30/05/2026
ALTAR AREA UPDATE & PAALALA SA MISA (As of May 30, 2026)
ISANG MAHALAGANG BALITA PARA SA LAHAT NG ATING MGA PAROKYANO:
Ipinagbibigay-alam po namin ang pinakabagong pag-unlad sa rehabilitasyon ng ating Altar Area, pati na rin ang mga pansamantalang pagbabago sa ating mga Banal na Misa:
PROGRESS NG KONSTRUKSYON:
- Matagumpay na pong natapos ang buong pagsesemento sa flooring at mga hagdan ng ating Altar Area.
- Pansamantala po munang hihinto ang mga pisikal na trabaho sa altar sa loob ng 14 na araw o dalawang (2) linggo. Ito ay para sa sapat na curing time ng semento upang masiguro ang katibayan nito bago ilatag ang mga Machuca tiles.
- Susunod na Hakbang: Pagkatapos ng dalawang linggo, sisimulan na ang paglalagay ng mga Machuca Tiles at kasabay ang paggawa din ng sa ating bagong Altar Table at Ambo na gawa sa Marmol.
MAHALAGANG ANUNSYO SA VENUE NG MISA:
- Pagbabalik ng Weekday Masses sa Loob ng Simbahan: Dahil nakapahinga ang konstruksyon para sa curing time, simula bukas ay ibabalik muna ang lahat ng weekday masses sa LOOB NG SIMBAHAN.
- Manatili po tayong naka-abang sa ating mga susunod na opisyal na posts para sa anunsyo kung kailan muling ililipat ang mga misa kapag na umpisahan na ang pangalawang yugto ng construction.
Maraming salamat po sa inyong walang-sawang suporta, pang-unawa, at pagkakaisa sa proyektong ito para sa mas maganda at mas matibay na tahanan ng panalangin.
Pagpalain po tayong lahat ng Poong Maykapal!
๐ฑ 0951 296 3444 ๐ 8254 3857 โ๏ธ [email protected]
28/05/2026
๐๐จ๐ข๐ง, ๐๐ก๐๐ซ๐, ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง!
Looking for a way to bless others while getting a chance to win big? Santa Monica Parish proudly launches a Fundraising Activity! for the benefit of the San Agustin Community Center!
For only ๐๐ก๐ฉ ๐๐.๐๐ ๐ฉ๐๐ซ ๐ญ๐ข๐๐ค๐๐ญ, you get a chance to take home bonggacious major and consolation prizes!
๐๐๐ฏ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐ญ๐: The grand draw will be this coming ๐๐๐ฒ ๐๐๐ญ๐ก, ๐:๐๐ ๐๐ ๐๐ญ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐จ๐ง๐ข๐๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ก.
Tickets are still available through our Ministries, Organizations, or directly at the Parish Office. Buy yours today and help support to build our community center!
๐ฑ 0951 296 3444 ๐ 8254 3857 โ๏ธ [email protected]
27/05/2026
ALTAR AREA UPDATE (As of May 27, 2026)
Magandang araw po sa ating mga parokyano at mga kabahagi sa ating simbahan. Narito po ang pinakabagong update sa ginagawang rehabilitasyon sa ating Altar Area:
- Matagumpay at tuluyan nang natapos ang paggawa sa mga bagong hagdan ng ating altar.
- Kasalukuyan na rin pong tapos nang sementuhan ang buong kanang bahagi ng ating Altar Area.
- Ngayong araw ay inuumpisahan na ang paggawa at pagsesemento sa natitirang bahagi ng santuwaryo upang tuluyan na itong makumpleto at mas lalong tumibay.
MAHALAGANG PAALALA PARA SA ATING MGA PAROKYANO:
- Weekday Masses (Lunes - Biyernes): Gaganapin pa rin po muna sa 2nd Floor Bulwagan. Mangyaring magsuot pa rin po ng facemask ang lahat ng dadalo dahil sa alikabok sa simbahan.
- Sabado at Linggo: Mananatili ang mga misa sa loob ng Simbahan.
๐ฑ 0951 296 3444 ๐ 8254 3857 โ๏ธ [email protected]
26/05/2026
Parish Bits: Isang Weekend ng Pagkatuto at Pakikipagkapwa-tao
Dumalo ang ating mga ka-parokya at ka-Socom na sina Mai Yumang at Jayzelle Silva sa Media Camp 2026 na may temang โPreserving Human Voices and Faces,โ Ito ay ginawa sa St. Michael Retreat House, Antipolo City noong May 22-24.
Basahin ang kanilang mga karanasan!
Sa Media Camp 2026, natutunan namin ang kahalagahan ng pagpresent ng boses at mukha ng tao sa panahon ng mabilis na pag-evolve ng technology at social media. Pinag-usapan rin dito ang cybersecurity at mga online scam upang maging mas maingat ang bawat parokya sa pagbabahagi ng personal na impormasyon at paggamit ng digital platforms. At mayroon pa, natuto rin kami ng basic voice acting at hosting na nakatulong upang mapaunlad ang aming tiwala sa sarili pagdating sa pagsasalita at tamang pagpapahayag ng emosyon at mensahe.
Naibahagi rin sa amin ng mga speakers na ang pag aarte o pag a-acting ay hindi lang ganoon kadali, dahil mayroon itong mga malalalim na kahulugan na ating dinadala sa kasalukuyan. Sa pag a-acting, hindi mo dapat iniisip ang sarili mo, kung ano ang itsura mo o kaya naman kung ano ang sasabihin ng tao saโyo kapag nasa entablado kana. Dapat nating isipin na ang pag a-acting ay tungkol sa pagbalik ng dati. Ang dapat isipin ay kung paano natin madedeliver ang mga salita ng Diyos daan sa pag aarte at kung paano tayo magbabahagi ng mga mabubuting balita ng Panginoon sa ating kapwa.
Panghuli, ang aming mahalagang natutunan sa Media Camp 2026 ay makihalubilo, makisama, maging masaya at alamin ang tunay na ligaya daan sa simbahan at kapwa church servers.
21/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ (๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐)
Ipinagbibigay-alam po namin ang kasalukuyang takbo at pag-unlad ng rehabilitasyon sa ating Altar Area. Sa tulong ng inyong mga panalangin at suporta, narito na po ang mga pinakabagong updates sa ating konstruksyon:
- Bagong Hagdan: Matagumpay na pong nailatag at naigawa ng mga bagong hagdan ang ating Altar Area.
- Mas Mataas na Santuwaryo: Inayos at pinataasan na rin po ang kabuuan ng ating santuwaryo upang mas maging angkop at kita ng lahat tuwing may Banal na Misa.
- Paglalatag ng Bakal at Wiring: Kasalukuyan na pong inuumpisahan ang paglalatag ng bakal sa mismong apakan ng santuwaryo upang mas lalo pa itong tumibay. Kasabay nito ang pagsisimula ng mga bagong electrical wirings para sa mas magandang sistema ng ilaw at iba pa.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
- Weekday Masses (Lunes - Biyernes): Gaganapin pa rin po muna sa 2nd Floor Bulwagan. Mangyaring magsuot pa rin po ng ๐๐๐๐๐๐๐๐ ang lahat ng dadalo dahil sa alikabok sa simbahan.
- Sabado at Linggo: Mananatili ang mga misa sa loob ng Simbahan.
๐ฑ 0951 296 3444 ๐ 8254 3857 โ๏ธ [email protected]
20/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Kaugnay ng kasalukuyang pagsasaayos ng ating Altar Area, ipinagbibigay-alam po sa lahat na nagsimula na ang pagbabakbak at konstruksyon sa loob ng simbahan. Dahil dito, inaasahan ang pagkakalat ng alikabok.
Para sa kaligtasan at kalusugan ng lahat, mahigpit po nating hinihikayat ang lahat ng magsisimba ng Weekdays (Lunes hanggang Biyernes) na ๐๐ผ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ผ๐พ๐๐๐ผ๐๐, lalo na sa pagdaan sa loob ng simbahan patungo sa 2nd Floor Bulwagan.
Inirerekomenda po natin ito lalo na sa mga may hika (asthma), ubo, o sensitibo ang baga. Ang inyo pong kalusugan at kaligtasan ang ating pangunahing priyoridad habang inaayos natin ang ating santuwaryo.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at malawak na pang-unawa!
๐ฑ 0951 296 3444 ๐ 8254 3857 โ๏ธ [email protected]
18/05/2026
Pinababatid sa lahat na opisyal na sinimulan na ang pag-aayos at pagpapatibay ng istraktura ng ating altar ngayong Lunes (Mayo 18, 2026). Sa mga larawan, makikita na ang ilang mahahalagang kagamitan at mga imahen ay tinanggal at sininop pansamantala. Gayundin, tinakpan ng mga plastik ang retablo at ilang mga kagamitan para maprotektahan mula sa alikabok o sa pagkasira na maaaring maging dulot ng kasalukuyang pagpapanibago ng altar.
Dahil po rito, ipinapatupad ang ilang pagbabago sa lugar na pinagdadausan ng ating mga Misa:
โข Weekday Masses (Lunes - Biyernes):
Gaganapin muna sa 2nd Floor Bulwagan.
โข Sabado at Linggo: Mananatili ang mga misa sa loob ng Simbahan.
โข Ang lahat ng mga aktibidad ng mga organisasyon at ministry na dating ginagawa sa loob ng simbahan ay maaaring mailipat ng venue. Mangyari lamang na makipag-ugnayan sa Parish Office o sa inyong mga coordinator para sa kumpirmasyon ng inyong lugar-pulungan.
Maraming salamat po sa inyong pagiging bukas-palad at pakikiisa sa mga proyekto at gawain ng ating Simbahan.
๐ฑ 0951 296 3444 ๐ 8254 3857 โ๏ธ [email protected]
15/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
PARA SA LAHAT NG MGA PAROKYANO, AT MGA KASAPI NG MGA SAMAHANG SIMBAHAN:
Ipinagbibigay-alam po sa lahat na simula ngayong Lunes, ika-18 ng Mayo, magkakaroon tayo ng pansamantalang pagbabago sa lokasyon ng ating mga gawain dahil sa sisimulang rehabilitasyon at pagpapaayos ng ating Altar Area.
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐:
โข ๐๐๐๐ ๐๐๐ฎ ๐๐๐จ๐จ๐๐จ (Lunes - Biyernes): Gaganapin muna sa 2๐๐
๐ญ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐.
โข ๐๐๐๐๐๐ค ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐๐ค: Mananatili ang mga Misa sa loob ng Simbahan.
โข Ang lahat ng mga aktibidad ng mga organisasyon at ministry na dating ginagawa sa loob ng simbahan ay maaaring mailipat ng venue. Mangyari lamang na makipag-ugnayan sa Parish Office o sa inyong mga coordinator para sa kumpirmasyon ng inyong lugar-pulungan.
Hinihingi po namin ang inyong malawak na pang-unawa at patuloy na suporta habang pinapaganda natin ang ating santuwaryo.
Maraming salamat at pagpalain po tayong lahat!
๐ฑ 0951 296 3444 ๐ 8254 3857 โ๏ธ [email protected]