08/06/2026
𝐅𝐄𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄𝐒 | 𝐑𝐨𝐨𝐭𝐞𝐝 𝐢𝐧 𝐒𝐜𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞, 𝐑𝐢𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐓𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐚𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧: 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐃𝐫. 𝐃𝐢𝐭𝐚𝐬 𝐃𝐞𝐜𝐞𝐧𝐚
A legacy built on science, guided by compassion.
Among the countless graduates of the College of Science is Dr. Ditas Decena, whose journey demonstrates that scientific excellence and genuine service can go hand in hand. Her story highlights the values, perseverance, and dedication that continue to define generations of Thomasians.
Discover how a foundation in science blossomed into a life devoted to healing and service.
Read more through the link in the comment section.
Written by: Mika Sareno
Layout by: Klarenze Fae Dimatatac
07/06/2026
𝐅𝐄𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄𝐒 | 𝐀 𝐓𝐡𝐨𝐦𝐚𝐬𝐢𝐚𝐧 𝐢𝐧 𝐚𝐧 𝐄𝐫𝐚 𝐨𝐟 𝐌𝐨𝐝𝐞𝐫𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧: 𝐃𝐫. 𝐂𝐚𝐧𝐝𝐞𝐥𝐚𝐫𝐢𝐚’𝐬 𝐉𝐨𝐮𝐫𝐧𝐞𝐲 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐭𝐡𝐞 𝟏𝟗𝟔𝟎𝐬 𝐂𝐨𝐒
Travel back to the 1960s through the memories of Dr. Zacarias Candelaria, when tradition, discipline, and academic excellence shaped everyday life at the University of Santo Tomas. His story offers a unique perspective on the evolution of the College of Science and the foundations of a remarkable medical career.
Explore a chapter of history through the eyes of a Thomasian who witnessed an era of transformation.
Read more through the link in the comment section.
Written by: Reynard Vargamento
Layout by: Klarenze Fae Dimatatac
06/06/2026
𝗔𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗲 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝘂𝗿𝗶𝗽𝗼𝘁
𝗕𝘆 𝗛𝗮𝗻𝘀.
Tanda mo ba kung kailan huling
nagkaroon sa Dapitan ng Kape Karamel
ang huling trenta-y-otsong kinuripot mo
para lang magising sa una't huling klase ng linggo?
Tanda mo pa kaya ang unang siksikan
sa elebeytor ng CenLab na kahit bago'y kinakalawang
Kapipindot kahit na yamot kapag iilaw
ang dos ang dos na palapag
at dos na kumakalansing sa puwit
Tanda mo ba na ang unang tibok ng iyong puso
ay hindi kilig
ngunit kaba nang hindi makapa
ang labgawn at kalkyuleytor sa bag
dahil inuna mo pang intindihin ang kapeng pampagising
Ngayong narito ka na
ay kukuriputin mo pa ba
ang nalalabing sukli
at huling higop at sipsip ng kape
Malapit lang sa Dapitan ang CenLab
malapit lang sa huling higop
ng alaalang nagdaan
Kung nakapagsasalita lamang ang bawat tasang
iyong nahigop
at kapeng nanatili sa iyong tiyan
Masasabi kaya nilang kahit malayo ka na
sa kalsadang huli mong pinagkapehan
ay narito't narito ang iyong uuwian
kabisado ka ng bawat kape
at bawat kinuripot mong alaala
dito, kung saan ka nararapat
sa Dapitan, sa elebeytor ng CenLab
nagpapasalamat sa iyo ang bawat kapeng
‘di pa nila naititimpla
Art by: Maria Nieves Meneses
06/06/2026
𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈, 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟔!
Pormal nang natapos ang Solemn Investiture para sa Batch 2026 ng Kolehiyo ng Agham ngayong tanghali sa QPav.
Makasaysayan ang pagtatapos na ito dahil ang Batch 2026 ang opisyal na Centennial Batch ng Kolehiyo. Sila ang unang hanay ng mga Tomasinong Siyentipiko na magpapatuloy ng sulo ng karunungan sa paghakbang ng Kolehiyo patungo sa mga susunod na taon.
Kapsyon ni: John Benedict Cabrera
Mga Larawanan ni: Jian Villamor
06/06/2026
Dearest seniors,
Today, the publication room feels noticeably quieter. It is impossible not to feel the weight of your impending absence.
Now, the story of this humble journal passes to the next generation, but your chapter will always be among its finest. May your future always find the truth and may you never lose your hunger for the story.
Thank you for leaving our pages better than you found them.
With deepest gratitude and pride,
Your College of Science Journal Family
-30-
06/06/2026
Binigyang-diin ni Deone Alfonso Sanchez, mula sa Departamento ng Kimika at Balediktoryan ng Kolehiyo ng Agham para sa Klase ng 2026, na ang mga aral, karanasan, at pagbabago mula sa pag-aaral sa Unibersidad ang magtutulay sa pagbuo ng “mga matatapat na siyentipiko at ekspertong may malasakit.”
Kapsyon ni: Arnie Justin Duran
Larawanan ni: Lyle Tuya
06/06/2026
𝐍𝐀𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍: Ganap nang nanumpa ang mga nagsipagtapos sa Kolehiyo ng Agham ng Panata ng Isang Tomasino sa pangunguna ni Christian Vintayen mula sa Departamento ng Matematika at Pisika sa Pagtatapos 2026 sa Quadricentennial Pavilion ngayong Hunyo 6.
Pinasinayaan din ni Gng. Charitess Carandang-Barlis, pangulo ng UST Galing Science Alumni Association, ang panunumpa ng pagtatapos sa Kolehiyo at pagtanggap sa mga bagong miyembro ng UST Alumni Association.
Kapsyon ni: Arnie Justin Duran
Mga Larawanan ni: Allen Lakampuenga
06/06/2026
𝐍𝐀𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍: Bilang pagkilala sa akademikong kahusayan, binigyang-parangal ng mga administrador ng Kolehiyo ng Agham ang mga mag-aaral na nagkamit ng pinakamataas na marka sa kani-kanilang mga digri sa Pagtatapos 2026.
Ginawaran din ng Loyalty Award ang mga mag-aaral na naglaan ng higit sa sampung taon sa kanilang akademikong pag-aaral sa Unibersidad. Hinirang naman na Ramsee Henson Leadership Awardee si Jordan Badillo, mula sa Departamento ng Sikolohiya at dating pangulo ng UST College of Science Student Council.
Kapsyon nina: John Benedict Cabrera at Arnie Justin Duran
Mga Larawan ni: Lyle Tuya
06/06/2026
𝐍𝐀𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍: Ipinakilala ng Dekano ng Kolehiyo ng Agham, Prop. Rey Donne Papa, ang mga kandidato sa Rehente ng Kolehiyo ng Agham, Reb. Padre Quirico Pedregosa, para sa pormal na paggawad ng mga akademikong digri. Sa kabuuan, 559 na mag-aaral ang opisiyal na magsisipagtapos mula sa Kolehiyo ngayong taon.
Kasunod nito, ipinagkaloob naman ni Reb. Fr. Louie Coronel, tagapangasiwa ng pagtatapos, ang natatanging basbas mula sa Pamantasan at Holy See, bilang pagkilala sa UST bilang isang Pontifical University.
Kapsyon ni: John Benedict Cabrera
Mga Larawanan ni: Lyle Tuya
06/06/2026
𝐒𝐄𝐍𝐓𝐄𝐍𝐀𝐑𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐋𝐀𝐒𝐄 𝐍𝐆 𝟐𝟎𝟐𝟔 🎖️
Pinangunahan ni Janica Zarate, Batch 2026 Salutatorian mula sa Departamento ng Kimika, ang pagbasa ng petisiyon para sa pagtatapos ng mga mag-aaral. Sinundan ito ng tugon at pagtanggap ng petisiyon na pinangunahan ni Rehente Reb. Padre Quirico Pedregosa, Jr.
Matapos ang pormal na pagtanggap sa petisiyon, sabay-sabay at opisiyal na ipinasuot sa mga mag-aaral ang kanilang akademikong kasuotan at centennial medal sa tulong ng kanilang mga magulang at tagapangalaga.
Kapsyon ni: John Benedict Cabrera
Mga Larawanan ni: Jian Villamor