12/09/2025
Sa kaniyang panitik, pagpapalaya't pagpapamulat ay hitik. Binabati ka ng iyong pamilya mula sa Panitik ng Tondo sa nasungkit mong karangalan, Pangulong Yhunna Mhae Tifles. Ipagpatuloy ang alab ng iyong pluma sa paghahasik ng kapangyarihan ng wika. โ๏ธ๐ผโ๐ผ
07/09/2025
Natapos man ang buwan ng Agosto pero hindi matatapos ang diwa ng ating pagkakaisa. Mananatiling nananalaytay sa ating puso't kaluluwa ang mga wikang nagbubuklod sa kabila ng ating pagkakaiba-iba. Para pormal na ipinid ang Buwan ng Wika, idaraos bukas, Setyembre 8 sa Conference Room ang Pampinid na Palatuntunan.
Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang wikang katutubo! Mabuhay ang lahing Pilipino! ๐ต๐ญ
04/09/2025
Kagila-gilalas na pagpapamalas ng kahenyuhan sa Dagliang Pagsusulit (kaliwang retrato) at kasiningan sa Makabagong Talumpatian (kanang retrato) ang nasaksihan mula sa mga batang Tondonian! Umaapaw na paghanga sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa iisang adhikaโang mabigyang karangalan ang paaralang sinta. Mas lalong lumiwanag ang daang tinahak dahil sa gabay na tanglaw ng mga gurong nagsilbing tagapagsanayโsaludo sa inyo, Bb. Brazas at Gng. Ignacio! Mabuhay, Tondo High School! Mabuhay, Batang Tondo! โ๐ผ๐๐ผ
03/09/2025
Humagupit ang bagsik ng inyong mga tinig sa pagtindig kung bakit karapat-dapat na ituring kayong pag-asa ng bayan. Nailatag ninyo ang kahusayan at katalinuhan sa patimpalak na ๐๐ข๐ง๐ข๐ -๐๐ข๐ง๐๐ข๐ : ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ข๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง na ginanap kahapon, Setyembre 2. Malugod na pagbati sa mga nagwaging mananalumpati! ๐๐ผ
28/08/2025
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐! ๐๐ผ
Ikinararangal na maitampok ang mga nagwaging baitang at pangkat sa ginanap na patimpalak na ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฐ๐ข๐ญ: ๐๐ข๐ฆ๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐ฐ๐ข๐ญ๐ข๐ง kahapon, Agosto 27. Dumagundong ng kagalakan sa pandinig ang inyong ipinamalas na husay sa pag-awit at talino sa pagsasalin. Tunay ngang ang ๐๐๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐๐จ ay ๐๐๐ง๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ. โจ๏ธ
28/08/2025
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐! ๐๐ผ
Itinatanghal ang mga sumusunod na baitang at pangkat dahil nasungkit ang pagkawagi sa patimpalak na ๐๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ-๐๐๐ฌ๐: ๐๐ข๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ na ginanap kahapon, Agosto 27. Kahanga-hanga ang inyong ibinidang husay at talento! โจ๏ธ
28/08/2025
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐ sa mga mananaysay at makata ng bawat baitang. Nagwagi ang kanilang mga piyesa sa patimpalak na ๐๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐, ๐๐ฎ๐ฅ๐, ๐๐ซ๐จ๐ฌ๐: ๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ/๐๐ฎ๐ฅ๐ na ginanap noong Agosto 8.
๐๐น๐ช๐ฐ๐น๐ช๐ฝ๐พ๐ต๐ธ๐ ๐ช๐ท๐ฐ ๐น๐ช๐ฐ๐ฐ๐ช๐ถ๐ฒ๐ฝ ๐ท๐ฐ ๐น๐ช๐ท๐พ๐ต๐ช๐ฝ ๐พ๐น๐ช๐ท๐ฐ ๐ถ๐ช๐ฐ๐น๐ช๐ถ๐พ๐ต๐ช๐ฝ. โจ๏ธ
26/08/2025
๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐! ๐ข
Narito ang tala ng mga magpapasiklaban sa patimpalak na ๐๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ-๐๐๐ฌ๐: ๐๐ข๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ at ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฐ๐ข๐ญ: ๐๐ข๐ฆ๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐ฐ๐ข๐ญ๐ข๐ง. Gaganapin ito bukas, Agosto 27, 10:30 n.u. sa Conference Room. Mauuna ang patimpalak ng Baitang 7 at 8 na susundan naman ng Baitang 9 at 10. Nakabatay ang pagkakasunod-sunod ng mga magtatanghal mula sa pinakahuling nagparehistro (mauuna) hanggang sa pinakamaagap na nagparehistro (mahuhuli). Ipagkakaloob bukas ang excuse letter sa mga kalahok na mag-aaral.
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ:
Baitang 7 at 8 โ Pakihanda ang kopya ng piyesa na nakalagay sa isang folder.
Baitang 9 at 10 โ Pakihanda ang hard copy ng liriko (banyagang awit na katapat ang orihinal na salin nito) sa short bond paper.
22/08/2025
๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐๐ฟ! ๐ข Hihimig na ang mga tinig ng Baitang 9 at 10 sa patimpalak na ๐บ๐๐๐๐๐จ๐๐๐: ๐ฏ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐. Magsisilbing rehistrasyon at eliminasyon ang link sa ibaba na bubuksan simula ngayon hanggang Agosto 24, 5 PM. Iaanunsiyo sa Agosto 25 ang uusad sa huling yugto na gaganapin sa Agosto 27, 10:30 AM. https://forms.gle/ioTRweh33aeQ2bkaA
Limang (5) patimpalak ang titimpla sa magkakaibang husay at talino. Makilahok, makiisa, at makipagsabayan sa rumaragasang talento. Ipamalas at ipagmalaki ang iyong pagka-Pilipino!
22/08/2025
๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐๐ฟ! ๐ข Aariba na ang husay sa pagbabasa ng Baitang 7 at 8 sa patimpalak na ๐ป๐๐๐๐๐๐-๐ฉ๐๐๐: ๐ฉ๐๐
๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐. Magsisilbing rehistrasyon at eliminasyon ang link sa ibaba na bubuksan simula ngayon hanggang Agosto 24, 5 PM. Iaanunsiyo sa Agosto 25 ang uusad sa huling yugto na gaganapin sa Agosto 26, 10:30 AM. https://forms.gle/RpCV8JGerQp1gpdf8
Limang (5) patimpalak ang titimpla sa magkakaibang husay at talino. Makilahok, makiisa, at makipagsabayan sa rumaragasang talento. Ipamalas at ipagmalaki ang iyong pagka-Pilipino!
19/08/2025
Pabatid! ๐ข
Narito ang mga kalahok para sa patimpalak na "Tinig-Tindig: Talumpatian ng Paninindigan":
1. Gillian M. Binayug | 10-Alzona
2. Kimberly Ellaijah A. Coronado | 10-Bonifacio
3. Joel R. Escala Jr. | 9-Apitong
4. Derick Jhaz D. Gracilla | 9-Apitong
5. Irish Anne C. Magwaling | 9-Acacia
6. Gerlyn B. Mercadal | 9-Ipil-Ipil
Ibibigay ang paksa sa mismong araw ng patimpalak. Ilalaan ang sapat na panahon para maisulat at maisiwalat ang nilalaman ng puso't isipan. Gaganapin ito sa Agosto 22, 11:45 ng umaga sa Conference Room.
๐ฃ๐พ๐ถ๐ฒ๐ท๐ญ๐ฒ๐ฐ ๐น๐ช๐ป๐ช ๐ผ๐ช ๐ฒ๐๐ธ๐ท๐ฐ ๐ฝ๐ฒ๐ท๐ฒ๐ฐ, ๐ฃ๐ธ๐ท๐ญ๐ธ๐ท๐ฒ๐ช๐ท! โ๐ผ