28/08/2019
Living life on a Mission
“Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ang lahat ng bansa ay makarinig nito. At kung maganap na ito, darating na ang katapusan.””
Mateo 24:14
Nasa puso pa din ba natin ang tunay na misyon nating bilang mga lingkod ng Diyos? Ano bang mga pamamaraan ang naiisip natin upang makapaglingkod?
Madalas naiisip natin speaking in front of thousand of people, O di kaya ay pagkakaroon ng sariling libro? O di kaya’y pagkanta ng mga sariling sulat na worship songs at magkaroon ng concert na nakakatouch sa maraming buhay ng tao?
Paano ang mga pagkausap mo sa kaibigan mo o katrabaho mo na nawawalan ng pagasa at naihayag mo ang kabutihan ng Diyos?
Malaki o maliit na bagay na ginagawa natin sa Panginoon, it counts. Ang mahalaga ay maipahayag natin ang mabuting balita ng Panginoon sa lahat ng ating makakasalamuha.
Let’s live our life on mission. Our mission is to share the Gospel of Christ. Mapapansin nating palala na ng palala ang mundong ginagalawan natin, maraming problema, unos, at mga pagtatalo ng mga tao maging nasa kapangyarihan o posisyon sa gobyerno. Anong dapat nating gawin?
Be obedient, God blesses every step of obedience and as long as our hearts are aligned with His, we are living in His good, pleasing and perfect will.