16/05/2024
The Trash is Overflowing! 'Wag nating gawing Resort ang Landfill! Mag-segregate para makatipid at hindi magkastress! 🌊♻️
Improper disposal ng basura, hindi lang harmful sa ating kalusugan, pero pati sa environment. Pag hindi tama ang pagsegregate, nagiging polusyon sa lupa at tubig, may mga kemikal na pwedeng makasama sa ating pagkain at magdulot ng sakit. Plus, nagiging panganib sa hangin at tubig na ginagamit natin, at sa buong komunidad pa!
Alam mo ba, mga landfills, nagpapakawala ng methane, isang malakas na greenhouse gas, na nagco-contribute sa climate change. "Pag nilagay ang organic waste sa landfills, nagreresulta sa paglabas ng methane."
15/05/2024
"Namamamahalan ka ba sa electric bill mo? Try mo banana ko"
Banana? Yes. Banana peel power—yung basura mo, tulad ng mga bulok na tirang pagkain, pwedeng maging kuryente enough for 1 week na pang-consumo sa isang bahay. Imagine mo na lang, isang bote ng soft drinks, kayang magbigay ng kuryente sa isang computer na tumatagal ng halos isang oras.
With proper waste segregation at recycling ng basura, nakakatulong tayo sa paglilinis ng ating kalikasan. With that, malinis ang ating lupa, tubig, hangin, pati na rin ang ating pagkain, leading to a healthier life.
Proper segregation ay hindi lamang nakakabenefit sa environment. Sa pagsegregate ng ating basura, nakakatulong tayo sa green economy, na nagbibigay ng trabaho sa marami. This could also help our country's recycling industries na mag-boost ng job opportunities.
14/05/2024
"Just like sa pag-aayos ng mga closets natin, dapat ganun din tayo ka-organized sa waste segregation! Let's keep it tidy para sa mas malinis at ligtas na environment!"
Sa pag-aayos ng closet hindi mo naman itatapon lahat ng damit sa isang sulok, 'di ba?
May sariling drawer ang mga plastik, may shelf ang mga glasses, at mag-share ng isang lalagyan ang aluminum at lata. Pati na rin ang mga aerosol can at foil? May espesyal na lugar din!
By keeping everything properly separate, parang binibigyan mo na din ng moment ang bawat basura para magka-spotlight at maging bago muli sa pamamagitan ng recycling!
13/05/2024
"masdan mo ang basura, di mo ba nakikita? kami'y ngayo'y nananawagan at nandito na! gusto mo bang sumama?"
Kami ang "Segregation? Bin there, dump that!" Kamusta? Hindi mo ba napapansin na napakakalat ng paligid natin? Sawa ka na ba sa araw-araw na maduming tanawin? Pagod ka na ba? Kung oo, sumama ka samin! Tara!