10/05/2026
โ๐๐ฎ๐ท ๐ฉ ๐๐ช๐ ๐๐ช๐ฟ๐ฎ ๐๐ช๐ญ๐ฎ ๐๐ธ๐ฝ๐ฑ๐ฎ๐ปโ๐ผ ๐๐ช๐ ๐๐ธ๐ผ๐ฝ๐ผ ๐๐พ๐ท๐ท๐, ๐๐พ๐ฝโฆโ
โฆbehind all the kanal humor and random memes may mga bagay namang totoo. Sila ay may DULOT at HALAGA.
Yung mga anak na puro sarcasm at kanal humor all year round, biglang nagpo-post ng pictures ng nanay nila na low quality, stolen shot, o minsan screenshot lang from Facebook.
And somehow, yon pa yung mas sincere.
Siguro dahil may mga klaseng pagmamahal talagang hindi expressive, pero obvious sa consistency.
Sa paraan ng paghihintay. Sa pag-aalala. Sa pagiging present kahit pagod na rin sila sa sarili nilang buhay.
Habang tumatanda tayo, mas nagiging visible yung mga bagay na dati hindi naman natin pinapansin. Na may mga babaeng sobrang tagal nang nag-aadjust para gumaan yung buhay ng ibang tao.
Ang dami nating na-survive dahil may nanay tayong kahit pagod ay piniling mag-stay.
Happy Motherโs Day sa mga babaeng hindi naman laging soft, hindi perfect pero laging nandiyan kapag kailangan.
Real ones forever.
โ๐ป: Kelly Ledesma
๐ผ๏ธ: Prince De Taza
09/05/2026
May na pala? May we all win the silent battles weโre fighting.
Happy Birthday to our birthday celebrant for the month of May! May you strive to be the best version of yourself, May you overcome the battles you are keeping to yourself, and May you enjoy your own special day!
Again, Happiest Birthday to our May baby!
01/05/2026
"๐๐๐ฐ๐ข๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ญ๐"
Hindi lahat ng pagod ay napapansin.
Hindi lahat ng sakripisyo ay nasusuklian.
May mga manggagawang gigising nang maaga, uuwi nang pagod, at uulit lang ulit kinabukasan, hindi dahil gusto nila, kundi dahil kailangan.
Pero paano kung tingnan natin sila hindi lang bilang โtrabahador" kundi bilang mga taong may pangarap din?
Mga taong may pamilyang inaasahan. Mga taong may sariling laban na hindi nakikita sa oras ng trabaho. Mga taong patuloy na bumabangon kahit kulang ang sahod, kahit hindi sapat ang pahinga at kadalasan tila hindi patas ang sistema.
Ang lakas ng manggagawang Pilipino ay hindi nasusukat sa kung gaano sila katagal magtrabaho, kundi sa kung gaano sila katatag magpatuloy.
Hindi kabawasan ang magreklamo. Hindi kahinaan ang humingi ng mas maayos na kondisyon. At lalong hindi mali ang ipaglaban ang dignidad ng paggawa.
Sa likod ng bawat gusali, serbisyo, at mga produktong tinatangkilik natin, may pawis na hindi laging kinikilala.
Kaya ngayong Araw ng mga Manggagawang Pilipino, sana hindi lang โsalamatโ ang maibigay natin. Sana HUSTISYA, RESPETO, at sapat na PAGPAPAHALAGA. Dahil ang manggagawa ay hindi lang bahagi ng sistema, sila ang dahilan kung bakit ito gumagana.
โ๐ป: Kelly Ledesma
๐ผ๏ธ: Alyssa Natividad
14/04/2026
SUMMER SEASON NA! BIDA NA ANG MGA MAY BIRTHDAY NG MAY! BEACH ANO TARA? ELYU ANO TARA?
Happy birthday sa mga babies ng May diyan! Ay! APRIL FOOLS!! Sana hindi namin nakuha inis niyo, HAPPIEST BIRTHDAY SA ATING APRIL BABY!
Another month full of survival, high cortisol, and of course achievement. Letโs all raise our toast for our birthday celebrant for the month of April! Biruin niyo, first day ng birthmonth niyo niloloko kayo, pero โwag kayo papatibag! As all of us should, let us wish our April baby a month of filled with hope, prosperity, and success. Huwag tayong mag papaloko at laging tandaan, a person who yearn earns, kaya mag yearn na lang tayo ngayong April!!
09/04/2026
Kagitingan ng Bayan, Laban ng Kasalukuyan
Sa pagdaan ng mga henerasyon, nananatili ang galit at paglaban ng mamamayan laban sa imperyalismo at kolonyalismo. Maaaring magbago ang panahon, ngunit hindi nagbabago ang kondisyon ng masang anakpawisโat ang kanilang paninindigan.
Ngayong Araw ng Kagitingan, ipinapaalala na ang tunay na soberanya ay nagmumula sa mamamayan, hindi sa anumang dayuhang kapangyarihan. Hangga't malinaw ang ugnayan ng kasaysayan at kasalukuyan, hindi pa tapos ang laban.
Patuloy mang tangkaing kontrolin ang ating yaman at kalayaan, mananatiling matatag ang kolektibong pagkikilos. Hangga't nagkakaisa ang mamamayan, walang puwang ang pang-aapi.
๐ผ๏ธ: Alexa Venice Merencillo
โ๏ธ: Alexis Garcia
05/04/2026
Tagumpay ng muling pagkabuhay ngayong Linggo ng Pagkabuhay
Matapos ang mga araw ng pagdurusa at katahimikan, ipinagdiriwang natin ang muling pagkabuhay ni Hesukristoโang tagumpay ng buhay laban sa kamatayan at ng liwanag laban sa kadiliman. Ito ang katuparan ng Kanyang pangako at ang patunay ng Kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagmamahal sa atin.
Ang Linggo ng Pagkabuhay ay hindi lamang pag-alala sa isang pangyayari, kundi isang paanyaya ng bagong pag-asa at panibagong buhay. Nawaโy muling mabuhay ang ating pananampalataya, at punuin ang ating puso ng kagalakan, pag-asa, at pasasalamat sa biyayang Kanyang ipinagkaloob.
Sa liwanag ng Kanyang pagkabuhay, nawaโy piliin nating mamuhay nang may pagmamahal, kabutihan, at pananampalataya. Sapagkat sa Kanya, may bagong simulaโisang buhay na may pag-asa at walang hanggan.
โ๏ธ: Russel Nolasco
๐ผ๏ธ: Prince De Taza
04/04/2026
แดแดษขสษชสษชษดแดแดส sแด สษชแดกแดษดแดษข ษดษข แดแดสษชษดษข แดแดษขแดแดสแดสแดส
Ngayong Sabado de Gloria, tayo ay inaanyayahan na manahimik at magmuni-muni habang hinihintay natin ang muling pagkabuhay ni Hesus. Matapos ang pasakit ng Biyernes Santo, nawa magsilbing paalala ang araw na ito na sa bawat kadiliman ng atjng buhay, ay may liwanag at biyayang darating. Gamitin nawa natin ang mga oras na ito upang mas patatagin ang ating pananampalataya sa kanya sa gitna ng hirap at pagsubok.
Sa gitna ng katahimikan ng araw na ito, ating tandaan na ang paghihintay ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng pag-asa, kundi isang banal na paghahanda. Hayaan nating linisin ng katahimikang ito ang ating mga alalahanin upang buong kagalakan nating masalubong ang liwanag ng muling pagkabuhay ng ating Tagapagligtas.
โ๏ธ: Clint Padilla
๐ผ: Alyssa Natividad
03/04/2026
๐ ๐๐ฌ ๐๐๐ฆ ๐ฆ๐๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ก๐๐ง๐๐๐ก ๐ข๐จ๐ฅ ๐๐๐๐ง๐ ๐ฏ
Today is a Good Friday. A day to remember the sacred love, faith, and above all, his sacrifice. Sacrifice that carried our sins and transgressions, that leads to wounds that heal us to have an eternal life.
May his sacrifice strengthen our hope and faith, fuelled our spirit with peace, and color the world with love and forgiveness.
Let's give time to pray, reflect, and recognize his love that bore it all. ๐
๐๏ธ: Mariella Basco
๐ผ๏ธ: Prince De Taza
02/04/2026
Huwebes Santo: ๐ข๐ช ๐๐ช๐ฐ๐ฒ๐ฝ๐ช๐ท ๐ท๐ฐ ๐๐ฒ๐๐ช๐ท๐ช๐ฐ ๐ช๐ฝ ๐๐ฒ๐ต๐ฒ๐ถ
May mga gabi talagang hindi natin agad nauunawaan. Mga sandaling tahimik, mabigat at puno ng mga bagay na hindi pa lubos maipaliwanag.
Ang Huwebes Santo ay hindi lang tungkol sa isang pangyayari sa nakaraan. Ito ay paalala ng mga sandaling tayo ay nasa pagitan ng pagpili, yung alam nating may darating na sakit, ngunit pinipili pa rin nating magpatuloy.
Sa gabing ito, ipinapakita ang uri ng pagmamahal na hindi palaging napapansin. Pagmamahal na tumatagal sa hirap, nagbibigay nang walang sukat at pagpiling manatili kahit may dahilan nang lisanin ang iba.
Inaanyayahan tayong magnilay hindi lang sa sakripisyo, kundi sa sarili nating kakayahang magmahal at magpakumbaba. Sa mga pagkakataong pinili natin ang sarili kaysa sa iba, at sa mga sandaling kaya pa sana nating maging mas totoo at mas mapagpatawad.
Dahil minsan, ang tunay na laban ay hindi laban sa iba, kundi laban sa sarili nating kahinaan. Sa pagitan ng liwanag at dilim, nandoon ang paanyaya na piliin ang tama kahit mahirap. Piliin ang pagmamahal kahit may kapalit na sakit. At piliin ang pananampalataya kahit walang kasiguraduhan ang bukas.
๐๏ธ: Kelly Ledesma
๐ผ๏ธ: Alexa Merencillo
01/04/2026
๐๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐๐ถ๐น ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ธ๐๐น๐ฒ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ผ
Sa paglalalim ng Mahal na Araw, ginugunita natin ang araw na si Hesus ay ipinagkanuloโisang paalala ng kahinaan ng tao sa harap ng tukso at pansariling kapakinabangan. Sa katahimikan ng araw na ito, inaanyayahan tayong magnilay: saang bahagi ng ating buhay tayo nagkukulang ng katapatan at paninindigan?
Ang Miyerkules Santo ay paalala na ang pagtataksil ay hindi lamang isang pangyayari sa nakaraan, kundi isang realidad na maaari nating harapin sa ating sariling buhay. Nawaโy magsilbi itong pagkakataon upang piliin ang tama, manatiling tapat, at iwasan ang mga desisyong maglalayo sa atin sa Diyos.
Sa gitna ng pagninilay, nawaโy magbukas ang ating puso sa pagsisisi at pagbabago. Higit sa lahat, alalahanin natin na sa kabila ng pagtataksil ng tao, nananatiling wagas ang pagmamahal at awa ng Panginoon.
๐๏ธ: Russel Nolasco
๐ผ๏ธ: Alyssa Natividad