The Lighthouse Family Mission Ministry

The Lighthouse Family Mission Ministry

Share

Acts 13:47...'I have made you a light for the Gentiles, so that all the world may be saved.'

19/02/2025

The biggest thing that stops us from learning isn’t what we don’t know, but what we think we already know.
That's why those of us serving in ministry must be open to "unlearning" so we can continue to learn and grow. This helps us stay effective in guiding and equipping the next generation with timeless biblical truths, empowering them to live out their faith in a fast-changing world.

05/11/2024

🗣️

Sa bilis ng pagbabago sa mundo ngayon, kailangan din mag-adapt ng ating mga church para manatiling effective sa pag-share ng Gospel. Pero minsan, ayaw natin ng pagbabago o takot tayo sa innovation—nasanay na tayo sa kung ano ang laging ginagawa.
📖 Sabi nga ni Lord, 'And no one puts new wine into old wineskins' (Matthew 9:17).
☝️Kaya’t let’s embrace innovation nang may tapang, while staying rooted in Scripture, para kayanin natin ang ‘New Wine’ ng mission na binigay sa atin at hindi tayo mapag-iwanan.

04/11/2024

✍️ "Telling the Truth: Not Everyone Will Like It"

📖 Galacia 4:16, "Ngayon, ituturing ba ninyo akong kaaway dahil sa sinasabi ko sa inyo ang katotohanan?"

🗣️

Alam niyo ba, mga KaBrad, hindi lahat ng tao ay matutuwa kapag sinasabi natin ang katotohanan. Yes, truth can set us free (John 8:32), pero minsan, it can also set others off. Kung may kilala kayong tao na hindi kumportable sa katotohanan, malamang may experience na kayo ng ganito.

Kung tutuusin, si Jesus mismo ang perfect example. Siya ang 'Truth' personified (John 14:6), pero ilang beses ba Siyang binalingan ng galit, diba? May mga taong hindi kinaya ang Kanyang mga sinabi kasi nga, na-expose sila.
Nabanggit nga ni Paul sa Galacia 4:16, "Ngayon, ituturing ba ninyo akong kaaway dahil sa sinasabi ko sa inyo ang katotohanan?"
😆Oh diba, classic moment 'yan na para bang sinasabi niya, "Dahil ba sinabi ko ang totoo, eh kaaway na kita ngayon?"

Sa panahon ngayon, minsan kahit kaibigan mo pa, kapag sinabi mo ang totoo, pwedeng maging awkward o magalit. Biro mo, minsan pa nga, baka ma-block ka pa sa social media!
☝️Pero tandaan, it's better to be honest in love than to sugarcoat a lie. Minsan, may opportunity tayong maging tagapagpaalala sa iba – at hindi lahat ng reminders ay welcome.

Kung nakakaranas ka ng tension sa pagsasabi ng katotohanan, huwag kang masiraan ng loob. Minsan, magagalit sila sa umpisa, pero malamang, baka balang araw marealize nila na 'yung katotohanan ang nagbigay sa kanila ng bagong perspective. And even if that never happens, tandaan mo: 😇pleasing people is not our mission; being faithful to God's truth is.

29/10/2024

✍️Renewed Strength: Strength that Comes from Above.

📖 Isaiah 40:31 But those who hope in the LORD will find new strength. They will soar high on wings like eagles. They will run and not grow weary. They will walk and not faint.

🗣️
Alam mo yung feeling na pagod ka na, pero kailangan pa rin magpatuloy? Maraming beses na parang low-batt na tayo. Minsan, pakiramdam mo, wala nang natira. Tapos makikita mo sa Bible yung verse na, “But those who hope in the Lord will renew their strength.” Sa Tagalog, yung "pag-asa sa Diyos" ang nagbibigay ng lakas na bago.

🤔Pero paano ba talaga 'to?

🦸Minsan iniisip natin na kailangan nating maging superhuman para magpatuloy, pero ang totoo, hindi tayo tinawag na maging superhuman kundi Super Dependent sa Panginoon. Kasi yung lakas natin, sabi nga ni Isaiah, hindi galing sa kung ano ang kaya nating gawin, kundi sa kung sino ang pinanghahawakan natin.

✔️ Kailangan Muna Umamin na Pagod Ka.
Minsan, nahihiya tayong aminin na pagod na tayo. Feeling natin na kapag inamin natin, para na rin tayong sumuko. Pero ang totoo, sa Diyos, ang pag-amin ng pagod ay hindi sign ng kahinaan, kundi ng wisdom. Kapag sinabi mo, "Lord, pagod na ako," binibigyan mo Siya ng pagkakataong magtrabaho sa sitwasyon mo. Sabi nga sa Psalm 28:7, "The Lord is my strength and my shield." So hayaan mo Siya maging shield mo.

✔️ Mag-recharge sa Tamang Source.
Tulad ng phone natin, may tamang charger lang na para doon, 'di ba? Hindi pwedeng isaksak sa kahit saan. Ganun din ang lakas natin; hindi natin ito makukuha sa ibang bagay na akala natin ay pampatanggal ng stress tulad ng pag-binge-watch ng Netflix o scrolling ng TikTok (aminin!). Ang tunay na recharge ay nangyayari sa presence ni Lord. Kaya naman sabi sa Matthew 11:28, "Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest."

✔️ Accept na Hindi Mo Kayang Mag-isa.
Aminin, minsan kasi gusto natin ng “Ako na lang!” attitude. Pero God calls us to renew our strength by relying on Him and His people. Napakalaking tulong ng accountability at fellowship. Minsan, nakukuha natin yung strength mula sa ibang believers na nagbibigay ng encouragement at prayers. Sabi nga sa Ecclesiastes 4:9-10, "Two are better than one... If either of them falls down, one can help the other up." Kaya ang lakas mo, hindi lang galing kay Lord, kundi sa mga taong pinagkaloob Niya para damayan ka.

✔️ Focus sa Purpose mo, Hindi sa Pagod mo.
Alam mo, kung lagi kang nakatingin sa pagod, malamang pagod ka nga lagi. Pero kapag ang focus mo ay sa purpose ng Panginoon para sa buhay mo, kahit may pagod, may sense of joy at renewed strength. Kasi pag naka-focus ka sa kung ano yung gusto ni Lord na gawin mo, hindi ka agad-agad susuko kahit may konting hinga-hinga moments.

☝️Bago matapos ang araw, subukan mong gumugol ng oras para ipagtapat sa Diyos ang nararamdaman mong pagod, recharge sa tamang Source, at makipag-connect sa mga kapwa mo mananampalataya para magpalakasan.
Tapos tanungin mo, "Lord, saan mo ako gustong mag-focus?" Hindi mo kailangan magpanggap na malakas ka palagi, dahil ang Panginoon ang magbibigay ng tunay na lakas.


Sa dulo ng lahat, renewed strength ay hindi magic. It’s a daily decision to rely on God at hayaan Siyang mag-recharge sa atin sa tamang paraan. Kaya next time na pakiramdam mo parang low-bat ka na, tandaan, hindi ka nag-iisa. Kay Lord, may powerbank ka palagi.

26/10/2024

19/10/2024

✍️ Living with Purpose
📖 Ephesians 2:10
“For we are God’s handiwork, created in Christ Jesus to do good works, which God prepared in advance for us to do.” (Ephesians 2:10, NIV)

🗣️

Alam mo ba na may purpose ka sa buhay? Minsan, ang tanong natin sa sarili natin is, "Ano bang silbi ko?" Napakabilis ng takbo ng mundo, and sometimes we get lost. Pero God has already prepared a purpose for us—something good, something fulfilling. Kaya 'wag nating sayangin ang oras sa mga bagay na walang eternal value.

I. You Are God’s Masterpiece (Tayo’y obra maestra ng Diyos)
📖“For we are God’s handiwork…” (Ephesians 2:10, NIV)
Una sa lahat, tandaan mo na hindi ka aksidente. You are a masterpiece. Minsan sa buhay, we feel like walang halaga ang ginagawa natin, pero sa mata ng Diyos, valuable ka. Sabi sa Psalm 139:14, “I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well.” Kung alam mo na ikaw ay carefully crafted ng Diyos, hindi ka basta-basta. You have a divine design.

☝️ Kung si God mismo ang gumawa sa’yo, why compare yourself to others? Stop thinking na mas magaling sila, mas maganda buhay nila. Focus on the fact na may specific role ka sa buhay na iba sa kanila. You have your own lane, run in it with confidence.

II. Created for Good Works (Nilalang upang gumawa ng mabuti)
📖“…created in Christ Jesus to do good works…”* (Ephesians 2:10, NIV)
Hindi lang tayo nandito para mag-survive. God created us in Christ Jesus—meaning, because of our relationship with Christ, we are empowered to do good. Sabi rin sa 2 Corinthians 5:17, “Therefore, if anyone is in Christ, the new creation has come: The old has gone, the new is here!” Hindi ito yung mabuti lang sa tingin ng mundo, kundi yung mabuti in the eyes of God. It’s not just about being a “good person,” it’s about fulfilling a mission.

☝️ Baka iniisip mo, paano ko magagawa ang good works na to? Simple lang—serve others. Look around you. Sa office, sa school, sa bahay—look for opportunities to do good. Hindi ito laging malalaki; minsan, it’s just about small acts of kindness. Tulungan mo ang co-worker mo, be patient with your parents, be generous. These are the kinds of works na napakahalaga sa Diyos.

III. Your Purpose is Pre-Planned (Ang plano ng Diyos sa’yo ay matagal nang nakahanda)
📖“…which God prepared in advance for us to do.”* (Ephesians 2:10, NIV)
Alam mo ba na bago ka pa ipanganak, alam na ng Diyos ang purpose mo? Sabi sa Bible, He prepared it in advance. Sabi sa Jeremiah 29:11, “For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” Hindi ka pa tao, may plano na si God sa buhay mo. Isn’t that amazing? He knows your potential.

Kaso, minsan kasi hindi natin siniseryoso to. We make our own plans. Pero ang tanong, have we ever asked God what He wants? His purpose for you might be different from what you thought, but remember, He sees the bigger picture.

☝️ Pray for guidance. Kung naliligaw ka or unsure ka sa career, sa relationships, or sa buhay in general, ask God to reveal His purpose for you. Sabi sa Proverbs 3:5-6, “Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to Him, and He will make your paths straight.” Hindi too late to realign.
At kung nararamdaman mong malayo ka sa purpose mo, it’s okay. You can always start where you are and let God lead the way.



KaBrad, hindi sayang ang buhay na binigay sa atin ng Diyos. You are His masterpiece, created for good works, and He already prepared a unique purpose for you. Huwag mong sayangin ang oras, at huwag kang malito sa layunin mo. Seek God’s purpose and live it out every day. It’s not going to be easy, pero with God, lahat posible.

🙏Closing Prayer:
Lord, salamat po dahil You created us with a purpose. Help us discover and live out that purpose daily. Bigyan Niyo kami ng wisdom and strength to do good works and to glorify You in everything we do. Amen.

18/10/2024

🧠Wisdom Bites: Light Thoughts. Lasting Wisdom.

🗣️ (Katotohanang Hinagod ng Makating Utak ni Brad Law ©️)

Alam mo ‘yung kasabihan na, “Tell me who your friends are, and I’ll tell you who you are?” Kung sa tingin mo, hindi ka naaapektuhan ng mga kasama mo, baka kailangan mong magmuni-muni. Minsan, iniisip natin na hindi tayo napapasama o nagbabago dahil lang sa mga taong nakapaligid sa atin. Pero ang totoo, malaking impluwensiya nila sa buhay mo—sa iniisip mo, sa ugali mo, pati na rin sa mga desisyon mo. Kaya kung sa tingin mo immune ka, baka panahon na para mag-check kung anong epekto talaga ng mga relationships mo. Baka hindi mo napapansin, pero unti-unti ka na ring nagiging katulad nila.
📖Kasi, ang totoo, bad company corrupts good character. Sabi nga sa 1 Corinthians 15:33, ‘wag ka daw magpaloko—kahit gaano ka pa kabait, kapag toxic ang mga kasama mo, baka mapansin mo na lang, nagiging ikaw na rin si toxic.

Now, hindi ibig sabihin nito na maging snob ka na at mag-unfriend ng lahat. Hindi ito “cancel culture,” besh. Pero importante na maging intentional ka sa mga taong nakapaligid sa 'yo. Kung ang mga kasama mo ay laging nagko-complain, puro negative vibes, o ang favorite pastime nila ay chismis, natural na madadala ka rin. Pero kung ang squad mo ay supportive, nagpapalakas ng loob mo, at tinutulungan kang maging mas mabuting tao, ay naku, jackpot ka na!

Lesson 1: Elevation demands separation. Oo, bes, minsan kailangan mo talagang i-assess ang mga relationships mo. Sino ba ang nagbibigay ng joy sa 'yo, at sino naman ang nagdadala ng stress? Kung after ng hangout feeling mo drained na drained ka, baka sign na 'yun. Kailangan mo na yatang mag-let go. Kung kailangan, wag kang mag-alinlangan na magkaroon ng kaunting distansya (pwedeng magpahinga muna o maglimit ng interactions).
Hindi mo naman kailangan maging rude, pero you can't soar like an eagle kung lagi kang kasama ng mga turkeys (hala, sorry turkeys!).

Lesson 2: Good relationships bring growth. Hindi mo kailangan ng malaking barkada. Minsan ang quality over quantity, 'yan ang sikreto. Hanapin mo yung mga tao na hindi lang cheerleader mo, pero kaya ka ring i-correct nang may love. Yung tipong kapag mali ka, sasabihin nila nang direcho pero maayos: “Brad, parang off 'yan ah. Ayusin mo lang, kaya mo ‘yan!” At hindi ‘yung, “Wala ka na talagang pag-asa.”

Lesson 3: Wag puro yes-men ang barkada mo. Ito pa isang sign na kailangan mong tingnan. Kung napapansin mo na lahat ng kaibigan mo, sang-ayon na lang sa lahat ng gusto mo, kahit biblically at morally questionable na, aba, red flag ‘yan, KaBrad! Kung mali na ang mga desisyon o ginagawa mo pero wala pa ring kumokontra, baka hindi ka na tinutulungan maging mas mabuting tao—baka enabler na sila.

At kung kaya mo nang i-manipulate ang barkada mo para sumunod lang sa gusto mo, kahit alam mong mali na, kailangan mo nang mag-reflect. Hindi tunay na friendship 'yan. Dapat may mga tao ka sa paligid mo na willing kang i-call out kapag lumilihis ka na. Kung ikaw lang palagi ang tama sa grupo nyo, baka ikaw na ang nagiging toxic.

Lesson 4: Choose your vibe. Sa totoo lang, energy mo 'yan eh. Kung gusto mong maging masaya, maghanap ka ng mga taong masayahin. Kung gusto mo ng growth, surround yourself with KaBrad who inspire you. Ikaw ang responsible sa access na binibigay mo sa buhay mo. Kung gusto mong umabot sa destiny mo, iwas-iwas ka sa mga taong dinadala ka palayo.

Sabi nga, birds of a feather flock together. Kaya 'wag kang magtaka kung bigla nang bumababa ang vibes mo—baka kasi puro Nega Birds ang kasama mo.
☝️Kaya KaBrad, time to take inventory. Iwas toxic, embrace positive. Be with KaBrad who push you to become the best version of yourself!

15/10/2024

🗣️

Laging may tanong na, "Kamusta ang church mo? Ilan na ba kayo?" Parang laging sukatan ng "success" sa church ay kung gaano karami ang umaattend. Pero ang tanong ko: Talaga bang numbers lang ba ang basehan ng growth?

Pwedeng oo, pero teka lang, hindi ganun kasimple. Sa totoo lang, nung panahon ng mga apostol, ang sistema ng church ay house churches—maliit na grupo pero sobrang epektibo sa pag-evangelize.
Bakit?
Dahil hindi lang paramihan ang basehan. Mas mabilis kumalat ang gospel noon dahil sa mas malalim at personal na approach ng mga miyembro sa isa't isa.

📖🔙 Back to the Bible tayo
Sabi sa Acts 2:42-47, nung unang panahon, ang church dumami hindi lang dahil sa dami ng dumadalo, kundi dahil sa lalim ng kanilang relasyon sa Diyos at sa isa’t isa.
☝️They devoted themselves to the apostles' teaching, fellowship, breaking of bread, and prayer.
Simple, pero powerful. Hindi nila kinailangan ng malalaking bulwagan o magarbong programa para mag-grow. Nagkikita sila sa bahay, kumakain, nagpe-pray, at nag-aaral ng salita ng Diyos.

🤔Ang tanong, paano tayo ngayon?
Sa laki ng ating mga church buildings, lumalim na ba ang ating pananampalataya? O baka naman ang habol lang natin ay paramihan ng attendance tuwing Linggo?

🔥Maliit, Pero Matindi Kung titignan mo ang mga house churches noong unang siglo, makikita mo na hindi sila umaasa sa dami ng tao para sukatin ang success. Bagkus, ang tinitignan nila ay ang pag-transform ng mga buhay ng bawat isa. Sa maliit na grupo, mas may personal na discipleship. Ang bawat isa ay accountable at kayang gabayan ng mga leader. Kaya nga, sa ganitong setup, mas mabilis at epektibo ang evangelism dahil mas intentional ang pagtuturo at pagmamahal sa isa't isa.

📖 Tulad ng sabi ni Jesus sa Matthew 18:20, "For where two or three are gathered in my name, there am I with them."
Hindi numbers ang basehan ng presensya ni Cristo, kundi ang lalim ng pagsasama ng mga taong nagtitipon sa Kanyang pangalan.

House Church vs. Mega Church
Hindi masama na dumami ang ating congregation, pero kung paramihan lang ng tao ang goal natin, baka maging religious club lang tayo, hindi na church😁
Ang tunay na church growth ay hindi lang nakikita sa dami ng upuan na napupuno, kundi sa dami ng pusong nagbabago at nagiging matapat na tagasunod ni Cristo. Kaya nga, ang tanong: Kung nasa bahay lang tayo, at sampu lang ang umaattend pero lahat ay passionate kay Jesus, hindi ba’t successful na rin iyon?

✔️Ang tunay na sukatan ng church growth ay hindi lang sa dami ng tao kundi sa lalim ng pananampalataya at buhay na nababago. Discipling people takes time, effort, and personal relationships—hindi yan masasagot ng attendance sheet.
🤔Ang tanong: Ilan sa mga miyembro natin ang talagang lumalakad kasama ni Cristo sa pang-araw-araw nilang buhay?

Masarap Magtipon, Pero Huwag Limutin ang Misyon.
Minsan, nakakatuwang makita na marami ang umaattend ng church, pero mas masarap makita na bawat isa sa kanila ay buhay at kumikilos para sa mission ni Cristo.
Kaya kung masaya ka sa paramihan lang ng tao, baka kailangan mo ng konting heart check, KaBrad.
Balik tayo sa basic—small, intentional, house church gatherings, gaya ng sistema noong panahon ng mga apostol.

13/10/2024

"God’s plan is not just about giving you a bright future, but shaping you along the way. Trust the journey, not just the destination."
🗣️

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


2461 Coral Street San Andres Bukid
Manila