07/01/2026
12th YMCA National Club Advisers Seminar Workshop and Junior Leaders Campference held on December 19-21, 2025 at Senior Mess, Teacher's Camp, Baguio City
Adviser Category
ARLENE S. NILLO
Daglian sa Pagsulat ng Sanaysay
3rd Place
National Level
07/01/2026
12th YMCA National Club Advisers Seminar Workshop and Junior Leaders Campference held on December 19-21, 2025 at Senior Mess, Teacher's Camp, Baguio City
Adviser Category
MERWIN S. SESE
Essay Writing Contest
2nd Place
National Level
07/01/2026
12th YMCA National Club Advisers Seminar Workshop and Junior Leaders Campference held on December 19-21, 2025 at Senior Mess, Teacher's Camp, Baguio City
Junior Leaders Category
ZACQUIXA BRIELLE T. NUÑEZ
MS. CAMPFERENCE 2025
Title Holder
07/01/2026
12th YMCA National Club Advisers Seminar Workshop and Junior Leaders Campference held on December 19-21, 2025 at Senior Mess, Teacher's Camp, Baguio City
Junior Leaders Category
MARTHA ROBBIELLA R. NUNAG
Slogan writing Contest
2nd Place
National Level
03/01/2026
Handa na ba kayong magkamali sa pagsulat ng date ngayong January, kids? 😅
Practice na agad ha!
See you all in school —
January 5, 2025 este 2026 nga pala, Monday!
First challenge of 2026:
✔️ Gumising nang maaga
✔️ Pumasok sa school
❌ Magsulat ng tamang date 😅
31/12/2025
🙏 Panalangin sa Pagsalubong ng Taong 2026 🙏
Panginoong Diyos,
Maraming salamat po sa taong 2025 na aming tinapos. Salamat sa bawat tagumpay, sa bawat pagsubok, at sa lahat ng aral na humubog sa amin bilang isang paaralan at bilang isang pamilya. Sa lahat ng sandali na Ikaw ang nagbigay-lakas nang kami ay napapagod at Ikaw ang naging pag-asa nang kami ay nanghihina, salamat po, O Diyos.
Habang buong puso naming sinasalubong ang taong 2026, iniaalay po namin sa Iyo ang aming mga pangarap, plano, at hangarin. Nawa’y Ikaw ang manguna sa bawat hakbang na aming tatahakin. Gabayan Mo po ang aming mga mag-aaral na maging mabuti, masipag, at may takot sa Iyo. Palakasin Mo po ang aming mga g**o at kawani upang patuloy silang maging ilaw at inspirasyon sa mga bata.
Pagpalain Mo po ang aming mga magulang at tagapag-alaga. Bigyan Mo sila ng sapat na lakas, karunungan, at pasensya sa paggabay sa kanilang mga anak. Pagpalain Mo rin po ang aming mga stakeholders at partners na patuloy na sumusuporta at nagmamalasakit sa aming paaralan.
Panginoon, linisin Mo po ang aming mga puso mula sa takot, galit, at pagod. Punuin Mo kami ng kapayapaan, pag-asa, at panibagong sigla. Nawa’y ang taong 2026 ay maging taon ng pagkakaisa, paghilom, at mas malalim na pananampalataya sa Iyo.
Sa lahat ng aming gagawin at haharapin, nawa’y laging luwalhatiin ang Iyong pangalan. Ikaw po ang aming sandigan ngayon at magpakailanman.
📖 “Magtiwala ka sa Panginoon nang buong puso mo, at huwag kang manalig sa sarili mong kaalaman. Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong lakad, at itutuwid Niya ang iyong mga landas.”
— Kawikaan 3:5–6
Ito po ang aming dalangin,
sa ngalan ni Hesus.
Amen. 🙏✨
25/12/2025
🎄 A Merry and Christ-Centered Christmas to Our School Community 🎄
Ngayong Pasko, punô ng pasasalamat at saya ang aming mga puso. Higit sa lahat, pinapaalala natin sa bawat isa na si Hesus ang tunay na dahilan ng Pasko. Siya ang pinanggagalingan ng pag-ibig, pag-asa, at liwanag na gumagabay sa ating paaralan at sa ating buhay.
Sa aming mga mahal na mag-aaral, salamat sa saya, sigla, at inspirasyong dala ninyo araw-araw. Kayo ang dahilan kung bakit makulay ang aming mga silid-aralan. Nawa’y maramdaman ninyo ngayong Pasko na kayo ay mahalaga, minamahal, at may malaking kinabukasan sa tulong ng Diyos.
Sa aming mga g**o at kawani, maraming salamat sa inyong walang sawang pagtitiyaga, sakripisyo, at malasakit. Ang inyong serbisyo ay malinaw na larawan ng pagmamahal ni Kristo. Nawa’y bigyan kayo ng Pasko ng pahinga, kapayapaan, at bagong lakas.
Sa aming mga magulang at tagapag-alaga, salamat sa tiwala, suporta, at patuloy na pakikiisa. Maraming salamat sa pag-unawa at sa pakikipagtulungan sa amin sa paggabay at paghubog sa inyong mga anak. Tunay po kayong mahalagang bahagi ng aming paaralan.
Sa aming mga stakeholders at partners, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta at paniniwala sa aming layunin. Dahil sa inyo, mas napapalakas namin ang aming komunidad at mas napapabuti ang serbisyo sa mga bata.
Sa pagdiriwang natin ng Pasko, nawa’y lagi nating alalahanin ang pinakadakilang regalo sa lahat, si Hesukristo, na nagtuturo sa atin na magmahal, magpatawad, at maglingkod sa kapwa.
📖 “Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang sanggol, sa atin ay ibinigay ang isang Anak. Siya ang mamamahala, at tatawagin Siyang Kamangha-manghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.”
— Isaias 9:6
Mula sa aming pamilyang paaralan tungo sa inyong mga tahanan,
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon 🎄✨
28/11/2025
🌟 Ngayong Panuruang Taon 2025-2026 muling binubuksan ang pinto para sa mga bata na may puso para sa Pamamahayag 🌟
🗞️ Kung ikaw ay nasa Ikalima at Ikaanim na baitang na nagpapakita ng kagustuhan sa pagsusulat ng mga artikulo, tula at awit. Nagpapakita ng husay sa pagbabalita at pagguhit. Tara na! Ang darating na orientasyon ng mga Batang Press ay sa Disyembre 2, Martes.
Magtungo lamang sa Journalism Room
2nd Floor katabi lamang ng ating Social Hall
Grade 5: 11:00 N.U - 12:00 N.T
Grade 6: 12:15 N.T - 1:00 N.H
Kitakits!
25/11/2025
BREAKING: Due to inclement weather, I am ordering the suspension of Afternoon Face-To-Face classes in all public and private schools in Manila from Kindergarten to Senior High School, effective 12:00 n.n. today, Tuesday, 25 November 2025.
Schools are advised to shift to Alternative Delivery Mode (ADM).
For the tertiary level, suspension shall be at the discretion of the school heads.
FRANCISCO "ISKO" MORENO DOMAGOSO
City Mayor
24/11/2025
Congratulations to Jeremiah Gabriel C. Balidio (Kindergarten) for winning 2nd Place Y-PREP Coloring Contest, District Level 🎉👏🏻🌟
Trainer: Ms. Jane Catherine N. Lapuz
Principal: Ms. Olivia B. Joaquin
20/11/2025
🌐✨ Parents and FBES Community, Let’s Empower Ourselves to Protect Our Children Online!
Join us on November 21, 7:00 AM at the Francisco Benitez Elementary School Covered Court for a Parent Empowerment Session on keeping our children safe in the digital world.
Your presence makes a difference.
Together, we can guide and protect our children—online and beyond. 💚