21/05/2026
Sa bawat eksena ng “Mga Bubog sa Ilalim ng Bubong,” nabuo ang mga alaala, damdamin, at kwentong sabay-sabay nating isinabuhay at iningatan. 🫂
Maraming salamat sa lahat ng nanood at sumuporta, ang bawat palakpak at presensya ninyo ang naging lakas ng aming pagtatanghal. ⭐️
At higit sa lahat, salamat sa mga aktor at sa mga taong nasa likod ng bawat ilaw, galaw, at eksena, kayo ang mga pusong bumuo sa kwentong ito! 🎭
Kapsyon ni Sophia Bugarin
Kuha nina Colleen Sto Domingo at Sophia Bugarin
17/05/2026
Sa pagsinag ng liwanag, muling mabubuhay ang kuwento ng sining. 🌅
Mula sa dilim ay unti-unting mabubuksan ang mga kuwentong matagal nang itinago at mga damdaming naghahanap ng liwanag. 🌞
Makibahagi kasama ang UST Sinagtala sa pagtatanghal ng “Mga Bubog sa Ilalim ng Bubong” bilang bahagi ng ating huling pagdiriwang. ⭐️
📍 Room 1006
📅 May 18, 2026
🕤 Show 1: 9:30 AM – 11:00 AM
🕝 Show 2: 2:30 PM – 4:00 PM
📝 Mag pre-register sa link na ito:
https://forms.gle/D8pGLNcUkdcnK6iU6
Malugod namin kayong inaanyayahan silipin ang mga kuwentong mabubuhay sa entablado at maging bahagi ng aming Open House! 🏠
Kapsyon ni Kat Del Rosario
Obra nina Daniella Manalo at Cyrio Reyes
03/05/2026
May mga katotohanang pilit pinapatahimik, ngunit may mga boses na patuloy na lalaban upang ito’y marinig. ✊
Ngayong Press Freedom Day, magsilbi sanang paalala na ang kalayaan sa pamamahayag ay kalayaan din ng bawat mamamayang malaman ang katotohanan. 📰
Ang “Naratibo ng Isang Estudyanteng Mamamahayag” ay kuwento ng laban, katotohanan, at boses na hindi kailanman dapat ikadena. 🗣️
“Naratibo ng Isang Estudyanteng Mamamahayag”
Isinulat nina Kassandra Elpedes, Charlotte Naga, at Safinah Regacho
Kapsyon ni Sophia Bugarin
Obra nina Colleen Sto Domingo at Cyrio Reyes
02/05/2026
Ang lakas ng isang bansa ay hindi lamang makikita sa gusali o lansangan kundi sa mga taong araw-araw na kumakayod upang maitayo ito. 🌾
Ngayong Labor Day, ating kinikilala ang pawis, tiyaga, at sakripisyo ng bawat manggagawa na walang sawang bumubuo sa ating lipunan. 🏗️
Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino na patuloy na bumabangon para sa bayan! 🇵🇭
Isinulat ni Queenzlie Reyes
Kapsyon ni Sophia Bugarin
Obra ni Colleen Sto Domingo
01/05/2026
Sa bawat pag-ihip ng hangin, parang may bulong na gustong marinig, mga alaala na kahit hindi sabihin ay ramdam sa bawat galaw at bawat tingin. 🌫️
Ngunit darating ang araw na ang bigat ay hindi na lamang pasan, kundi magiging lakas, dahil ang bawat kwento ay may puwang na marinig at unti-unting maghilom. ❤️🩹
“Sampayan”
Isinulat nina Samantha Almazan at Mishka Lazo
Kapsyon ni Sophia Bugarin
Obra ni Colleen Sto Domingo
PAALALA: Ang sumusunod na teksto ay naglalaman ng sensitibong paksa na maaaring makaapekto sa ilang mambabasa.
Ang mababasa ay isang piksyunal na kuwento lamang ngunit maaaring nararanasan ng sinuman sa tunay na buhay.
01/05/2026
Sa mundong puno ng panghuhusga, may mga boses na handang umunawa at umalalay. 🕊️
Sa bawat luhang pilit ikinukubli, may pusong handang makinig at magbigay-lakas upang muling tumayo.🌙
Sa Hanggang sa Paghilom, matutuklasan na ang paggaling ay nagsisimula sa pagtanggap at pag-asa. ✨
“Hanggang sa Paghilom”
Isinulat nina Charlotte Naga at Kassandra Elpedes
Kapsyon ni Sophia Bugarin
Obra ni Colleen Sto Domingo
PAALALA: Ang sumusunod na teksto ay naglalaman ng sensitibong paksa na maaaring makaapekto sa ilang mambabasa.
Ang mababasa ay isang piksyunal na kuwento lamang ngunit maaaring nararanasan ng sinuman sa tunay na buhay.
16/04/2026
Bitbit ang ningning ng UST Sinagtala, ang aming mga kinatawan ay humahakbang sa entablado nang may tapang at galing! 🫶🏻
Bawat sandali ay patunay ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa sining. Sa Little Miss Fishbowl, ipinapakita nina Cass, Alfred, at Steven ang kakaibang husay at personalidad na tunay na kumakatawan sa liwanag ng Sinagtala!🌟
At ipinanganak niya kaming tatlo! 😱
Si Cass, ang Dapitan's Next Top Model. Si Steven, ang Pinakapasabog sa Balat ng España. At ayun naman si Alfred, THAT'S OUR LITTLE MIX. FISHBOWL! 🐠👑
Salamat sa pagbingwit sa korona, our episode 2 fishes. May you continue to shine bright like a DIYAMOND everywhere you go! ✨💎
Last Episode on April 20 at 1:15 PM, only on UST TigerTV
Sponsored by:
Pastel
Media partnership with:
UST College of Science Reception Committee
UST Literary Society
UST Sinagtala
UST Psychology Society
WhenInManila
Hello Mnl
Copy by Christine Calceta
Board by Frances Noelle Salon