ng misyon ebanghelismo sa Gilmore, San juan at Cubao
1950-1951
- Naitatag ang Sambahayang Pagsamba (Family Altar), Sunday School(English Class) para sa mga mag-aaral sa High School at College at Kulto sa Gabi (Vesper Service)
- Naitatag ang Kapisanan ng Bilog na Hapag sa Kundiman Evangelical Church na binubuo ng mga pastor at layko para sa pagsasanay magsermon sa pangunguna ni Rev. Anacleto Lazaro.
1952-1957
- Naipa-konkreto ang kapilya at naisagad ang hangganan ng gusali sa lote sa pamamahala ni Engr. Gregorio Amistoso
-Unang ginawa ang pagkakaloob ng Alkansyang Bao tuwing Nobyembre sa Araw ng Pasasalamat (Thanksgiving Day)
(to be continue.)