Knight Market

Knight Market

Share

ANYWAYS THANK YOU GUYS AND HOPEFULLY AFTER DEFENSE MAS MAAYOS PA NAMEN TONG PAGE NA TO.. :)

Hello Letranites!...Welcome to Knight Market a Page wherein you can buy or even sell Items,pets,or even gadgets to your fellow Letranites...This way we can promote our own product and improve our business skills and at the same time help ourselves and our fellow students...The good thing about this page is since we are all going on the same alma matter..we can have an easy transactions with your

26/08/2022

We are pleased to announce that we will be accepting orders starting tomorrow!..Aug 27, 2022

Sadiq's Shawarma is now Operational!

Thank you for your patience and understanding.

15/05/2016

Sa gusto mag admin ng Page message nyo lang ako. Sayang eh hindi ko nauupdate..

-admin

30/10/2015

Sino gusto mag admin?

Photos 06/06/2012

TRIVIA


How to recharge mobile w/o Electricity?



Its very Strange But True Very True.

Now, you do not require any mobile charger to charge your mobiles. Only there is need to use green leaf of peepal tree and after some time your mobile will get charged. No soon the people came to learn this development, they tested it and found encouraging results. If your mobile has been discharged and you are inside a jungle then you need not to use any charger. You Should pluck two peepal leaves and your work would be done. It is very good idea and easy to charge your mobile. You would have to open your mobile battery and connect it with peepal leaf. After that
without shaking mobile set you should set the battery in your mobile set. After some time your mobile would be charged. Though it is unbelievable but as soon as the residents of Chitrakoot came to know about the discovery they could not believe the news. But when they saw it practically then the incident
proved true. Now hundreds of mobile holders are using this
technique and charging their mobiles. Several persons including Sushil Kumar Shukla, Santosh Verma, principal of Mahatma Gandhi
School, Raj Karan Patel, Shyam Patel, Shekhar Dwivedi, Pramod Gupta, Manager of Gayatri temple, RN Tripathi proved the incident true. Whereas according to the botanists, it is just changing mutual energy into electrical energy power can be saved in battery. Similarly, it is also possible. They said that it is the subject of research.

LIKE AND SHARE ♥

---

Palike :
www.facebook.com/Yung.Taong.MaEffort.OFFICIAL
www.facebook.com/KimBalot.Official

Photos 30/05/2012

read this!

:)

Photos 30/05/2012

[READ] Minsan may Isang P**a

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, p**a daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.

Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalala*on ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay! Sa dami ng la*on na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang a*o na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. P**a na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpup**a ka*o ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?

Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagp**ahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

_____________________

http://www.facebook.com/minsan.may.isang.p**a

Gusto ko lang pong linawin na hindi po ako ang nagsulat nito,this is by Mike Portes.Shinare ko lang po para maraming makabasa sa sinulat niya:)

Photo: From the movie “Ganap na Babae”
_____________________

Reid Bacongco [LIKE]

Photos 29/05/2012

Be involved. Be trained. Be exposed. Be a Letran Student Council staff. We need you. Apply now! :)

Photos 29/05/2012

Decoding text emoticons. - Honey =)

Photos 29/05/2012

The Modern Alphabet. Kids these days. - Honey =)

Tingin mo? 25/05/2012

make sense.

Tingin mo? soslowquinto | HUMOR, Life in the Philippines, LIVING, Opinion, Personal Stories, Reactions, The Environment

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Binondo Manila
Manila
1012