04/03/2025
๐๐๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ? | ๐ ๐ฒ๐ฒ๐ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ฐ๐๐ผ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฑ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ
Taliwas sa storya nina Ethan at Celeste, narito ang mga tao sa likod ng unang produksyon ng ADL1KHAIN na hindi nagdalawang-isip na ilaan ang kanilang oras at talento sa pagbibigay-buhay sa Short Film na "Bukas Kaya?"
Kilalanin ang mga masisipag na Production Team para sa naganap na February Special at bigyan natin sila ng masigabong palakpalakan para sa isang matagumpay na regalo ngayong Pebrero 2025.
Muling namnamin ang istorya ng pangako, pangarap at pagmamahal na mayroon si Ethan at Celeste at ang kanilang hamon para sa isa't isa. Upang mapadali ang inyong paghahanap, narito ang link ng "Bukas Kaya?": https://fb.watch/y43KtRgceh/
02/03/2025
EKSKLUSIBO: Bukod sa pagbibigay-buhay ng ating mga aktor sa mga karakter, narito rin ang ilang behind-the-scene na larawan ng Production Team ng "Bukas Kaya?" sa likod ng kamera.
Namnamin muli natin ang kwento nina Ethan at Celeste at alamin kung anong kasagutan ang kanilang pinili sa tanong naโpangarap ko o nating dalawa?
Narito ang link upang mapanood ang pelikulang "Bukas Kaya?": https://fb.watch/y43KtRgceh/
26/02/2025
BUKAS KAYA?
Bago matapos ang buwan ng Pebrero, handog ng ADL1KHAIN Production ang isang maikling kuwento tungkol sa hamon ng pagtupad ng mga pangarap.
Paano kung kinakailangan mong mamili mula sa iyong sariling adhikain laban sa pinagsamahan ninyong layunin? Paano mo haharapin ang pagpili sa dalawang magkaibang daraanan?
Bukas Kaya? Kaya mo na bang sagutin ang lalim ng pagpapasya laban sa pangarap mo at pangarap ninyong dalawa?
19/02/2025
EKSKLUSIBO: Silipin ang ilang behind-the-scene na larawan sa pagbibigay-buhay nina Elhyza Mae Mendoza at Dan Cruz Cristobal sa kuwento nina Celeste at Ethan.
Tuklasin natin kung paano nga ba nila babaybayin ang pagitan ng sarili at pagmamahal sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.