06/05/2026
๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐๐ง ๐ ๐๐-๐๐๐ฅ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก ๐๐ง ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ฃ๐จ๐ก๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ก๐ข๐ฅ๐ ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ ๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐ข๐ฅ๐ ๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐จ๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐๐จ๐๐จ๐
Ang Faculty of Behavioral and Social Sciences Executive Committeeโisang samahan ng mga organisasyon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas na nakatuon sa pagtataguyod ng pag-aaral ng Humanidades at Agham Panlipunanโay mariing sumasalungat sa itinakdang mga pamantayan ng Commission on Higher Education (CHED) hinggil sa Reframed General Education Curriculum. Nilalayon ng polisiyang ito na bawasan sa 18 yunit o anim na kurso lamang ang kinakailangang General Education sa mga Higher Education Institutions (HEIs) sa bansa. Isang hakbang na naglilimita sa saklaw at lalim ng mga kurso, partikular sa larangan ng Humanidades at Agham Panlipunan.
Malaki ang gampanin ng Humanidades at Agham Panlipunan sa pagtupad sa layunin ng General Education bilang pundasyon ng makabuluhan, mapanuri, at makataong pagkatuto. Alinsunod sa Artikulo II, Seksyon 17 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, tungkulin ng edukasyon na palaganapin ang pagkamakabayan at nasyonalismo, pabilisin ang panlipunang pag-unlad, at itaguyod ang ganap na kalayaan at pag-unlad ng tao. Kaakibat nito, dapat nitong hubugin ang mga gradweyt na may humanistikong oryentasyon, matibay na kakayahang magsuri at lumutas ng mga suliranin, kamalayan sa etikal at panlipunang implikasyon ng kaalaman, at kakayahang mamuhay nang makabuluhan sa isang masalimuot at mabilis na nagbabagong lipunan.
Sa ganitong diwa, ang Humanidades at Agham Panlipunan ay hindi maaaring ituring na dagdag o palamuti lamang sa kurikulum. Ang mga disiplinang ito ang humuhubog sa kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip nang malalim, makatao, at mapanagutan; umunawa sa lipunan at kasaysayan; kumwestyon sa mga mapang-aping sistema; at makilahok sa pagbubuo ng mas makatarungan, demokratiko, at makabuluhang kinabukasan.
Kitang kita sa repormang ito ang tahasang pagbubura ng diwang kamalayan ng mga kabataan sa pagsasanib ng mga kursong The Life and Works of Rizal at Readings in Philippine History sa iisang kursong tinatawag na Rizal and Philippine Studies. Ito ay tahasang paglabag sa RA 1425 at lantarang pagsasawalang bahala sa paglinang ng ating pagkakakilanlan at diwang makabayan. Hindi nararapat pagsamahin sa iisang asignatura ang mga akda ni Rizal at ang ating kasaysayan, sapagkat nagreresulta ito sa pagnipis ng lalim at paghina ng kritikal na pag-unawa ng mga mag-aaral sa kasaysayan na lubhang nakababahala. Ang pag-aaral sa buhay at mga akda ni Rizal ay nangangailangan ng masusing pagtalakay bilang mahalagang salamin ng kolonyal na karanasan at pakikibaka ng mga Pilipino. Sa kabilang banda, hindi dapat isinisiksik ang pag-aaral ng kasaysayan dahil nangangailangan ito ng sapat na oras at masusing pagtalakay ng mga pagbabagong panlipunan na siyang batayan ng ating pambansang kamalayan, identidad at kritikal na pakikibahagi sa lipunan.
Dagdag dito, ang pagtanggal ng Ethics at paglimita nito bilang integrasyon sa anim na natitirang GE siubjects, imbes na maging malaya at nag-iisang asignatura, ay nagbabawas sa lalim ng pagtalakay sa mga prinsipyong moral at etikal. Mahalaga ang Ethics bilang hiwalay na asignatura sapagkat dito nahuhubog ang kakayahan ng mga mag-aaral na magsuri ng tama at mali, magpasya nang may pananagutan, at umunawa sa mga komplikadong usaping panlipunan. Kung itoโy isasama lamang sa ibang kurso, nawawala ang sapat na espasyo para sa kritikal na pagninilay at diskurso na mahalaga sa paghubog ng makatao at mapanagutang mamamayan. Gayundin, ang pagtanggal ng Understanding the Self bilang hiwalay na asignatura ay may malaking epekto sa sikopanlipunan sapagkat nababawasan ang pagkakataon ng mga mag-aaral na malinang ang kanilang kamalayan sa sarili, emosyon, at pagkakakilanlan.
Binabawasan ng repormang ito ang holistikong kaunlaran ng mga mag-aaral na mahalaga sa paglinang ng kanilang kritikal na pag-iisip at akademikong pagganap. Sa ganitong kalagayan, maaaring humantong ito sa pagtingin sa mga mag-aaral bilang mga indibidwal na nakatuon lamang sa paggawa at pagsunod, sa halip na mga taong may kakayahang mag-isip nang malaya at kritikal. Ito ay salungat sa layunin ng maginhawa at makabayang edukasyon na dapat ay naglalayong linangin ang kanilang intelektwal na kalayaan at aktibong pakikilahok sa lipunan.
Kung ang etika at moralidad ay ituturo lamang sa pamamagitan ng datos at estadistika, makabubuo tayo ng mga mamamayang maaaring mahusay sa teknikal na pagsusuri at paghawak ng impormasyon, ngunit kulang sa malalim na pag-unawa sa pananagutan at moral na tungkulin sa lipunan. Sa ganitong kalagayan, nagiging mekanikal ang paghubog ng pagpapasya at nakasandig lamang sa datos sa halip na sa pagpapahalagang naka-ugat sa katarungan at pakikipagkapwa. Lalo naโt naging marupok din ang pundasyon ng mga mag-aaral sa estadistika dahil sa pagtanggal ng asignaturang Statistics and Probability sa Senior High School, na bunsod din ng walang sawang pagrerebisa ng kurikulum bilang pagtugon sa lumalalang krisis sa edukasyon. Ang tunay na reporma ay dapat patuloy na iginigiit ang tunay na layunin ng GE, na ang edukasyon ay hindi lamang sa pagpapahubog ng kasanayang teknikal, kundi nakasandig din sa malalim na kamalayan sa mga umiiral na realidad sa kasalukuyang istruktura ng ating lipunan.
Hindi maikakaila na ang repormang ito ay pahiwatig ng lalong pagkomersiyalisa ng sistema ng edukasyon. Sa ganitong pananaw, ang mga kabataan ay tila tinatanaw bilang mga kalakal na maaaring hubugin ayon sa pangangailangan ng mga korporasyon at interes ng mga burukrata-kapitalista. Sa kalaunan, nagiging banta ito sa paghubog ng mga indibidwal na may malayang pag-iisip at maaaring humantong sa pagiging mga manggagawang sunud-sunuran at nakatuon lamang sa tungkuling kapaki-pakinabang sa produksyon.
Nananawagan ang FBeSS Executive Committee na ibasura ang repormang ito at magsagawa ng malawak at tunay na konsultasyon ang CHED sa mga institusyon ng mas mataas na edukasyon, mga eksperto, at mga propesor upang matiyak na ang kurikulum ay hindi dinidikta lamang mula sa itaas kundi nakaugat sa aktwal na pangangailangan ng akademya at lipunan. Bilang mga magiging g**o ng bayan, pinaninindigan ng samahan na sa ganitong mga uri ng komersiyalisadong reporma, lumalabnaw ang pagtalakay sa kasaysayan, etika, sikolohiyang pilipino at araling panlipunan, na nagreresulta sa mas limitadong paghubog ng kritikal na kamalayan ng mga mag-aaral.
Ang paulit-ulit na pagbabago ng kurikulum ay hindi matutugunan ang tunay na ugat ng krisis sa edukasyon sa bansa. Taasan ang pondo sa edukasyon, dagdagan ang sahod ng mga kaguruan, at bigyang pansin ang pasilidad ng mga paaralan.
Mga organisasyong nakiisa sa pahayag:
PNU Social Science Club
PNU Samahan ng Tagapagpalaganap ng Edukasyon sa Pagpapahalaga (PNU STEP)
PNU Psychology and Counseling Society
Kabataang Pangarap ni Rizal - PNU Chapter
PNU Kabataang Urduja
PNU Geografika
PNU UNESCO Club
Samahan ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan - PNU
PNU Philosophical Society
BSSE IV-9 Katipunine
BSSE IV-10 Sampulitikal
BSSE IV- 8 Soceighty
BSEVE I-21 Lum21na
BVE III-12 Dozen Light
BVE IV-11 Pi11ars
BSSE III-10 Sampulo
BSESS I-20 Salin Dua
BSSE III-9 DagSiyam
BSESS II-2 Dos Unidos
BSMA IV-13 Tredepsych
BSMA III-13 Parasikolaya
BSMA II-6 6KOLOHIYA
BSESS II-1 1SALAYSAY
BSESS II-3 SocieThree
BSSE III-8 AdvocEIGHTS
BSESS I-19 Sigasig
BSMA I-24 P2YCHOL4CE
BMTSS I-23 PraXXIIIs
17/03/2026
09/03/2026
23/01/2026
08/01/2026
02/01/2026
09/11/2025
26/09/2025
23/09/2025