02/06/2026
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐ ๐ซ๐ข๐ง ๐๐ ๐ค๐๐ฒ๐จ ๐ฆ๐๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ ? ๐๐ซ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐ ๐ค๐๐ฒ๐จ ๐ง๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ ? ๐๐๐ฌ๐ข ๐ค๐๐ฆ๐ข, ๐๐๐๐! ๐ค
As the clock strikes 12, 12 days na lang, Pistahan na sa Pamantasan! Kaya naman, ihanda na ang inyong mga sarili para sa isa sa mga pinakamasayang araw na magbibigay buhay sa ibaโt ibang kultura ng Pilipinas.
Sabi nga ni Angeline Quinto, โPiliin mo ang Pilipinas,โ at sabi naman namin, โPiliin mo ang Pamantasanโ ANO RAW?? ๐๐๐
Anyway, mark your calendars, Haribons, from June 15 to June 16, 2026, para iwas FOMO at more more love and laughter before we officially conclude this Academic Year. ๐
p.s. Bakit ba gising ka pa, Baby? Gets ko naman na hindi ka makatulog pero matulog ka na, para may energy ka sa June 15 to June 16, keme! Yieee. ๐๐๐
โreAllinThisTogether:Moving Forward @61
02/06/2026
๐๐๐ซ๐จ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฐ๐๐ง๐ญ? ๐๐ก๐๐๐ค ๐ฆ๐จ ๐ง๐ ๐
๐ข๐๐ฌ๐ญ๐ ๐๐๐ฆ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ง๐ข๐๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ค๐ง๐จ๐ฐ๐ฌ ๐ฆ๐จ ๐ก๐จ๐ฐ!
Heto na nga Haribons~ Ilalatag na natin ang mga iba't ibang laro na gaganapin sa paparating na 61st Founding Anniversary! Isang araw na ating patuloy na inaalala, isang araw na tayo'y magsasalo-salo, isang araw na ipagdiriwang natin hindi lang ating pamantasan, kasama rin ang makulay na historya, kultura, at pamanang pinoy
Gusto mo bang sumama, makisaya, at maki-isa? Tignan mo na dito ang nakahandang mga laro at ang mga mechanics para malaman mo na ang pamamaraan at pangangailangan sa bawat paligsahan para ika'y magtagumpay at manalo~ ๐คฉ๐
Palarong FunPamantasan, Saya ay Higit Masasaysayan!
61
'reAllinThisTogether:MovingForward@61
02/06/2026
Noong ika-1 ng Hunyo 2026, kasabay ng pagbubukas ng Pride Month, isang makasaysayang kabanata ang nabuksan sa Pamantasan sa ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ญ๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ค๐๐ฒ ๐๐๐ก๐ง๐ ๐. ๐๐๐ซ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ซ๐๐ฆ๐ ๐๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ. Bilang kauna-unahang estudyante mula sa College of Public Administration na nahalal sa pinakamataas na posisyon ng konseho, ang kaniyang tagumpay ay patunay ng lumalawak at mas inklusibong representasyon sa pamantasan. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa mas marami pang mag-aaral na makiisa at maglingkod para sa kapakanan ng masang estudyante. ๐ชโ๏ธ
๐๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ:
Sa bawat isang estudyante-lider, mga dumalo, at sa aking mga kapuwa estudyante, isang maalab na araw sa ating lahat!
Labis akong nagagalak sa pagkakataong naibigay sa akin ng aking mga kapuwa estudyante upang manilbihan at patuloy na ipaglaban ang ating katarungan. Alam kong hindi magiging madali ang pagtahak natin sa isang makulay na bukas, laloโt kung patuloy tayong ikukulong sa isang madilim na sistema. Sa tingin ko, isa ito sa nagiging dahilan kung bakit patuloy na bumababa ang civic engagement hindi lamang sa atin ngunit sa iba pang mga unibersidad. Hindi natin masisisi ang ating mga estudyante kung ayaw na nilang makiisaโsino ba naman ang gugustuhing makisama sa pabago-bago at hindi maka-estudyanteng pamamahala? Gayunpaman, sobra akong natuwa nang mabalitaang nitong nagdaang eleksyon, ating nakamit ang 61.15% voter turnout na mas mataas kumpara sa naitala noong 2025 University Elections na 56.07%. Ito ay repleksyon ng husay, pagmamatyag, at kapangyarihan ng bawat isang Haribon na magluklok ng estudyante-lider para sa mas marunong, mas maunlad, at mas dakilang Pamantasan.
Nagkataon lamang ba ito, o bahagi talaga ito ng plano ng tadhana? Sapagkat ngayong araw din ang pagsisimula ng isang makulay at makabuluhang buwan. Sa pagdating ng Hunyo, ating ginugunita ang Pride Month, isang pagdiriwang ng pagkakakilanlan, katatagan, at pagmamahal sa kabila ng mga hamon. Tulad ng ating mga kapatid sa komunidad, patuloy tayong tatayo ng may dangal at tapang. Hindi tayo magpapasindak sa mga pagsubok na ating haharapin, sa halip, gagawin natin itong inspirasyon upang magpatuloy, magningning, at ipaglaban ang ating mga adhikain.
Ang maging Pangulo ng kataas-taasang konseho ng mga mag-aaral ay malayo sa persepsyon ng iilan na itoโy simple lamang. Dahil binbin mo ang boses ng bawat isang estudyante. Dala-dala mo ang responsibilidad na ipaglaban ang boses ng bawat isa at umukit ng isang bukas na malaya nang sa gayon ay bukas wala nang mahaharang dahil wala silang dalang SER, wala nang magrereklamo dahil sa hindi transparent na proyekto, wala nang transgender ang matatawag sa kaniyang deadname, mapapalabas sa CR, at madidiskrimina dahil pinili niyang magsuot ng pambabaeng uniporme, at higit sa lahat ay wala nang magiging hinaing dahil sa tingin nilaโy hindi napakikinggan ang kanilang boses.
Bago pa man tayo opisyal na maiproklama at maupo sa puwesto ngayon ay nakinig na tayo sa mga karaniwang problema at karanasan ng mga estudyante sa Pamantasan. Daan ang initial consulation sa ating mga College Student Councils, lumikom tayo ng datos na ating magagamit bago mabuo at mailatag ang mga proyekto ng aming termino para sa papasok na academic year. Sinimulan na rin natin ang kampanya at pangangalap ng survey votes para sa Student Regency sa Pamantasan. Iilan lamang ito sa mga palatandaan na ang PLM Supreme Student Council sa ilalim ng ating pamumuno ay magiging mas demokratiko, mas nakikinig, at maka-estudyante.
Tulad ng ibinabandera ko noong eleksyon, ipapanalo natin ang 2-way leadership. Ipapanalo natin ang karapatan ng bawat isa! Dahil katulad ng mga krayolang nakakahon, kapag tayo ay nagsama-sama, kakayanin nating buksan ang kandadong umiipit sa atin at unti-unting makulayan ang pahina ng lipunan.
Hindi natin ipinapangako ang perpektong liderato, dahil iisa lamang ang kaya nating gawin: ang makipagtulungan sa bawat isang Haribon ng Pamantasan.
Muli, lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong inyong ibinigay upang maging Pangulo ng PLM Supreme Student Council para sa Academic Year 2026-2027. Sama-sama, ay paliliparin natin ang saranggola ng pangarap!
01/06/2026
๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
The recently concluded Oath-Taking and Turnover Ceremony of the PLM Supreme Student Council officially marks the beginning of a new term of student leadership.
As the newly elected officers take on their roles, we celebrate not only a transition of responsibilities but also a renewed commitment to serve, lead, and represent the PLM community with integrity and purpose.
Congratulations to the new SSC officers, and thank you to the outgoing council for your dedicated service.
With the oath now taken and the responsibilities formally entrusted, the work begins. May this new chapter be marked by meaningful action, steadfast service, and leadership that uplifts, empowers, and advocates for every Haribon. โจ
31/05/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐!
The results for Phase 1 of the Search for Masters of Ceremonies for the 61st Founding Anniversary have officially been released to your respective email addresses!
Please check your inboxes (and spam/junk folders, if necessary) to see your application status.
Congratulations to all applicants, and thank you for your enthusiasm and willingness to be part of this milestone celebration. We look forward to seeing the successful candidates in the next phase of the selection process! ๐คโจ
p.s. please wag niyo pansinin 'yung pub, nakalimutan lang namin mag-assign sa marketing team ulit huhu ๐ฅน
โreAllinThisTogether:Moving Forward @61
28/05/2026
Narito na ang mga pangalan ng mga binibini at ginoo na handang magbigay ningning at inspirasyon sa entablado โจ
Ang laban para sa titulo at korona ay opisyal nang nagsimula. ๐ ๐
26/05/2026
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐. 05-26-2026-01
๐ฃ๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
With the release of PLM SSC Memorandum No. 05-26-2026-01, the PLM Supreme Student Council opens its call for dedicated and responsible student leaders who are passionate about serving the student body, driving meaningful change, and contributing to the continuous growth of the school community.
The PLM SSC calls to aspiring and potential student-leaders for the vacant positions in the council. The vacant positions are as follows:
๐Executive Board:
(1) PLM SSC Secretary
(1) PLM SSC Treasurer
(1) PLM SSC Auditor
(1) PLM SSC Public Relations Officer
๐College Representatives:
(1) College of Accountancy
(3) College of Business Administration
(3) College of Engineering
(1) College of Humanities, Arts, and Social Sciences
(2) College of Information Systems and Technology Management
(1) College of Law
(1) College of Nursing
(1) College of Science
(1) College of Tourism and Hospitality Management
Application Form for SSC Executive Positions:
๐https://tinyurl.com/EXECS-APPLICATIONS
๐https://tinyurl.com/EXECS-APPLICATIONS
๐https://tinyurl.com/EXECS-APPLICATIONS
Application Form for College Representatives to the SSC:
๐https://tinyurl.com/COLLEGE-REP-APPLICATION
๐https://tinyurl.com/COLLEGE-REP-APPLICATION
๐https://tinyurl.com/COLLEGE-REP-APPLICATION
Qualified and interested applicants are invited to submit their application documents from May 26, 2026 until June 3, 2026, 11:59 PM. For the necessary steps, guidelines, and requirements, kindly view the memorandum below:
View the official memorandum here:
๐ https://tinyurl.com/MEMO-SSC-APPLICATIONS
๐ https://tinyurl.com/MEMO-SSC-APPLICATIONS
๐ https://tinyurl.com/MEMO-SSC-APPLICATIONS