20/07/2024
Taos-pusong pasasalamat ang aming iniaalay sa mga taong nagpakita ng dedikasyon at naging mahalagang bahagi sa matagumpay na proyekto na isinagawa noong Hulyo 14, 2024 π«‘π
Para sa pangkalahatang pinuno ng proyekto, mga namuno ng bawat komite at mga miyembro nito, mga nagrepresenta sa mismong araw ng programa, at higit sa lahat, sa mga opisyal ng barangay at mga batang nakasama namin at naging parte ng Bawat Bata Bumabasa outreach program.
Maraming salamat sa pagbibigay ng ngiti, saya, at panibagong kaalaman para sa bawat batang bumabasa na hatid ay pag-asa ππ
π©βπ¨: Navid Macabale, Marc Ryan Bondad
βοΈ: Jaqueline RaΓ±a, Mica Sanchez, & Eurica Mae San Diego
18/07/2024
Pagbasa. Pagmulat. Pag-asa.
Sa bawat batang bumabasa, panibagong kaalaman at pangarap ang nalilikha. Sa bawat pahina, may liwanag na nagbibigay daan sa mas maunlad na kinabukasan π€π©βπ«
βοΈ: Janrelle Cidro & Rain Concepcion
π©βπ¨: Leabel Antoniano, Erica Baltar & Juliana Ariele Segovia
17/07/2024
Maraming salamat, mga Bata!
Ang inyong masayang partisipasyon at aktibong pakikilahalok sa mga aktibidad na aming hinandog ay nagbigay inspirasyon at tuwa sa aming lahat. Nawaβy ang inyong dedikasyon na matuto sa iba pang paraan ay magdulot ng magandang aral at tulong sa inyong edukasyon π©βπ«π
Bago tayo tuluyang humingi ng paalam sa isa't isa, ang inyong mga ate at kuya ay nais munang magbigay ng munting mensahe at hiling para sa inyo. Kaya naman mga ate at kuya, halina't punuin natin ng magagandang hiling at mensahe ang pagtatapos ng isang makabuluhang programa at pagsisimula ng bagong pag-asa π
Muli, mula sa S2DIO, ππππ‘π§π₯ππ¦, at 4MENDERS, Maraming Salamat! π€
π©βπ¨: Shimei Cabias
βοΈ: Hailey Oladive & Ella Poral
17/07/2024
Hindi lahat ng pagtatapos ay paalam; itoβy simula ng bagong paglalakbay para sa bawat batang natutong bumasa. Nawaβy magsilbing inspirasyon sa ating mga kabataan ang bawat segundo na sila ay nagkaroon ng panibagong kaalaman kasama ang S2DIO, ππππ‘π§π₯ππ¦, at 4MENDERS π₯³π
Tingnan ang mga makukulay na litrato na pinupuno ng mga ngiti at saya. Ating tandaan, bawat bata bumabasa, at bawat bata ay pag-asaβπ»
βοΈ: Aivery Praizel F. Domingo
π©βπ¨: Precious Faith Pascua
πΈ: Jobert Yodico & Heart Rapacon
16/07/2024
Katulad ng mga eroplanong papel, ang ating mga pangarap ay nagsisimula sa simpleng anyo. Sa tamang paghubog at determinasyon, maaaring lumipad ng matayog sa kabila ng mga pagsubok πͺποΈ
Kaya't hubugin natin ang ating mga pangarap nang may tapang at patuloy na lumipad patungo sa tagumpay π
βοΈ: Aira Dela Cruz & Mikyle Magus
π§βπ¨: Arneli Glinoga, Jeczarie Gaston & John Ashley Balboa
14/07/2024
Bilang pagdiriwang sa matagumpay na kulminasyon ng Bawat Bata Bumabasa, kinilala ang dedikasyon at pagsusumikap ng lahat ng bumubuo at nagbigay buhay rito sa bahaging ito ng programa π
Sa kanilang sama-samang dedikasyon, passion at enerhiya, tunay nilang ipinamalas ang diwa ng serbisyo at malasakit sa komunidad na lumikha ng positibong epekto hindi lamang sa komunidad kundi pati na rin sa kanilang mga sarili. Ang kanilang mga pagsisikap ay nagbigay inspirasyon sa mga kabataan at nagbukas ng mga bagong pintuan ng oportunidad para sa mga batang isipan π
Sa pagtatapos ng programa, ipinagdiriwang natin ang tagumpay na ito na nagpapahiwatig hindi lamang ng isang pagtatapos, ngunit isang bagong simula para sa mga kabataan at kanilang komunidad. Isa lamang ito sa mga hakbang sa pagbuo ng pundasyon para sa matagumpay at maliwanag na kinabukasan ng ating bansa. Tulad ng lagi nating wika bilang mga Iskolar ng Bayanβ Lagiβt lagi para sa Bayan π£οΈβ¨
βοΈ: Alliah Carla Magno
14/07/2024
Sa bawat sertipikong inihandog, isang kwento ng tagumpay at pagsisikap ang ating binibigyang parangal. Ang Bawat Bata Bumabasa Outreach Program ay nagtagumpay dahil sa inyong suporta at pagmamahal sa edukasyon ππ
Salamat sa mga batang nagbasa at patuloy na nangangarap. Sa aming mga katuwang at tagasuporta, ang inyong dedikasyon ay nagbigay inspirasyon at lakas sa aming programa π€©β¨
βοΈ: Kyle Bernido
14/07/2024
Ang simpleng paghawak ng lapis, pagdugtong ng mga letra upang makabuo ng salita, at pagbasa sa mga nabuong parirala ay hindi lamang isang kasanayan - isa itong karapatan na marapat taglayin ng bawat kabataan π£οΈ
Kaya naman, malugod na ibinabahagi ng Bawat Bata Bumabasa Program ang naging matagumpay resulta ng konkretong pagtutulong-tulungan ng mga kolehiyong mag-aaral ng Poletiknikong Unibersidad ng Pilipinas upang makapaghandog ng muting tulong sa batang mag-aaral ng Sta. Mesa Barangay 591. Mumunting aksyon kung ituturing, ngunit laksa-laksang pag-asa ang hatid nito sa sa mga batang napagkaitan ng de-kalidad na pagkatuto π
Dahil laging tandaan: ano man ang pinanggalingan, mahirap man o mayaman, lahat ng bata, may karapatan sa mapagtaguyod at sapat na kaalaman π€π‘
βοΈ: Jobert Yodico
14/07/2024
Ito man ay sira, putol-putol at mapurol ngunit pag ito'y pinagsama-sama at ginamit nakabubuo ito ng magandang obra π¨
Kagaya na lamang ng sining ng mga bata ito man ay 'di masyadong malinaw ngunit maaaring maging susi at mata ito para sa kinabukasan dahil sa bawat guhit may patutunguhan, bawat kulay may damdamin, at ang buong obra ay nagbibigay ng kasiyahan at pag-asa π
βοΈ: Adrian Dorde
14/07/2024
Sa bawat pagbuklat ng pahina ay siya ring pagbukas ng pintuan ng walang katapusang posibilidad ππͺ
Halinaβt tunghayan kung paano tuklasin ng mga magigiliw na bata ang mundo ng imahinasyon at pagkatuto sa pamamagitan ng mga kuwentong puno ng saya at pag-asa sa bawat pahina β¨
βοΈ: Sean Lee Pangilinan
14/07/2024
Sari-saring mga ngiti ang namumutawi sa kwentong puno ng pagmamahal at pag-asa π€π
Umindayog ng may kasamang pitik sa pagbuklat ng ikalawang pahina. Saksihan ang tinatagong kulit at bibo ng ating mga chikiting sa inihanda nating energizer! πΊ
βοΈ: John Christopher Narag