Pababalik-tanaw sa Ginanap na Gawain at Patimpalak
Buwan ng Wika 2024
RMHS - Kagawaran ng Filipino
Opisyal na page ng Kagawaran ng Filipino ng Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay - Espanya
29/08/2024
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐! ๐ณโผ๏ธโผ๏ธ
๐๐ญ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ฝ๐ช๐ ๐ก๐ช๐ง๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐ฅ?โ๏ธ๐ข
Halina't iniimbinatahan namin kayo sa inihanda ng ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ para sa bukluran na magaganap. Huwag nang magpahuli at pumunta na sa aming booth. ๐คญ Makikita niyo ito sa Dapitan Area sa Dr. Alejandro Albert Elementary School ROOM 701 ( 7th Floor).
๐ ๐๐๐ข๐ฆ๐ง๐ข ๐ฏ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ
๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐ง ๐ฆ๐ฆ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง๐ฆ
*๐๐:๐๐ ๐๐ - ๐๐:๐๐ ๐๐
๐ ๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐ง ๐ฅ๐๐๐จ๐๐๐ฅ
๐๐:๐๐ ๐๐ - ๐๐:๐๐
๐๐ฃ๐ ๐ฆ๐๐๐๐ง ๐๐
๐:๐๐ ๐๐ - ๐:๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐:
๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐! ๐
โข mayroong apat na kulay ang spin the wheel ito ay red,orange, yellow, and green.
Sa apat na kulay na ito ay may iba't ibang challenge. Mayroon kayong matatangap na speacial price kapag nagawa ninyo ang challenge!
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐โ
โข Dito naman at maari kayong maglagay ng inyong saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat sa sticky notes at pagdikit nito sa illustration, Maari kayong mag confess sa inyong crush, magbigay ng appreciation sa isang tao, magbigay ng motivational quotes at marami pang iba na pwede ninyong isulat.
๐ธ๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐
Sa photobooth naman ay maari kayong gumamit ng iba't ibang banners na inihanda ng organisasyon, at makikita ninyo ang picture sa page ng Tinig ng Kabataan.
๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐๐ฎ๐ ๐ป๐ถ๐ป๐๐ผ?! ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎโ๐ ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ธ๐น๐๐ฟ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฒ๐!๐ค๐ญ
๐ : Janamae faustino - President, Dunsy Suplido - Vice President
๐ผ- Aaliyah Janelle Martinez - G10 Representative,
Hailley Carmona - P.I.O
29/08/2024
๐ต"๐๐๐ฃ๐ค๐ฎ ๐๐ ๐๐ฌ ๐๐ฎ ๐ฅ๐๐ฃ๐ค๐ฎ, ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฉ๐ ๐จ๐ ๐ข๐ช๐ฃ๐๐ค, ๐๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฎ๐ ๐ข๐ค ๐๐๐๐ฃ๐-๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐ค๐ฎ '๐๐๐ ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฉ~" ๐ต
๐๐๐, ๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐ฝ๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐๐!๐
๐๐๐๐ '๐๐ผ๐ โ๏ธ
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ผ โ๏ธ
Nagbabalik muli ang mga magaganda at mga gwapo na handang maglinkod para sa bayan! ๐๐ป
Halina't sabay-sabay nating kilalanin ang mga mahuhusay at at matatalinong mag aaral at mga Bagong Opisyales ng ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.๐๐๐ป Ang mga Opisyales na magbibigay boses at magsisilbing sandalan upang mabatid ang inyong mga hinaing at masisig**o na ang aming serbisyo ay laging totoo.
Nais niyo na ba silang makilala?๐คญ
Kung ga'yon narito na sila!
๐ผ๏ธ๐๏ธ: Jana Mae Faustino TNK President
๐๐๏ธ: Dunsy Suplido TNK Vice President, Aaliyah Janelle Martinez TNK Grade 10 Representative
13/08/2024
Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa na may temang โFilipino: Wikang Mapagpalaya.
Bilang pakikiisa ng Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay sa pagdiriwang na ito, naghanda ang paaralan ng mga patimpalak na maaaring lahukan ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang baitang upang maipakita ang kanilang mga natatanging talento, husay, at tatak ng pagka-Pilipino.
Inihanda ng RMHS - Kagawaran ng Filipino ang timpalak ng Maunawang Pagbasa, Slogan-Poster Making, Pagsulat ng Sanaysay, Pagsulat at Pagbigkas ng Talumpati, at Interpretatibong Sayaw. Makikita ang kabuoang panuntunan (guidelines) ng bawat timpalak sa kapsyon ng bawat larawan.
Para sa iba pang paglilinaw at katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa mga g**o sa Filipino.
Patuloy nating yakapin, ipagmalaki, at paunlarin ang Wikang Filipino at mga katutubong wika bilang instrumento ng paglaya!
Mabuhay ang Wikang Pambansa! Mabuhay ang Pusong maka-Pilipino! Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa, Ramonians!
12/08/2024
Halinaโt ipagdiwang ang Buwan ng Wika na may temang
Filipino: Wikang Mapagpalaya
Abangan bukas!
02/08/2024
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
โ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ: ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฒ๐โ
Wikang Filipino bilang Instrumentong Nagpapalaya
Sa gramatikang Filipino, ang panlaping-unlaping โMapagโ ay nagsasaad ng kawilihan o pag-uugali tulad ng mapagkalinga, mapagkawang-gawa, mapagpatawadโsa tema ngayong taรณn ay MAPAGPALAYA. Kung sa gayon, itรณ ay pag-uugaling nagpapalaya ang mapagpalaya.
Ano-ano ang katangian ng wika upang maging behikulo ng pagpapalaya?
1. Kung mayroong wikang magbibigkis sa gitna ng hidwaan, mawawakasan ang sigalot sa dalawang panig na hindi nagkakaunawaan.
2. Kung may mga publikasyon o babasahin na mababasa ng mga batang nasa laylayan ng lipunan, makalalaya sila sa iliterasiya.
3. Kung ang nasyon ay gagamit ng wikang Filipino sa pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan, lalong mararamdaman ng mamamayan ang serbisyong pambayan na sa kanila ay inilalaan, gaya ng winika ni Sen. Lito Lapid (2022):
โSadyang napakahalaga po sa ating bansa na lubos na naiintindihan ng ating mga kababayan ang lahat ng mga dokumento at sulatin ng ating gobyerno. Kung madali pong maintindihan ang ating mga batas ay mas ma-eengganyo po ang ating mga kababayan na hindi lamang sumunod sa batas, kundi makilahok po sa mga usapan patungkol sa mga pambansa at pampublikong mga isyu.โ
4. Kung wikang Filipino ang magiging midyum sa propesyonalisasyon at paggawa, mapuputol ang tanikala ng kahirapan sa bansa na itinatadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas (1987):
Article II, Section 24. The State recognizes the vital role of communication and information in nation-building.
Article III, Section 7. The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized. Access to official records, and to documents, and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizen, subject to such limitations as may be provided by law.
Sa ganitong framework o kaisipan ninais ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wika bilang instrumento sa pagtatamo ng social justice. Sa madaling sabi, isang kainhustisyahan kung hindi natin tatangkilikin ang ating sariling wika sa mga bagay-bagay na nakaaapekto sa ating mga buhay. Kaya, isang mahusay na ehemplo nito ay ang mga balita sa telebisyon na hanggang sa ngayon ay gamit ang Filipino. Ito ay patunay na mas mauunawaan ng madla ang paggamit ng sariling wika.
Idagdag pa rito ang wika ay tulay sa pagtatamo ng mga konseptong abstrak na magpapalaya sa karahasan sa kaisipan, kamalayan, kahirapan, katayuan, at kamangmangan na napakahalagang gampanin ng wika lalo sa ating mga mag-aaral at kabataan. Ang wika ang susi sa pagpapatahan sa umiiyak na bata, susi sa wastong pagpapalaki sa anak, susi sa wastong pagtuturo, susi sa hinaharap ng ating bayan. Ang wika ay nakapagpapalaya at nakapagbibigay ng aliw at inspirasyon sa kabataan upang higit na maabot nila ang kanilang pangarap at umangat ang ating bansa sa kabuoan.
Ayon kay Virgilio Enriquez (1986), sa kaniyang artikulo sa Sikolohiyang Pilipino na may pamagat na โAng Kaisipang Pilipino sa Sikolohiyang Malaya at Mapagpalayaโ na:
Ang "kaisipang Pilipino" ay tumutukoy samakatwid sa katauhan, ugali, at diwang Pilipino. Hindi ko na aangkinin pa ang pagtatalo sa pagitan ng mentalismo at behabyorismo sa Kanluraning sikolohiya sapagkat sa gamit ko ng salitang "kaisipan" ay tinatanggap ko na ang pagkilos ng tao ay nakaugnay sa kaniyang diwa, ugali, at kaisipan. โ # # #
Ginamit ni Enriquez ang salitang โmapagpalayaโ upang ilarawan ang sikolohiyang Pilipino na magkaugnay ang kaisipan sa aspekto ng tao sa kaniyang pag-uugali at iniisip. Kaya, ang konsepto ng salitang โmapagpalayaโ ay bahagi nang malawak na kultural na pagmamay-ari ng ating sikolohiyang Pilipino.
Hinggil sa Aktibidad
Batay sa KWF Kapasiyahan Blg. 8-2, s. 2024, ang tema ng Buwan ng Wikang Pambansa ay hinati sa limang (5) lingguhang tema: (1) FSL tungo sa Ingklusibong Pambansang Kaunlaran; (2) Sistematiko at maka-Agham na Pananaliksik tungo sa Pambansang Kaunlaran; (3) Paggamit ng Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) sa Scientific Research; (4) Katutubong Wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa; at (5) Paglaban sa Misinformation (fact checking).
Tampok din ang ibaโt ibang gawaing pangwika sa buong buwan ng Agosto sa lalong pagpapatupad ng Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 kabilang ang limang (5) serye ng webinar, tertulyang pangwika sa pamamagitan ng mga Sentro ng Wika at Kultura sa ibaโt ibang unibersidad sa Pilipinas, mga timpalak at gawad, Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko, at Gabi ng Parangal.
Simbolismo sa Poster
Kaugnay sa sikolohiyang Pilipino sa pagiging mapagpalaya ay makikita sa poster ngayong paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa ang krokis at dibuhong may mga Pilipinong naglalakad na may ibaโt ibang kasuotan mula sa payak na pananamit hanggang sa kultural na mga kasuotan na sumisimbolo sa dibersidad ng mga wika sa Pilipinas na patungo sa kanilang mga gawaing magbibigay sa kanila ng kasiglahan, saysay, at kalayaan sa paggawa. Gayundin ang nasa mga kuwadrong guhit na may senyas na wika, pakikipagkapuwa, pakikinig, pagbabasa, pagtuturo, at mga gawaing nagbibigay nang matiwasay na pagpapakahulugan tungo sa makabuluhang paggamit ng wika bilang instrumentong titiyak sa emansipasyon sa anumang hamon at suliranin na kanilang kinakaharap. Wika ang susi sa ugnayang-pantao na magtatawid sa mabuting tunguhin na makikita sa poster sa gitna nang mabilis na pag-usad ng mundo.
---
Maaaring i-download ang digital copy ng poster sa https://drive.google.com/file/d/1dtT5IhoSj-2gspNxESydWyE-uZRjhJiH/view?usp=sharing
Para sa iba pang detalye at impormasyon hinggil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, makipag-ugnay sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon sa pamamagitan ng email sa [email protected].
28/08/2023
Isang Mapagpalang Araw Ramonians!
Narito muli ang munting handog kaalaman ng Kagawaran Filipino kung saan nagpapakita ng mga di - pamilyar na salita.
Pamilyar ka ba sa mga salitang ito?
27/08/2023
Magandang Araw po!
Napagdesisyunan ng RMHS-Kagawaran ng Filipino na ang HULING ARAW o DEADLINE ng pagpapasa ng mga lahok/entri sa LAHAT ng Patimpalak ay pare-parehong sa ika-30 nang Agosto 2023 (Miyerkules), ika-5 ng hapon. Mas mahabang panahon ito ng paghahanda upang ipakita ang inyong kahusayan, aabangan namin ang inyong naggagandahang lahok!
Maraming salamat po! ๐๐
20/08/2023
Ngayong taon, ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa sa temang โFilipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Layunin nitong pagbuklurin ang bansa maging anoman ang sitwayong panlipunan, lahi, wika at pinagmula tungo sa mapayapa, ligtas, at ingklusibong lipunan.
Bilang pakikiisa ng Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay sa pagdiriwang na ito, naghanda ang paaralan ng mga patimpalak na maaaring lahukan ng mga mag-aaral sa mula sa ibat ibang baitang upang maipakita ang kanilang mga natatanging talento, husay at pagka-Pilipinong tatak.
Inihanda ng RMHS ang timpalak Islogan-Poster Making, Timpalak Pagsulat at Pagbigkas ng Kuwento, Timpalak sa Spoken Poetry at Timpalak sa Pagsulat Pagbigkas ng Talumpati. Makikita ang kabuuang panuntunan (guidelines) ng bawat timpalak sa kapsyon ng bawat larawan.
Paunawa, bukas lamang ang Timpalak Islogan-Poster Making at Pagsulat & Pagbigkas ng Kuwento para sa baitang 7 at 8, samantala ang Timpalak Spoken Poetry at Timpalak Pagsulat & Pagbigkas ng Talumpati ay para lamang sa baitang 9 at 10.
Para sa iba pang paglilinaw at katanungan, maaring makipag-ugnayan sa mga g**o ng Filipino o magpadala ng liham sa opisyal na page ng RMHS - Kagawaran ng Filipino sa link na https://www.facebook.com/rmhsfilipino .
Patuloy nating yakapin, ipagmalaki at buhay ang Wikang Filipino at mga katutubong wika! Mabuhay ang Wikang Pambansa! Mabuhay ang Pusong maka-Pilipino! Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa, Ramonians!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Manila
1008