Rosauro Almario Elementary School, Tondo, Manila

Rosauro Almario Elementary School, Tondo, Manila

Share

This is the official page of Rosauro Almario Elementary School.

29/04/2026

📣PABATID:

Alinsunod sa DepEd Memo No. 001 s. 2026, ilulunsad ng Paaralang Rosauro Almario ang ARAL Summer Program mula May 6, 2026 hanggang June 2, 2026.

Layunin ng programang ito na tulungan ang mga mag-aaral na maging handa at mas kumpiyansa sa darating na panuruang taon sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kanilang kahandaan sa antas ng baitang. Nakatuon din ito sa pagtugon sa mga kakulangan sa pagkatuto at pagpapalakas ng kasanayan sa pagbasa at pagbibilang.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa dating g**o ng inyong anak.

10/04/2026

📣PABATID:
Ipinapaalam po sa lahat na ang Paaralang Rosauro Almario ay magpapatupad ng Work-from-Home arrangement tuwing Biyernes para sa mga school-based personnel, mula Abril 10 hanggang Hunyo 5, 2026. Ang hakbang na ito ay alinsunod sa opisyal na memorandum na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) bilang bahagi ng pagtitipid sa paggamit ng enerhiya.

Basahin ang opisyal na memorandum ng DepEd hinggil sa pagpapatupad ng Work-from-Home arrangement tuwing Biyernes para sa school-based personnel mula April 10 hanggang June 5, 2026, bilang bahagi ng pagtitipid sa enerhiya ng Kagawaran.

Photos from Rosauro Almario Elementary School, Tondo, Manila's post 30/03/2026

PAGTATAPOS 2026
Tema: "Pilipinong Nagsipagtapos Handang Mamumo nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao"

Malugod na pagbati sa lahat ng nagsipagtapos! 🎓✨

Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy ninyong abutin ang inyong mga pangarap at magbigay ng positibong ambag sa ating lipunan.

Mabuhay kayong lahat at nawa’y maging matagumpay ang susunod ninyong hakbang! 🌟

26/03/2026
Photos from Rosauro Almario Elementary School, Tondo, Manila's post 25/03/2026

RAES Araw ng Pagkilala 2026
Marso 25, 2026

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga mag-aaral na pinarangalan sa araw na ito ng pagkilala. Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral ay tunay na kapuri-puri at karapat-dapat tularan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy ninyong pagbutihin ang inyong mga kakayahan at abutin ang inyong mga pangarap.

Mabuhay kayong lahat at ipagpatuloy ninyo ang inyong kahusayan!

Photos from Rosauro Almario Elementary School, Tondo, Manila's post 16/03/2026

🎉🎉🎉Congratulations sa mga atletang mag-aaral ng Paaralang Rosauro Almario na buong tapang na lumaban at nagwagi sa iba’t ibang events sa naganap na Athletic District Meet, Palarong Maynila, at gayundin sa mga lumaban sa Palarong NCR! 🏅🎉

Ang inyong dedikasyon, sipag, at determinasyon ay tunay na kahanga-hanga at nagbibigay ng malaking karangalan sa ating paaralan. Ipinagmamalaki namin ang inyong mga tagumpay at ang inyong matapang na pakikipaglaban sa larangan ng palakasan.

Taos-pusong pasasalamat din sa ating mga g**o na nagsilbing trainers at coaches ng ating mga atleta, gayundin sa mga magulang na patuloy na sumusuporta, gumagabay, at nagbibigay inspirasyon sa ating mga kabataan. Malaki ang inyong bahagi sa bawat tagumpay na kanilang natatamo.

Patuloy ninyong pagyamanin ang inyong talento at ipagpatuloy ang magandang laban. Mabuhay ang mga atleta ng Paaralang Rosauro Almario! 💪🏽🏆

Photos from Rosauro Almario Elementary School, Tondo, Manila's post 12/03/2026

❣️Taos-pusong nagpapasalamat ang Paaralang Rosauro Almario sa ICTSI Foundation, Inc. sa kanilang bukas-palad na donasyon ng mga kagamitang pampalakasan at pangmusika para sa aming paaralan.

Malaki ang maitutulong ng mga kagamitang ito sa pagpapaunlad ng kakayahan at talento ng aming mga mag-aaral, hindi lamang sa larangan ng isports kundi pati na rin sa musika. Sa pamamagitan ng inyong suporta, mas nabibigyan sila ng pagkakataong maipamalas ang kanilang galing, malinang ang kanilang disiplina, at mapalakas ang kanilang kumpiyansa sa sarili.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na malasakit at suporta sa edukasyon at sa kapakanan ng aming mga mag-aaral. Ang inyong tulong ay tunay na nagbibigay inspirasyon sa buong komunidad ng aming paaralan.

Muli, taos-pusong pasasalamat po sa ICTSI Foundation, Inc.!❣️

02/03/2026

Live like the Babaylans! ✨
Filipinas! —matatag, marunong, at makapangyarihan.
Taglay natin ang lakas ng ating ninuno at ang tapang ng makabagong babae.
🌺 We lead. We rise. We inspire. HappyNational Women's Month!

Photos from Rosauro Almario Elementary School, Tondo, Manila's post 28/02/2026

💚PAGTATALAGA NG MGA BABAENG ISKAWT
Ika-27 ng Pebrero 2026
🌸 Twinkler Scouts
🌻 Star Scouts
🏵 Junior Girl Scouts


Photos from Rosauro Almario Elementary School, Tondo, Manila's post 21/02/2026

🎉Another great victory for The Harbor Light, for winning in the Division Schools Press Conference (DSPC) Top 10 Best School Publications in English Category and qualified for the upcoming Regional Schools Press Conference (RSPC).

To read the whole school paper, click the link below.⬇️⬇️⬇️

https://heyzine.com/flip-book/b0701e65fe.html

Photos from Rosauro Almario Elementary School, Tondo, Manila's post 21/02/2026

💚GSP Day Camp💚
02-21-2026

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Kagitingan Street
Manila
1013

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm