26/09/2026
𝗡𝗘𝗪𝗦 | Matagumpay na pagtatapos ng Buwan ng WIka sa Phinma SJC
Espesyal na idinaos ang Buwan ng Wika na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa Yaman ng Impormasyon,” noong Setyembre 15, 2026, sa Phinma-Saint jude College Manila.
Pinangunahan nina Mr. Greggy De Guzman at Mr. Joseph O. Raquiza bilang mga tagapagdaloy ang programa. Nagbigay naman ng pambungad na salita si G. Mc Raile A. Domasig. Kabilang sa mga naging hurado ng mga paligsahan sina Mark Jay Velina, Jacob John Domiquel, at Marky Tomas.
Bago nagsimula ang mga pangunahing patimpalak, ipinamalas ng STEM 12-1 ang kanilang husay sa pagsasayaw sa pamamagitan ng folk dance na Sayaw sa Bangko, na nagbigay ng masiglang pambungad sa programa.
Sinundan ito ng Parada ng Kultura, kung saan ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain at pagpapahalaga sa mga tauhang sumasalamin sa kulturang Pilipino. Sa Ginoo mula sa Manila Campus, nagkamit ng unang pwesto ang gumanap bilang Padre Damaso, sinundan ni Elias sa ikalawang pwesto, habang Basilio naman ang nagtamo ng ikatlong pwesto. Sa Binibini, nanguna si Sisa, pumangalawa si Maria Clara, at pumangatlo si Gabriela Silang.
Samantala, sa Quezon City Campus, itinanghal na unang pwesto sa kategoryang Ginoo ang gumanap bilang Heneral Luna, sinundan ni Lam-ang sa ikalawang pwesto at Padre Damaso sa ikatlong pwesto. Sa kategoryang Binibini, nakamit ni Sisa ang unang pwesto, habang pumangalawa si Donya Victorina at pumangatlo si Prinsesa Urduja.
Ipinamalas naman ng mga mag-aaral ang kanilang husay sa Sabayang Pagbigkas sa Manila Campus. Itinanghal na kampeon ang STEM, habang pumangalawa ang HUMSS at nakamit naman ng HE ang ikatlong pwesto.
Sa Pagsulat ng Sanaysay, nagwagi bilang unang pwesto si Kimberly C. Piedad, sinundan ni Rain Irazen T. Borja sa ikalawang pwesto at Lowell Ryzen P. Sera Jose sa ikatlong pwesto. Sa Quezon City Campus, nanguna si Ma. Ilia Domogma, pumangalawa si Mofti Mohammad, at pumangatlo si Ma. Paula Nichole Clervo.
Nagpakitang-gilas din ang mga kalahok sa Masining na Pagguhit ng Poster. Sa Quezon City Campus, nanguna ang BSED-English, sinundan ng ABM/Business sa ikalawang pwesto at BSED-Filipino sa ikatlong pwesto. Sa Manila Campus naman, itinanghal na kampeon ang BSED-Filipino, habang pumangalawa ang STEM at pumangatlo ang HUMSS.
Hindi rin nagpahuli ang mga kalahok sa Masining na Pagkukwento. Sa Quezon City Campus, nakamit ni Hannie Lita E. Cabigas ang unang pwesto, sinundan ni Alyssa C. Joven sa ikalawang pwesto at Charize Nicole Ortanes sa ikatlong pwesto. Sa Manila Campus naman, nanguna si Arzheily Joice Belleza, pumangalawa si Jalaiza Shane C. Sumayaw, at pumangatlo si Jhylliane M. Santren.
Bilang pagtatapos ng programa, isinagawa ang panunumpa ng mga bagong halal na lider mula sa Manila at Quezon City Student Councils, na nagsilbing huling bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at simbolo ng panibagong tungkulin ng mga lider-estudyante sa kanilang mga kampus.
News by: Zhaquira Xianne M. Baron