17/03/2017
Pedro: Juan!
-
Juan: Oh Pedro? *Sabay singhot ng sipon*
-
Pedro: May sipon ka yata?
-
Juan: Sipon? Parang sa pagibig pre, pilit mong binabalik kahit alam mo nang kailangan na itong pakawalan.
-
Pedro: Di nga yung totoo?
-
Juan: Totoo? Kung minahal nya lang ako nang totoo di ako magsasawa at mawawala.
-
Pedro: Ewan ko sa pinag sasasabi mo. Hoy pre nasulat ko na nga pala lahat ng kailangan nating bilhin para sa team.
-
Juan: Sana ganun lang din ang feeling sinusulat nalang para madaling burahin.
-
Pedro: Oo nga pala pre sobrang saya ko natupad na yung wish ko.
-
Juan: Kung sino man yang dahilan ng pagiging masaya mo pustahan tayo sya din ang magiging dahilan ng matinding pag iyak mo.
-
Pedro: Letcheng to! Ang bitter! Gusto ko lang sabihin na may bago akong cellphone.
-
Juan: Ah ganun ba. Sana ganyan nalang din ang minamahal natin sana cellphone nalang sila para pagnagloko kusang namamatay.
-
Pedro: Oy Juan! About nga pala sa team natin wag tayong susuko mananalo din tayo.
-
Juan: Matuto kang sumuko pag nasasaktan kana. Minsan kasi niloloko kana kinikilig ka pa.
-
Pedro: Ok lang yan. Mapeperfect din natin ang pag 3points natin para manalo.
-
Juan: Perfect? Mahirap maging perfect lalo na sa taong mahal mo. Nagbago kana nga, nagpakababa ka man dahil sakanya pero masakit dun tapat kana pinagpalit ka pa.
-
Pedro: Loko-loko. Dami mong sinasabi.
-
Juan: Sa pagibig ang panloloko hindi isang negosyo. Kaya wag mong uulit-ulitin kasi hindi ka aasenso.
-
Pedro: Pakisintas na nga lang itong sapatos ko.
-
Juan: Hawakan mo yung dulo,pagbuhulin mo. Higpitan mo ha? Kasi kahit anong higpit ang gawin mo dyan maghihiwalay-hiwalayΒ din yan parang sa pagibig.
-
Pedro: Move on kana uy! Nakakasawa kana puro ka hugot.
-
Juan: Mahirap mag move-on di mo magagawa pag ang nakaraan ay paulit-ulit mong binabalikan.
-
Pedro: Ewan ko sayo. Iwan na kita dyan.
-
Juan: Sige pre, iwan mo na ko. Sanay na naman ako iniiwan