Philippine Normal University

PNU is a specialized state university recognized by law as the National Center for Teacher Education.

Operating as usual

08/08/2024

Ipinaaabot ng komunidad ng Pamantasang Normal ng Pilipinas ang maalab nitong pagbati para kay Dr. Anthony M. Penaso, Pangulo ng Bohol Island State University, sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong Tagapangulo ng Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines.

Padayon, Dr. Penaso!

08/08/2024

The National Network of Normal Schools extends its warmest greetings to Dr. Shirley C. Agrupis for her appointment as Commissioner of the Commission on Higher Education.

With Dr. Agrupisโ€™ exemplary leadership and dedication to advancing education, we are confident that she will continue to inspire positive change and contribute in elevating the higher education landscape of our country.

Your 3NS family wishes you success as you embark on this new journey.

Photos from Philippine Normal University's post 08/08/2024

๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—ก๐—จ: ๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ก๐—จ, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ผ๐—ฟ ๐—Ÿ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฒ

Isinagawa ng Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) ang kauna-unahan nitong internasyonal na gawaing pang-ekstensyon sa Fundaรงรฃo Educacional Salesiana sa Timor Leste noong ika-23 hanggang ika-26 ng Hulyo taong 2024. Ang gawaing pang-ekstensyon na ito ay isang pagsasanay sa Pamumuno at Pamamahala sa Edukasyon (Educational Leadership at Management).

Ang delegasyon mula sa PNU ay binubuo ng Direktor ng Tanggapan ng Pakikipag-ugnayang Pangkomunidad at Ekstensyon (CPEO) at Lider ng Proyekto, Prop. Eisha Vienna M. Fernandez, Koordineytor para sa Programang Pamamahalang Pang-Edukasyon ng Kolehiyo ng Nangungunang Pag-aaral (CAS) at siyang nagsilbing Pangunahing Tagapagsanay, Dr. Gilbert S. Arrieta, at ang Direktor ng Tanggapan ng Pamamahala ng Kaalaman at Istratihikong Pagtingin (KMSFO) na nagsilbi rin bilang Session Facilitator, Dr. Marivilla Lydia B. Aggarao.

Ang gawaing ito ay hindi lamang isang pagsasanay kundi isang paglalakbay patungo sa mas mataas na antas ng pamumuno at pamamahala sa edukasyon. Sa ilalim ng masusing gabay ng mga eksperto mula sa PNU, ang mga namamahala sa paaralan, g**o, at mag-aaral ng Fundaรงรฃo Educacional Salesiana ay nakatanggap ng mga kaalaman ukol sa makabago at epektibong pamamaraan sa pamumuno at pamamahala ng paaralan.

Sa pagtatapos ng gawain, ang mga kalahok ay higit na naging handa sa pagharap sa mga hamon ng kani-kanilang mga paaralan gamit ang mga bagong kaalaman at nabuong koneksyon.

Ang unang internasyonal na pagsasanay na ito ng PNU ay nagsilbing tulay sa lalo pang pagpapalawak ng impluwensya ng PNU sa pandaigdigang larangan ng edukasyon. Ang makabagong pamamaraang ito sa pamumuno at pamamahala ay nagbukas ng bagong pagkakataon para sa mas malalim na pakikipagtulungan sa iba pang pandaigdigang institusyon.

07/08/2024

Nakikiisa ang Pamantasang Normal ng Pilipinas sa pagdiriwang ng ika-57 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN. Ngayong taon, ang pang-rehiyong pagdiriwang ay may kaakibat na temang โ€œConnected & Resilient Communityโ€.

Patuloy tayong umagapay sa pagtataguyod ng isang matatag na rehiyon na may masiglang ekonomiya, bukas at malinaw na ugnayan, at nagkakaisang mga mamamayan.

Ang PNU ay itinalagang permanent secretariat ng Association of Southeast Asian Teacher Education Network o AsTEN, isang organisasyon sa ilalim ng ASEAN.

Photos from Philippine Normal University's post 06/08/2024

Idinaos kahapon, ika-5 ng Agosto, ang ika-51 Seremonya ng Pagtatapos ng Pamantasang Normal ng Pilipinas Visayas. Sa nasabing seremonya, na ginanap sa Cadiz Arena sa Lungsod ng Cadiz, Negros Occidental, pormal na iginawad sa 206 na nagsipagtapos ang kani-kanilang digri.

Dumalo sa seremonya ang Pangulo ng Pamantasan na si Dr. Bert J. Tuga kasama ang Pangalawang Pangulo para sa Pananalapi at Pamamahala, Dr. Lordinio A. Vergara. Nandoon din ang Katuwang na Dekano ng Fakulti ng Batayang Edukasyon at Pagkatuto sa Karanasan, Dr. Darryl Roy T. Montebon na siyang nagsilbing panauhing pandangal at tagapagsalita sa naunang programang Gawad Parangal.

Ibinahagi sa nasabing programa ang espesyal na mensahe ng Tagapangulo ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED), Dr. J. Prospero E. De Vera III.

Ngayon taon, ang panauhing pandangal at susing tagapagsalita para sa Seremonya ng Pagtatapos ay ang Komisyoner ng CHED at ang itinalagang tagapangulo ng Lupon ng mga Rehente ng PNU, Dr. Ethel Agnes P. Valenzuela. Sa kanyang mensahe, kinilala ni Komisyoner Valenzuela ang naging katatagan ng mga nagsipagtapos upang mapagtagumpayan nila ang mga nagdaang pagsubok sa kanilang pag-aaral, lalo na ang COVID-19 pandemic. Aniya, โ€œtagumpay ninyo ito, tagumpay ng mga magulang ninyo, at tagumpay ng bawat komunidad na nagtulong-tulong upang makarating kayo sa araw na itoโ€.

Ang PNU Visayas, na kilala bilang ๐˜Œ๐˜ฏ๐˜ท๐˜ช๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜Ž๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜›๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜จ๐˜บ ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜๐˜ถ๐˜ฃ ng PNU, ay pinamumunuan ng kanilang Ehekutibong Direktor at Provost, Dr. Ralger D. Jocson Jr.

Photos from Philippine Normal University's post 05/08/2024

๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—ก๐—จ: ๐—ฃ๐—ก๐—จ ๐—”๐—ฐ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ฐ ๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ, ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜€

Matagumpay na idinaos ng Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) ang taunang Academic Summit mula ika-29 hanggang ika-31 ng Hulyo 2024 sa Club Balai Isabel, Talisay, Batangas, na may temang โ€œCalibrate, Consolidate, and Celebrate Academic Plans of PNU.โ€ Layon ng nasabing pagtitipon na masuri, maiayos, at mapagtugma ang ibaโ€™t-ibang plano, patakaran, at prosesong pang-akademiko ng PNU sa taong kasalukuyan.

Sa pangunguna ng Pangalawang Pangulong Pang-akademiko na si Dr. Marilyn U. Balagtas, ang Summit ay dinaluhan din ng Pangulo ng Pamantasan na si Dr. Bert J. Tuga, at ng mga Pangalawang Pangulo na sina Dr. Teresita T. Rungduin, Pangalawang Pangulo para sa Pananaliksik, Ekstensyon, at Katiyakang Kalikad, Dr. Lordinio A. Vergara, Pangalawang Pangulo para sa Pananalapi at Pamamahala, at Dr. Denmark L. Yonson, Pangalawang Pangulo para sa Tagumpay ng Mag-aaral at Serbisyong Pampamantasan. Lumahok din ang mga Ehekutibong Direktor at Provost ng mga kampus, mga piling opisyal, mga kaguruan, at mga kawani ng tanggapang pang-akademiko ng pamantasan.

Ang unang bahagi ng programa ay nagsilbing plataporma upang siyasatin ang mga nakamit ng pamantasan sa pang-akademikong larangan at talakayin ang darating na pagbubukas ng bagong taong panuruan. Sinundan ito ng pagtatakda ng direksyon ng mga pang-akademikong opisina ng PNU Maynila at iba pang mga kampus ng pamantasan. Ang natirang bahagi ng araw ay natuon sa pagdiriwang ng mga nakamit ng PNU para sa Adjustment, Refinement, and Calibration (ARC) ng mga programang pangkurikulum, ang Institutionalization ng Kaway-Aralan sa Bagong Kadawyan (IKBK), ang Learning Outcomes Assessment Plan (LOAP), at Continuous Quality Improvement (CQI).

Sa sumunod na araw, isinagawa ang mga serye ng mga workshop upang talakayin ang mga mahahalagang paksa na kinakailangan ng masusing deliberasyon. Pinamunuan ang mga workshop ng mga opisyal pang-akademiko. Ginamit ng mga dumalo ang pagkakataon na pag-usapan ang pagsasaayos ng programa at paraan ng paghatid ng mga kurso para sa susunod na akademikong termino, pagsusuri ng bagong pormat o balangkas ng silabus at ang kaakibat nitong proseso ng pag-arkayb, mga rekomendasyon sa mga polisiya ng pamantasan ukol sa admisyon, pagtugon sa mga kasanayan sa pagtataya at ebalwasyon sa karunungan ng mga mag-aaral bago at matapos mag-aral sa PNU, at pagmapa ng kaguruan mula sa Kolehiyo ng Nangungunang Pag-aaral o College of Advanced Studies (CAS) tungo sa Kolehiyo ng Pagpapaunlad Pangg**o o College of Teacher Development (CTD) alinsunod sa panibagong istraktura ng organisasyon ng pamantasan.

Ang ikatlong araw ang siyang naglunsad ng ikalawang bahagi ng summit, kung saan higit na marami ang miyembro ng kaguruan ang dumalo. Sa mensahe ni Pangulong Tuga, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng trabahong ginagampanan ng bawat isa. Isinaad din niya na ang mga narebisa at bagong programang ipatutupad ay ang magsisilbing daan tungo sa patuloy na pag-unlad ng pamantasan sa kanyang larangan.

Ang mga naging diskusyon at kasunduan mula sa una at pangalawang araw ng summit ay ibinahagi sa mga bagong lahok. Bukod pa rito, si Dr. Merimme T. Siena, Direktor ng Tanggapan ng Gawain at Serbisyong Pangmag-aaral, ay nagbahagi ng mga plano ng kanilang opisina para sa mga estudyante ng PNU, na sinundan ng Learning & Development Plan para sa mga kaguruan at kawani na pinangunahan ni Direktor Maribel Gerundio ng Tanggapan ng Pamamahala at Paglinang ng mga Kawani.

Photos from Philippine Normal University's post 02/08/2024

๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—ก๐—จ: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ด๐—ฎ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น ๐—ง๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ป๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ด๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜๐˜†

Ngayong araw, ika-2 ng Agosto 2024, dumalo sa Cuneta Astrodome, sa Lungsod ng Pasay, si Dr. Bert J. Tuga, Pangulo ng Pamantasang Normal ng Pilipinas bilang Panauhing Tagapagsalita sa ika-53 Seremonya ng Pagtatapos ng mga mag-aaral ng Rizal Technological University na may temang, โ€œEmpowering Generations of Tomorrow: Fostering Sustainable Education through Technology-driven Innovation and Transformation.โ€

Nasa 812 ang mga nagsipagtapos na mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Pangangalakal, Pagnenegosyo, at Accountancy (College of Business, Entrepreneurship, and Accountancy), at mula sa Kolehiyo ng Edukasyon (College of Education).

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Dr. Tuga ang kahalagahan ng 5Psโ€”People, Planet, Prosperity, Peace, at Partnerships, na kumakatawan sa pundasyon ng isinulong na programa ng United Nations Sustainable Development Goals 2030 Agenda noong taong 2015.

Hinikayat din ni Dr. Tuga ang mga nagsipagtapos na pakaisipin at balansehin ang kanilang relasyon sa: isaโ€™t isa (each other), sa planeta (planet), at sa teknolohiya (technology), na siyang tuon ng UNESCO noon 2021 sa kanilang lathalain na pinamagatang โ€œReimagining our Futures Together: A New Social Contract for Education.

Pinaalalahanan din ni Dr. Tuga ang mga nagsipagtapos na ang kanilang natamong edukasyon o digri ay higit pa sa isang personal na tagumpay. Bagkus, ito ay isang responsibilidadโ€”na gamitin ang kanilang mga kaalaman, kasanayan, at kapangyarihan upang magdulot ng pagbabago sa kanilang mga komunidad, organisasyon, at sa lipunan. Upang maisagawa ito, ibinahagi ni Pangulong Tuga ang tatlong mahahalagang konsepto sa mga nagsipagtaposโ€”Pananaliksik (Research), Pamumuno (Leadership), at Serbisyo (Service) na maaaring magsilbing gabay sa mga tatahakin nilang landas.

Sa huling bahagi ng kanyang talumpati, ibinahagi ni Dr. Tuga ang winika ni G*t Jose Rizal ukol sa mahalagang papel ng mga kabataan bilang pag-asa ng bayan.

02/08/2024

Dinaluhan ng mga piling miyembro ng fakulti ng PNU ang ika-15 International Congress on Mathematics Education na isinagawa noong ika-7 hanggang ika -14 ng Hulyo, taong kasalukuyan sa Sydney, Australia. Kabilang ang Dekana ng Kolehiyo ng Pagpapaunlad Pangg**o, Dr. Gladys C. Nivera at Kawaksing Dekano ng Kolehiyo ng Nangugunang Pag-aaral, Dr. Levi E. Elipane, sa humigit 2,000 na mga g**o at mananaliksik na dumalo sa nasabing pagtitipon upang talakayin ang mga naging pag-unlad sa larangan ng pagtuturo ng Matematika.

Ibinahagi ni Dr. Nivera, na isa ring g**o ng Matematika mula sa Fakulti ng Agham, Teknolohiya at Matematika ng PNU, ang resulta ng pananaliksik kasama ang University of Michigan GripLab ukol sa propesyunal na pag-unlad ng mga g**ong kasalukuyang nasa larangan ng pagtuturo. Sa pag-aaral na ito, nagsilbing mga tagatugon ang mga g**o ng Matematika sa pansekondaryang antas mula sa Estados Unidos, India, South Africa, Bulgaria, at Pilipinas.

Samantala, si Dr. Elipane naman ay nagsilbing kapwa-tagapangulo ng pagtitipon ukol sa edukasyon ng mga nagsasanay na g**o ng Matematika sa pansekondaryang antas o secondary Mathematics pre-service teachers. Ang nasabing pagtitipon ay nagbigay ng pagkakataon para sa talakayan ukol sa mga resulta ng mga nagawang pananaliksik, paglalapat ng mga teorya, at pagsasanay sa larangan ng pagtuturo ng Matematika sa pansekondaryang antas. Kinilala din sa pagpupulong ang ambag ng ibaโ€™t-ibang pandaidigang pananaw sa pagpapaunlad ng nasabing larangan.

Dumalo rin sina Dr. Nivera at Dr. Elipane sa iba pang mga gawain at pagpupulong upang mapalakas pa ang pakikipag-ugnayan ng PNU sa ibang institusyon ng lalong mataas na pagkatuto mula sa ibaโ€™t-ibang panig ng daigdig.

02/08/2024

Naging kinatawan ng Pamantasang Normal ng Pilipinas sa katatapos pa lamang na unang bahagi ng DIES International Deansโ€™ Course Southeast Asia 2024-2025 noong ika-24 ng Hunyo hanggang ika-5 ng Hulyo, 2024 ang Ehekutibong Direktor at Provost ng PNU Timog Luzon, Dr. Leah Amor S. Cortez at ang Dekana ng Kolehiyo ng Pagpapaunlad Pangg**o, Dr. Gladys C. Nivera. Ang pandaigdigang pagtitipong ito ay isinagawa sa Osnabrรผck at Berlin sa Germany.

Ang International Deansโ€™ Course Southeast Asia ay isang masusing pagsasanay para sa mga gitnang tagapamahala sa mga institusyon sa lalong mataas na edukasyon o middle managers in higher education institutions upang sila ay ihanda para sa mga hamon na kaakibat nang mabilis na pagbabago sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto.

Si Dr. Cortez ay napili bilang isa sa 28 kapitapitagang pinuno mula sa mga institusyong pang-edukasyon sa Timog-Silangang Asya. Siya ay nagsimula na sumailalim sa pagsasanay sa ibaโ€™t-ibang mga paksa tulad ng istratihikong pamamahala ng fakulti, pamamahalang pinansyal, pagsisig**o ng katiyakang kalidad, at pamumuno. Lumahok si Dr. Cortez sa ibaโ€™t-ibang panayam, pag-aaral ng mga halimbawang kaso, konsultasyon sa kapwa, interbyu ukol sa pamumuno, at pagbisita sa unibersidad. Sa mga gawaing ito, nagkaroon din ng oportunidad sina Dr. Cortez at mga kasama na makipagpalitan ng mga gawaing pangkultura.

Samantala, si Dr. Nivera naman ay nagsilbi bilang isa sa mga ekspertong panrehiyon bilang tagapayo sa mga kalahok ng nasabing pagsasanay upang mapagtagumpayan nila ang mga planong gawain sa pagpapaunlad ng kani-kanilang institusyon.

Inaasahan na sina Dr. Cortez at Dr. Nivera ay magiging kasapi ng ikalawang bahagi ng pagsasanay na gaganapin sa darating na Nobyembre sa pamamagitan ng platapormang online at ang ikatlong bahagi na gaganapin sa Pebrero 2025 sa Hanoi, Vietnam.

01/08/2024

Get to know more about our featured Alumni Trailblazer for August 2024: Mr. Tito M. Tejada.

Mr. Tito M. Tejada is a distinguished professional with significant achievements in both education and financial management. Due to his robust academic foundation, he embodies dedication, versatility, and leadership. Mr. Tejada earned a Bachelor of Science in Elementary Education from the Philippine Normal College in 1970, followed by a Bachelor of Science in Accounting from Far Eastern University in 1980. His commitment to further education is evidenced by his Master of Arts in Administration and Supervision, equipping him with essential leadership skills.

In his diverse career, Mr. Tejada has held pivotal roles. In education, he has influenced numerous students and colleagues, fostering a culture of learning and development. His financial management experience includes positions such as Assistant Controller at The Westin Stamford Hotel, Controller at Sheraton Tara Hyannis Hotel and Sheraton Waterbury Hotel, and Regional Controller at Shelton and Norwalk Hilton. His leadership was further recognized in his roles as Director of Finance at Algonquin Marriott Hotel and Acting General Manager.

Mr. Tejadaโ€™s contributions have been acknowledged through several prestigious awards. These include Intermediate Teacher of the Year from Kapisanan ng mga Magulang, G**o, at Pamayanan ng Tondo, Employee of the Year at Sheraton Stamford Hotel, and Manager of the Year at The Westin Stamford Hotel. His community recognitions include Outstanding Aklanon awards from the Aklan Association of Eastern Seaboard and the Kalibo Ati-Atihan Association in New York City, as well as a Couple Awardee at the Philippine Normal University Alumni Homecoming.

Overall, Mr. Tito M. Tejada continues to exemplify excellence in his professional endeavors. His diverse expertise and unwavering commitment to both education and financial management serve as an inspiration to future generations, demonstrating the impact one individual can have across multiple fields.

01/08/2024

Philippine Normal University remains in the Top 100 of the latest Webometrics Ranking of World Universities.

In the July 2024 installment of the Webometrics, PNU, known as the National Center for Teacher Education, took the 59th spot in the ranking of Philippine Higher Education Institutions. Likewise, PNU also secured the 7340th spot in the list of best universities across the globe.

This world ranking takes into account the volume of web materials being made available by an institution and how it is frequently seen and used by other consumers on the internet. It focuses on the criteria of impact, openness, and excellence.

01/08/2024

As a testament to the universityโ€™s primary role as the National Center for Teacher Education, the Philippine Normal University (PNU) hosted a leadership immersion and benchmarking activity for the member institutions of the Association of Local Colleges and Universities (ALCU) on July 27, 2024.

Attended by delegates and officials from various Local Universities and Colleges (LUCs) across the country, the benchmarking activity aimed to impart PNUโ€™s valuable insights and best practices on curriculum, academic programs and student performance, research and publication innovations, quality assurance, internationalization and partnerships, and community extension and advocacy to ALCU member institutions.

The event commenced with the presentation of PNU's Vision, Mission, Quality Policy, and Strategic Development Plan. PNU President Dr. Bert Tuga delivered the welcome remarks, highlighting how PNU has remained one of the last Normal Universities in the country for 123 years. He also provided a brief overview of the strategies and policies employed in the PNU System regarding curricular offerings, student admission, and building a quality faculty force.

ALCU President Dr. Raymundo P. Arcega, CESE, also gave a special message, expressing his gratitude and reminiscing about his experiences as a former graduate student at PNU. He emphasized the relevance of the benchmarking activity, stating that โ€œ[today] was the beginning of understanding what we did well as an LUC and what we should have done better.โ€

Officials from PNU gave insightful discussions on their areas of expertise. Curriculum Management and Instructional Materials Office Director Dr. Ruth Alido discussed the process of strengthening PNUโ€™s academic programs and introduced PNUโ€™s new curriculum, TEd Pathways. Vice President for Student Success and Stakeholders Services Dr. Denmark Yonson showcased the five-year Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) performance of PNU Manila from 2017 to 2024.

Vice President of Research, Extension, and Quality Assurance Dr. Teresita Rungduin presented a comprehensive report emphasizing the milestones of the Research Institute for Teacher Quality (RITQ). Lastly, Linkages and International Office Director Professor Bryan Dayuta discussed the internationalization approach of PNU, specifically highlighting the current trends in quality assurance, mobility, and recognition from various international university rankings.

Following the discussion, an open forum took place, revolving around questions regarding PNUโ€™s retention and admission policies, intervention and review offers for LEPT, marketing activities and programs conducted by the PNU Library, curriculum frameworks, and opinions on the latest Program for International Student Assessment (PISA) results.

After the sharing of insights and practices, the benchmarking activity concluded with the exchange of tokens and photo opportunities with PNU and ALCU officials.

01/08/2024

Nakikiisa ang Pamantasang Normal ng Pilipinas sa pagdiriwang ng ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ na may kaakibat na temang ๐˜๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ: ๐˜ž๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข.

Kaugnay ng tema ngayong taon, nawa'y sama-sama nating mapaigting ang gampanin ng Wikang Filipino sa pagsulong ng mga adhikaing magpapaunlad sa bawat isa at sa Pilipinas.

Mabuhay ang Wikang Filipino!

31/07/2024

The Philippine Normal University, through the Student Affairs and Services Office (SASO) and in collaboration with the Graduate Student Council, conducted the Leadership Enhancement and Strategic Planning (LEAP) Workshop for Graduate Level and Capacity Building for Undergraduate Students, themed "Empowering Tomorrow's Leaders: Innovation, Inclusion, Integrity, and Impact," from July 26 to 28, 2024, at Harold's Evotel, Timog Avenue, Quezon City.

The program aimed to design guidelines for conducting activities at both the undergraduate and graduate levels, present and review the constitutions and by-laws of the Graduate Student Council and Seniors Committee, enhance leadership skills, and evaluate administrative processes related to student activities. Additionally, it sought to develop a plan of action, programs, and gender-related proposals with the Line-Item Budget (LIB) for the school year 2024-2025.

The activity was attended both onsite and online by representatives of the University Student Council (USC), The Torch Publications, the Seniors' Committee (SC) for AY 2023-2024 and AY 2024-2025, the Graduate Student Council (GSC), and officers of the 14 Graduate Program-Based Organizations (GPBOs), along with their faculty advisers.

On the first day of the workshop, SASO Director Dr. Merimee T. Siena presented an overview of the Student Affairs and Services Office, highlighting its role and services. Prof. Laarni D. Buenaventura provided guidelines for conducting student activities at both undergraduate and graduate levels. In the afternoon, the Dean of the College of Advanced Studies, Dr. Antriman V. Orleans, oriented the participants on CHED Memorandum Order No. 15, Series of 2019, which focuses on the Policies, Standards, and Guidelines for Graduate Programs. Vice President for Student Success and Stakeholders Services Dr. Denmark L. Yonson assured the participants that his office is always open to help students with their concerns and inquiries. The day concluded with roundtable planning sessions, where each organization set plans and targets for FY 2025. Discussions also covered revisiting constitutions and by-laws and the election of officers for the Graduate Student Council and Seniors Committee 2025.

The second day focused on various talks from PNU professors and administrators aimed at empowering student leaders to strategically plan projects for their organizations. Accounting Unit Head Mr. Ronnie B. Pagal conducted a session on fund management and reporting, including budget proposals, purchase requests, reimbursements, financial reports, and liquidation processes. Supply and Property Unit Head Ms. Jenith M. De Guzman led a session on the procurement process, bidding procedures, and supply request management. The Director of the Gender, Equity, Diversity, and Inclusion Office, Prof. Iona Ofelia B. Zanoria, discussed gender and development education programs and future activities of their office. Prof. Buenaventura presented on extension services and activities for the graduate level. The Director of the Events Management Office, Prof. James V. Bailon, explained the venue reservation process. Director John P. Natividad of the Facilities Management and Sustainability Office covered the equipment and room reservation process. Wrapping up the day of discussions was Linkages and International Office Director Bryan C. Dayuta, who discussed student internationalization opportunities. The day also featured consultations on the revision of guidelines for co-curricular awards for the undergraduate level, while graduate organizations drafted their General Plan of Activities (GPOA) and Line Item Budget (LIB).

During the third day, student organizations presented their outputs. Dr. Yonson, Dr. Siena, and Prof. Buenaventura provided suggestions on their plans and concept papers. The event concluded with an Oath Taking and Commitment Pledge ceremony for the Seniorsโ€™ Committee, The Torch Publications, University Student Council, and Graduate Student Council, led by Dr. Yonson.

31/07/2024

In what is considered a landmark event, the Philippine Normal University (PNU) and Fundaรงรฃo Educacional Salesiana of Timor Leste renewed their partnership with the signing of a Memorandum of Agreement (MOA) on July 24, 2024, at the Don Bosco Comoro, Dili, Timor Leste. This renewed alliance, which dates back to its inception in 2021, underscores the shared commitment of the two institutions to advancing research, academic instruction, and extension initiatives towards elevating educational standards.

The two parties convened to reaffirm their commitment to a partnership that aims to drive forward critical projects and initiatives that bridge academic and cultural divides, fostering a robust exchange of knowledge and resources.

The ceremony was graced by representatives from both institutions. Leading the PNU delegation were Community Partnership and Extension Office (CPEO) Director, Professor Eisha Vienna M. Fernandez; Director of the Knowledge Management and Strategic Foresight Office (KMSFO), Dr. Marivilla Lydia Aggarao; and the Program Coordinator for Educational Leadership and Management of the College of Advanced Studies, Dr. Gilbert Arrieta. Representing Fundaรงรฃo Educacional Salesiana were President Fr. Agnelo E. Jeronimo Moreira, SDB, and the Rector of Don Bosco Higher Institute, Fr. Manuel Pinto Fernandes, SDB. The event also saw the presence of Timor Leste's Higher Education Minister, Sra Filomena Lay, and the Chargรฉ dโ€™Affaires of the Philippine Embassy to Timor Leste, Mr. Dean Jason Arriola.

Assoc. Prof. Fernandez expressed her enthusiasm about the renewed agreement, stating, โ€œThis partnership is a testament to the enduring spirit of collaboration and shared vision between our institutions. Together, we will continue to push the boundaries of academic excellence, innovate in our research endeavors, and extend our reach to serve our communities better.โ€

The ceremony was highlighted by the launch of a training program for school administrators and teachers of Don Bosco Schools in Timor Leste as part of the international extension program of PNU. This aims to improve the quality of education in the region by targeting school and educational management, cascading the effect to the grassroots. Potential projects include joint research focusing on innovative solutions to educational challenges and the development of best practices in teaching and learning. Community outreach programs, professional development courses, and educational workshops will also be rolled out to empower local communities, promote lifelong learning, and drive socio-economic development.

The event also provided a platform for the exchange of ideas and future plans. The attending ministers from Timor Leste and the Philippine Ambassador praised the partnershipโ€™s impact and potential, expressing their full support and commitment to facilitating further collaboration.

Photos from Philippine Normal University's post 31/07/2024

The Philippine Normal University Board of Regents held its 101st regular or second quarter meeting for 2024 yesterday, July 30, 2024, at the Executive Lounge and Board Room.

The meeting was presided over by the new Chairperson-designate of the BOR and Commissioner of the Commission on Higher Education, Dr. Ethel Agnes Pascua-Valenzuela, together with the Vice Chairperson of the Board and the President of Philippine Normal University, Dr. Bert J. Tuga.

Joining the meeting onsite were Hon. Girlie Grace J. Casimiro-Igtiben of the National Economic Development Authority, Private Sector Representative Hon. Jorge A. Garcia of ABIVA Publishing House, Faculty Regent Hon. Andrew Rey S. Peรฑa, and Hon. Maria Lissette L. Bunao, representing Hon. Alan Peter S. Cayetano, Senate Committee Chair for Higher, Technical, and Vocational Education. Also present through the Zoom platform were Student Regent Hon. Radjs Dylan P. San Miguel, Alumni Regent Hon. Lutgardo B. Barbo, and Atty. Jess Apuyod, representing Hon. Camille A. Villar.

Various academic, administrative and personnel, financial and procurement, and research proposals were approved by the Governing Board.

The PNU BOR is the highest governing body of the university, as stipulated in Republic Act No. 8292, also known as the โ€œHigher Education Modernization Act of 1997.โ€

31/07/2024

This is to inform the PNU Community that the final schedule of the ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ is set on August 10, 2024 (Saturday) at 4:00 P.M.

All involved stakeholders are encouraged to make all the necessary arrangements and preparations to make the event more solemn and meaningful.

30/07/2024

We would like to inform the PNU Community that online payments are temporarily suspended starting today, July 30, 2024, at 10:00 AM until further notice.

This suspension is to facilitate the completion of the integration of PNU E-Services with Landbank LinkBiz.

Over-the-counter payments can still be made at the PNU Cashier.

Please be guided accordingly.

29/07/2024

To enhance the capabilities of faculty extensionists, members of the South Manila Educational Consortium (SMEC) Extension Committee gathered at the Philippine Normal University (PNU) on July 22, 2024, to take part in a seminar on the Fundamentals of Social Entrepreneurship.

The seminar featured sharing by Dr. Norby Roque Salonga, CHRP, founder of the Lasallian Social Enterprise for Economic Development (LSEED) Center of De La Salle University (DLSU). Dr. Salonga, a renowned advocate for social entrepreneurship, shared invaluable knowledge on harnessing the power of social enterprise to drive social change. He also elaborated on the pivotal role of educational institutions in nurturing social enterprises that can address pressing societal issues.

Dr. Salonga also delved into the intersection of education and entrepreneurship. He illustrated how social enterprises could serve as powerful vehicles for community development, blending innovation and compassion to create a sustainable impact. His session provided practical strategies for integrating social entrepreneurship into extension programs, empowering educators to become catalysts for positive change.

After Dr. Salongaโ€™s talk, participants engaged in discussions on innovative approaches to address local challenges through social enterprises.

The Community Partnership and Extension Office, headed by its Director Prof. Eisha Vienna M. Fernandez, spearheaded this gathering of extensionists under the consortium.

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

PNU Vision and Mission

PNU VISION

PNU shall become an internationally recognized and nationally responsive teacher education university. As the established producer of knowledge workers in the field of education, it shall be the primary source of high-quality teachers and education managers that can directly inspire and shape the quality of Filipino students and graduates in the country and the world.

PNU MISSION

PNU is dedicated to nurturing innovative teachers and education leaders.

PNU QUALITY POLICY

Videos (show all)

As one community, we celebrate the fruits of our enduring commitment to quality, which has been recognized through our r...
The tradition lives on despite the waves of changes and challenges. A unique ceremony that weaves into the rich history ...
Thank you once again to Media House Express for your warm greetings.
Thank you Media House Express for your warm greetings.
Flame of Excellence | June 07, 2024 | 5:00 PM
Flame of Excellence | June 07, 2024 | 5:00 PM
PNUans, especially to our Batch 2023 graduates, join us at the Philippine Normal University's Flame of Excellence to cel...
Here are the highlights from yesterday's unveiling of the historical marker declaring three of PNUโ€™s buildings as Nation...
Unveiling of the PNU Historical Marker for National Cultural Treasures
Witness the unveiling of the marker declaring three of PNUโ€™s buildings as National Cultural Treasures on Monday, May 20,...
2024 Gawad Sulo for Eminent Alumni
Join us for a spectacular event! Calling all alumni to reunite and reminisce at our PNU Grand Alumni Homecoming. Don't m...

Location

Address


Taft Avenue
Manila
1000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 4pm
Other Colleges & Universities in Manila (show all)
Mapรบa University Mapรบa University
658 Muralla Street , Intramuros
Manila, 1002

The official page of Mapรบa University, the Philippines' premier engineering and technological school.

Colegio de San Juan de Letran Colegio de San Juan de Letran
151 Muralla Street, Intramuros
Manila, 1002

Letran Manila Official account https://www.facebook.com/LETRANofficial

De La Salle University-Manila De La Salle University-Manila
2401 Taft Avenue
Manila, 1004

A premier, world-class Catholic education institution in the Philippines established in 1911 by the De La Salle Brothers.

De La Salle University-Manila De La Salle University-Manila
2401 Taft Avenue
Manila, 1004

ANIMO LA SALLE!

DLSU Outdoor Club DLSU Outdoor Club
Manila, 1004

Love and Adventure | add "Dlsu OC" as a friend! Truly the only org you'll ever want to backpack with!

Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (University of the City of Manila) Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (University of the City of Manila)
Gen. Luna Street Cor Muralla St.
Manila, 1002

M A B U H A Y! Welcome to the FIRST fan page of the PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA (University of the City of Manila), the Philippines' premiere city-funded university and home to Manila's best and brightest students.

Colegio de San Juan de Letran Colegio de San Juan de Letran
151 Muralla Street
Manila, 1002

The official page of Letran Manila managed by the Alumni and Public Relations Department.

UP Manila Political Science Program UP Manila Political Science Program
307 Rizal Hall, College Of Arts And Sciences, University Of The Philippines
Manila, 1000

This is the official page of the UP Manila Political Science Program.

De La Salle University Libraries De La Salle University Libraries
Taft Avenue
Manila, 1004

De La Salle University Libraries' vision is to be a leading academic library that is a knowledge hub for scholarly engagement, teaching and learning, providing innovative, inclusive and creative learning environment.

St. Paul University Manila St. Paul University Manila
#680 Pedro Gil Street
Manila

St. Paul University Manila is a Filipino, Catholic, educational institution deeply rooted in Christ, a proactive leader in the field of quality Catholic education and authentic Christian witnessing..

FEU-IARFA FEU-IARFA
West Sampaloc
Manila

FEU Institute of Technology FEU Institute of Technology
P. Paredes Street , Sampaloc
Manila, 1015

This is the official page of the Far Eastern University Institute of Technology (or FEU Tech, formerl