10/06/2026
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na nakiisa sa ating Parent Orientation. Ang inyong pakikilahok at suporta ay mahalagang bahagi sa pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.
Sa sama-samang pagkilos ng tahanan at paaralan, mas magiging matagumpay ang paglalakbay ng bawat bata tungo sa kanilang mga pangarap.
Bukas po (June 11, 2026) ay Parent Orientation para sa Grade 4, 5, and 6.
10 am - 1:20 pm.
Attendance is a must.
10/06/2026
Sharing with our community the accomplishments of the ARAL Program 2025–2026, which culminated in the successful Summer ARAL Activity. Congratulations to all teachers, students and everyone who contributed to this meaningful achievement!
As we celebrate these successes, let us remember that there is always room for improvement. Let us continue to learn, grow, and strive for excellence together. Keep on learning! 📚✨👏
ARAL SUMMER 2026 | PDF to Flipbook
Created with the Heyzine flipbook maker
08/06/2026
Munting paalala para sa mga magulang.
07/06/2026
🏡 Tara na at mag enroll sa aming paaralan hanggang June 11, 2026!
07/06/2026
📢 ANUNSYO PARA SA OPENING BLOCK 📢
Magandang araw, mga magulang at mag-aaral!
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase, magkakaroon ng Opening Block Activities mula Hunyo 8–11, 2026. Layunin nito na maihanda ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng oryentasyon, pagsusuri sa pagbasa at pagbilang, at iba pang mahahalagang gawain.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa at dumalo sa nakatakdang mga aktibidad. Makipag-ugnayan sa inyong adviser para sa karagdagang impormasyon.
Sama-sama nating simulan ang isang matagumpay na taong panuruan! 🎒📚✨
07/06/2026
📢✨ Kilalanin ang ating mga G**o para sa Panuruang Taon 2026–2027! ✨📢
Sa pagsisimula ng panibagong taon ng pagkatuto, buong galak naming ipinapakilala ang mga g**ong magsisilbing gabay, inspirasyon, at katuwang ng ating mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay.
Sama-sama nating salubungin ang Panuruang Taon 2026–2027 na puno ng pag-asa, kaalaman, at mga bagong oportunidad para sa bawat bata.
👩🏫👨🏫 Mabuhay ang ating mga g**o!
💙 Sama-sama para sa dekalidad na edukasyon.
💛 Sama-sama para sa tagumpay ng bawat mag-aaral.
07/06/2026
📢 OPLAN BALIK ESKWELA 2026–2027 📢
Ang Dr. Benigno V. Aldana Elementary School ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng magulang at mag-aaral para sa pagpapatala para sa Taong Panuruan 2026–2027.
🗓️ Petsa ng Pagpapatala: Hunyo 1–11, 2026
🕘 Oras: 9:00 AM – 12:00 PM
📍 May nakahandang Helpdesk at Enrollment Area upang gabayan ang lahat ng magpapatala.
📌 Mga Kailangang Dokumento:
👧 KINDERGARTEN
• Photocopy ng PSA/NSO Birth Certificate o Katibayan ng Kapanganakan
• Para sa mga batang limang (5) taong gulang o maglilimang (5) taong gulang sa Oktubre 31, 2026
👦 GRADE 1
• Photocopy ng PSA/NSO Birth Certificate o Katibayan ng Kapanganakan
• Photocopy ng ECCD o Kindergarten Report Card
📚 BALIK-ARAL / TRANSFEREE
• Report Card (Form 138) / Form 137
• Photocopy ng PSA/NSO Birth Certificate
🎓 ALS
• Photocopy ng PSA Birth Certificate
• Report Card
📅 Hunyo 8, 2026 – UNANG ARAW NG PASUKAN
Sama-sama nating ihanda ang ating mga mag-aaral para sa panibagong taon ng pagkatuto!