UP Manila CAS Student Council

UP Manila CAS Student Council

Share

Campaign-centered. Activity-based. Service-oriented.

11/05/2026

NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA ORGANISASYON AT KONSEHO NG MGA MAG-AARAL NG KAS

IMPEACH SARA NOW! PANAGUTIN ANG MGA DUTERTE AT MGA KASABWAT NILA SA KORUPSYON AT IMPUNIDAD!

Muling nasaksihan ngayong araw ng sambayanang Pilipino ang isang lantaran na pagtatanghal ng burukratikong sirkus at pampulitikang pakikipagsabwatan sa Senado. Sa gitna ng muling pag-usad ng impeachment laban kay Sara Duterte, mabilis ding kumilos ang bagong pamunuan ng Senado upang tiyakin ang pagbabalik ni Ronald “Bato” Dela Rosa at ang konsolidasyon ng mga pwersang tahasang naglalayong protektahan ang kampo Duterte laban sa pananagutan. Ang malinaw na mensahe ng mga pangyayaring ito: hindi hustisya ang prayoridad ng bagong liderato ng Senado, kundi ang pagpapanatili ng kapangyarihan at impunidad ng dinastiyang Duterte.

Sa botong 257 pabor, 25 tutol, at 9 abstain, muling pinagtibay ng House of Representatives ang impeachment complaint laban kay Sara Duterte—ginagawa siyang kauna-unahang mataas na opisyal sa kasaysayan ng bansa na dalawang beses na na-impeach ng Kamara. Ngunit sa halip na seryosohin ang tungkulin nitong litisin ang kaso, agad namang gumalaw ang Senado upang muling ayusin ang liderato nito sa paraang pabor sa kampo Duterte. Ang pagpapatalsik kay Tito Sotto bilang Senate President, ang pagbabalik ni Bato Dela Rosa, at ang paglipat ng suporta nina Villar, Legarda, at Cayetano ay hindi hiwa-hiwalay na pangyayari—ito ay bahagi ng iisang pampulitikang maniobra upang pahinain ang kampo na pabor sa impeachment at tiyakin ang proteksyon ng mga kaalyado ng mga Duterte.

Mas nakikita ang pamumulitikang ito sa kaso ni Bato Dela Rosa. Sa mga nagdaang buwan, sunod-sunod nang lumabas ang mga ulat hinggil sa umano’y warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng mga krimen laban sa sangkatauhan sa ilalim ng madugong “war on drugs” ng rehimeng Duterte. Noong Nobyembre 2025, inihayag mismo ni Ombudsman Boying Remulla na may umiiral nang warrant mula sa International Criminal Court (ICC), habang naghain naman si Dela Rosa ng petisyon sa Korte Suprema upang protektahan ang sarili laban sa posibleng pag-aresto. Nitong ika-11 ng Mayo, mismong si dating Senador Antonio Trillanes IV pa ang nagdala ng dokumento ng ICC warrant sa Senate Hall. Sa kabila nito, sa halip na sumunod sa proseso ng batas, pinili ni Dela Rosa na gawing kublihan ang Senate Hall, habang ang mga ahente ng NBI na nagtangkang ipatupad ang internasyonal batas ay pinatawan ng paghamak ng Senado.

Hindi ito simpleng usapin ng parliamentary courtesy o institutional procedure. Ito ay tahasang paggamit ng kapangyarihan ng Senado bilang pananggalang ng mga dinastiyang pulitikal laban sa pananagutan. Nakapagtataka na noon, walang pag-aatubiling ginamit ng estado ang buong pwersa nito upang gipitin at ikulong ang mga kritiko ng administrasyon, gaya nila ngayong Rep. Leila de Lima at dating Sen. Antonio Trillanes. Ngunit ngayong si Bato Dela Rosa na ang nahaharap sa mabigat na kaso, biglang ginagamit ang Senado upang pigilan ang proseso ng hustisya. Maliwanag na may batas para sa ordinaryong mamamayan at oposisyon, ngunit may espesyal na proteksyon para sa mga Duterte at kanilang mga kaalyado.

Ngunit malinaw din sa batas na walang lubos na kaligtasan mula sa pagka-aresto ang mga senador. Ayon sa Artikulo VI, Seksyon 11 ng Konstitusyon ng Pilipinas, limitado lamang ang kanilang pribilehiyo laban sa pag-aresto at hindi ito sumasaklaw sa mabibigat na krimen na may parusang higit anim na taon. Higit pa rito, malinaw sa Rome Statute ng ICC na hindi maaaring gamiting depensa ang opisyal na posisyon upang takasan ang pananagutan sa mga krimen laban sa sangkatauhan. Walang sinumang nasa kapangyarihan ang dapat maging mas mataas kaysa sa batas.

Mariing tinututulan ng mga organisasyon at konseho ng KAS ang anumang pagtatangka na gawing instrumento ang Senado para sa pampulitikang proteksyon at pagpapatuloy ng impunidad. Hindi maaaring takasan ni Bato Dela Rosa ang paniningil sa kanya para sa karahasan na kanyang ipinamalas sa taumbayan noong panahon ng rehimeng Duterte. Ang impeachment laban kay Sara Duterte at ang kaso ni Bato Dela Rosa ay hindi magkahiwalay na usapin—pareho itong bahagi ng mas malawak na laban laban sa Dutertismo, korapsyon, pasismo, at kultura ng kawalang pananagutan sa bansa.

Kaya naman mariin naming ipinapanawagan: agarang buuin at tipunin ang Senate Impeachment Court. Ituloy ang impeachment trial nang walang harang at maniobrang pulitikal. Pairalin ang proseso ng pag-aresto at pagsuko alinsunod sa pambansa at pandaigdigang batas. Tutulan ang paggamit sa Senado bilang depensa ng mga dinastiyang pulitikal at kriminal. Panagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, at pag-abuso sa kapangyarihan.

Sa panahon kung saan ang mga institusyon mismo ng gobyerno ay ginagamit upang protektahan ang mga naghahari at makapangyarihan, mas kailangan ngayon ang malawak na pagkakaisa at pagkilos ng mamamayan. Hindi dapat natin hahayaang manaig ang impunidad at pasismo.

IMPEACH SARA NOW!
BATO, PANAGUTIN!
DUTERTISMO, LABANAN!
HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG DRUG WAR!
ANG TAO, ANG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!

01/05/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG KONSEHO NG MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG AGHAM AT SINING (KM-KAS)
Mayo Uno 2026 — Araw ng Manggagawa

Iskolar ng Bayan, makiisa sa laban ng mga manggagawa ng sambayanan!

Ngayong Mayo Uno, ginugunita natin ang Araw ng Manggagawa hindi lamang bilang pag-alala, kundi bilang araw ng paniningil at pakikibaka. Sa gitna ng tumitinding krisis sa kabuhayan, malinaw ang ating mga panawagan: sahod itaas, presyo ibaba; ipaglaban ang ₱1200 na living wage; manggagawang kontraktwal, gawing regular; at tanggalin ang mapang-aping 12% VAT. Ang mga panawagang ito ay hindi hiwa-hiwalay—ito ay magkakaugnay na laban para sa dignidad, kabuhayan, at kinabukasan ng uring manggagawa.

SAHOD ITAAS, PRESYO IBABA. Habang nananatiling mababa ang sahod ng mga manggagawa, patuloy namang tumataas ang presyo ng mga batayang pangangailangan—hindi lamang sa pagkain at kuryente, kundi pati sa langis at transportasyon. Sa kasalukuyan, ang sunod-sunod na oil price hike ay direktang nagpapataas ng pasahe at presyo ng mga bilihin, na lalong nagpapabigat sa araw-araw na gastusin ng mga mamamayang Pilipino. Sa isang bansang umaasa sa imported na langis, ang kawalan ng maayos at makatarungang pampublikong transportasyon ay nagpapalala pa sa krisis na ito—ang mga manggagawa ay napipilitang gumastos nang mas malaki para lamang makarating sa kanilang mga trabaho. Hindi sapat ang pansamantalang ayuda o subsidiya; ang kailangan ay sistematikong solusyon: kontrol sa presyo, pagbasag sa mga monopolyo ng langis, at pagpapaunlad ng abot-kaya at episyenteng pampublikong transportasyon.

IPAGLABAN ANG ₱1200 NA LIVING WAGE. Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, hindi pa rin sapat ang kinikita ng mga manggagawa para sa kanilang kabuhayan. Ayon sa datos ng IBON Foundation, umaabot sa humigit-kumulang ₱1,200 kada araw ang kinakailangang family living wage para sa isang pamilyang may limang miyembro upang mabuhay nang disente. Sa kabila nito, ang minimum wage sa Metro Manila ay nananatili sa paligid ng ₱610 kada araw, halos kalahati lamang ng kinakailangang halaga. Ang agwat na ito ay nangangahulugan ng araw-araw na kakulangan—kulang sa pagkain, kulang sa serbisyong pangkalusugan, kulang sa disenteng pamumuhay. Ang pagtataas ng sahod ay hindi luho kundi pangangailangan; ito ay usapin ng buhay at dignidad.

MANGGAGAWANG KONTRAKTWAL, GAWING REGULAR. Patuloy din ang paglaganap ng kontraktwalisasyon sa ating bansa, hindi lamang sa pribadong sektor kundi maging sa mismong pamahalaan. Libo-libong manggagawa sa gobyerno ang nananatiling job order (JO) o contract of service (COS) workers—walang seguridad sa trabaho, walang benepisyo, at madaling tanggalin anumang oras. Tinatayang umaabot sa higit 700,000 ang ganitong uri ng empleyado sa pampublikong sektor, na bumubuo ng malaking bahagi ng kabuuang workforce ng gobyerno. Ang ganitong praktika ay hindi lamang pagsasamantala—ito ay nagtatakda ng pamantayan na ginagaya rin ng pribadong sektor, kung saan ang kontraktwalisasyon ay nagiging normal at katanggap-tanggap. Ang estado mismo ang nagiging pangunahing tagapagtaguyod ng precarious labor na siya ring sinusundan naman ng mga malalaking burgesyang comprador sa ating bansa. Nararapat lamang na gawing regular ang manggagawang matagal nang pinagsasamantalahan ng isang mapang-aping sistemang umiiral para sa makasariling interes ng mga kapitalista.

TANGGALIN ANG 12% VAT. Ang Value-Added Tax ay isa sa pinaka-mapang-aping buwis na direktang nagpapabigat sa karaniwang mamamayan, dahil ito ay ipinapataw sa konsumo—ibig sabihin, mas mabigat ang tama nito sa mahihirap kaysa sa mayayaman. Ipinataw ang VAT sa konteksto ng lumalalang utang panlabas ng bansa, na pinalala ng mga patakarang ipinilit ng mga institusyong gaya ng IMF at World Bank. Sa halip na buwisan nang mas mataas ang malalaking korporasyon at mayayamang indibidwal, pinili ng estado na ipasa ang pasanin sa masa. Ang VAT ay malinaw na produkto ng isang sistemang ekonomiko na nakasandig sa interes ng dayuhan at ng iilang naghaharing-uri—hindi ng sambayanang Pilipino.

Bilang mga Iskolar ng Bayan at mga manggagawa rin sa malapit na hinaharap, ang mga panawagang ito ay hindi hiwalay sa atin. Ang laban ng uring manggagawa ay laban ng buong sambayanan sapagkat nakasalalay ang ating lipunan sa kanilang dugo’t pawis. Sa huli, tayo rin ang magiging bahagi ng lakas-paggawa na patuloy na pinagsasamantalahan ng isang sistemang hindi makatarungan, kaya ang ating edukasyon ay dapat mapaglilingkuran hindi sa iilan, kundi sa pagpapalaya ng nakararami.

Sa araw na ito, hindi lamang tayo nakikiisa—tayo ay lumalahok sa kolektibong pakikibaka para sa isang lipunang makatarungan, makabayan, at tunay na malaya.

Sahod itaas, presyo ibaba!
₱1200 living wage, ipaglaban!
Endo, wakasan—regularisasyon, ipatupad!
12% VAT, ibasura!
Uring magsasaka, pangunahing pwersa!
Uring manggagawa, hukbong mapagpalaya!

Photos from UP Manila CAS Student Council's post 22/04/2026

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO! PASISMO NG ESTADO, IBAGSAK!

Mariing kinukundena ng UP Manila CAS Student Council ang brutal na pagpaslang ng pasistang 79th Infantry Battalion ng AFP kay Alyssa Alano, isang tunay na lingkod-bayan at dating konsehal ng UP Diliman USC. Hindi ito isang simpleng "engkwentro" kundi isang lantarang pag-atake ng mga berdugo sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negros Occidental na nagresulta rin sa marahas na pagdisplina at sapilitang paglikas ng 168 pamilya at 653 na indibidwal mula sa kanilang mga tahanan. Ang pagdanak ng dugong ito ay malinaw na patunay na walang pakialam ang kasalukuyang rehimen sa buhay at karapatan ng mga mamamayan; sa halip, ginagamit nito ang buong makinarya ng estado upang patahimikin ang mga nagnanais lamang na unawain at paglingkuran ang pinakaapi sa lipunan.

Ang tanging "kasalanan" ni Alyssa ay ang piliin ang landas ng militante at radikal na pakikipamuhay sa mga magsasaka ng Negros upang ilantad ang kanilang abang kalagayan at ang kawalan ng tunay na reporma sa lupa. Sa pagkitil sa kanyang buhay, muling ipinakita ng estado ang pagiging desperado nito na supilin ang anumang porma ng pagsalungat sa isang sistemang bulok at mapang-api.

Habang ang AFP ay nagkukunwaring tagapagtanggol ng bayan, sila ang pangunahing instrumento ng terorismo sa kanayunan na gumagamit ng dahas para protektahan ang interes ng iilan at busalan ang mga progresibong boses. Hindi lamang pag-atake kay Alyssa ang krimeng ito, kundi isang deklarasyon ng giyera laban sa mga pesanteng magsasaka at sa lahat ng nagnanais ng makatarungang lipunan.

Hindi tayo mananatiling tahimik sa harap ng ganitong pasismo. Nanawagan ang UPM CASSC sa bawat Iskolar ng Bayan at sa buong sambayanan na magkaisa at singilin ang rehimeng ito sa bawat patak ng dugo ni Alyssa at ng lahat ng biktima ng extrajudicial killings. Ang laban para sa hustisya ay laban para sa karapatan ng mga magsasaka at para sa kinabukasan ng ating bayan na malaya sa pagsasamantala. Pananagutin ang lahat ng sangkot! Ipagpatuloy ang nasimulan ni Alyssa hanggang sa makamit ang tunay na katarungang panlipunan!

ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN! LUPA, SAHOD, AT KARAPATAN, IPAGLABAN!HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO, PAGBAYARIN ANG MGA BERDUGO!

22/04/2026

MGA ARTISTA AT SIYENTISTA NG BAYAN, MAKIISA AT TUMINDIG LABAN SA IMPERYALISMO!

Ang agresyon ng US at Israel laban sa Iran, kasama ang henosidyo sa Palestine at panghihimasok sa Lebanon at Venezuela, ay direktang nakaaapekto sa buhay ng mga Pilipino.

Sa Pilipinas, ramdam agad ito sa pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, kuryente, at iba pang bilihin. Bilang estudyante, lumalaki ang gastos sa pagpasok at pangangailangan sa paaralan. Kahit wala tayo sa gera, pasan natin ang krisis.

Habang naghihirap ang mamamayan, lalong nagpapakatuta ang administrasyong Marcos sa pagpapalawak ng presensya ng militar ng US sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement, Enhanced Defense Cooperation Agreement, at Mutual Defense Treaty, na naglalagay sa Pilipinas sa gitna ng gera ng mga imperyalistang bansa.

Kaya naman, nararapat nating tutulan ang imperyalismong US. Ibasura ang Oil Deregulation Law na nagbibigay kapangyarihan sa malalaking kumpanya sa presyo ng langis. Ibasura ang VFA, EDCA, at MDT na ginagamit ang Pilipinas bilang base militar ng US.

Mga KASama, makiisa at makilahok sa mga pagkilos laban sa gera, imperyalismo at krisis.

MGA PROGRAMA:

1. April 24: One Taft Black Friday Protest
– 4:30 PM Assembly sa UPM CAS Gate
– 5 PM Local Program sa UPM CAS Gate
– 6 PM One Taft Program sa Kalaw cor. Taft

2. April 28: March for Peace
– 9:30 AM Assembly sa Kalaw
– 9:45 AM March to US Embassy
– 10 AM March from US Embassy to Rajah Sulayman via Mabini
– 11:30 AM – 1:00 PM Broad Program

Makiisa at makibaka para sa hustisya at kapayapaan!

Photos from Manila Moves 2026: Virtual Run for Manila's Most Vulnerable's post 18/04/2026

𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐈𝐒 𝐍𝐎𝐖 𝐎𝐏𝐄𝐍 🏃‍♀️💨

Missed the early bird? Don’t worry, we got you twin. 🫂 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗠𝗼𝘃𝗲𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟲 is officially open for regular registration, and the track is still wide open for everyone who’s ready to move with purpose. If you’ve been waiting for your sign, this is it, bestie! 💫

𝑰𝒕'𝒔 𝒕𝒊𝒎𝒆 𝒕𝒐 𝒍𝒆𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒎𝒊𝒍𝒆 𝒍𝒆𝒂𝒅 𝒕𝒐 𝒂 𝒄𝒉𝒂𝒏𝒈𝒆. 🔥

𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗠𝗼𝘃𝗲𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟲 is a month-long virtual run that transforms your personal movement into a bigger purpose. Every distance you cover will help us take one step closer in supporting communities in need, especially street children in Manila through ChildHope Philippines. 📈💌

So whether you’re starting fresh, getting back into the rhythm, or simply looking for a challenge that supports a cause that matters, 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘔𝘰𝘷𝘦𝘴 𝘩𝘢𝘴 𝘨𝘰𝘵 𝘪𝘵 𝘢𝘭𝘭 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶! 💜

Register now by scanning the QR code 📲 or through the use of this link:
🔗 https://tinyurl.com/ManilaMoves2026
🔗 https://tinyurl.com/ManilaMoves2026
🔗 https://tinyurl.com/ManilaMoves2026

𝑱𝒐𝒊𝒏 𝒖𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝒃𝒆 𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒕𝒆𝒑 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒌𝒆𝒔 𝒂𝒏 𝒊𝒎𝒑𝒂𝒄𝒕. 💪

In partnership with:
BEACON OrComference 2026
UP Manila Alpha Phi Omega Sorority
En Route OrComference 2026

Pub by: Anton Nery, Mya Villanueva
Caption by: Ryza Lugtu



15/04/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG KONSEHO NG MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG AGHAM AT SINING (KM-KAS)

Kondemnasyon sa Demolisyon sa Panday Creek, Brgy. Palingon, Taguig City

Mariing kinokondena ng Konseho ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Agham at Sining (KM-KAS) ang nagpapatuloy na marahas na demolisyon ng Monocrete Construction Inc. sa komunidad ng Panday Creek, Brgy. Palingon, Taguig City. Ngayong ikatlong araw ng sapilitang pagpapalayas sa mga pamilyang naninirahan sa Panday Creek, mahigit 300 pamilya na ang nawalan ng tirahan—mga pamilyang dekada nang naninirahan at nagtataguyod ng kanilang buhay sa naturang lugar. Sa halip na protektahan ang karapatan ng mamamayan sa paninirahan at kabuhayan, pinili ng estado na iprayoridad ang interes ng pribadong konstruksyon at negosyo, sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga pulis, SWAT, at iba pang pwersang panseguridad ng estado upang tiyakin ang pagpapatuloy ng demolisyon.

Lalong nakababahala ang mga ulat ng matinding militarisasyon sa komunidad—mga armadong pwersa na nagbabantay sa paligid, at maging ang presensya ng sniper na nakapwesto sa crane—na malinaw na naglalayong manakot at patahimikin ang mga residente. Hindi ito simpleng “security protocol.” Ito ay tahasang pananakot laban sa mga maralita ng lungsod na ang tanging ipinaglalaban ay ang kanilang karapatang manatili sa lupang matagal na nilang tinirhan. Samantala, patuloy na hinaharangan ng demolition team ang mga residente, kung saan tinatayang 20 pamilya ang hindi man lamang makapasok sa kanilang komunidad upang bumili ng pangunahing pangangailangan—isang malinaw na paglabag sa kanilang dignidad at karapatang pantao.

Higit sa lahat, mariin naming tinutuligsa ang kawalan ng malinaw at makataong relokasyon para sa mga apektadong pamilya. Sa kabila ng mga umiiral na batas tulad ng Urban Development and Housing Act na nagtatakda ng sapat na konsultasyon at disenteng relokasyon bago ang anumang demolisyon, malinaw na ito ay binalewala. Ang pagpapalayas nang walang alternatibong tirahan ay hindi lamang kapabayaan—ito ay isang anyo ng karahasang istruktural na nagtutulak sa mga mamamayan tungo sa mas matinding kahirapan at kawalang seguridad.

Ang pangyayaring ito ay hindi hiwalay na insidente kundi bahagi ng mas malawak na krisis na dulot ng isang sistemang kapitalista na inuuna ang tubo kaysa sa tao. Sa ilalim ng ganitong kaayusan, ang lupa ay hindi itinuturing bilang karapatan ng mamamayan kundi bilang kalakal na dapat pagkakitaan. Kaya’t paulit-ulit na itinataboy ang mga maralitang komunidad upang bigyang-daan ang mga proyektong komersyal, habang ang mga tunay na nagtatayo at bumubuhay sa lungsod ay itinuturing na sagabal sa “kaunlaran.”

Sa harap ng ganitong lantad na kawalang-katarungan, naninindigan ang KM-KAS kasama ng mga residente ng Panday Creek at ng malawak na hanay ng maralitang lungsod. Ang laban para sa pabahay ay laban para sa dignidad, para sa karapatan, at para sa buhay. Hindi kailanman magiging makatarungan ang kaunlarang nakatayo sa demolisyon ng tahanan ng mahihirap.

Itigil ang demolisyon sa Panday Creek!

09/04/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG KONSEHO NG MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG AGHAM AT SINING (KM-KAS) NGAYONG ARAW NG KAGITINGAN.

Sa paggunita natin sa ika-84 na Araw ng Kagitingan, karaniwang itinataas ang kwento ng tapang ng mga sundalo sa Bataan—ang kanilang sakripisyo, ang kanilang pagtitiis, at ang kanilang paglaban sa dayuhang pananakop para sa ating kalayaan. Ngunit sa kasalukuyan, mahalagang palawakin ang ating pag-unawa sa kagitingan: hindi lamang ito matatagpuan sa larangan ng digmaan, kundi sa araw-araw na pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa kahirapan, krisis, at sistematikong kapabayaan ng tulog na pamahalaan.

Sa gitna ng umiiral na State of National Energy Emergency, muling ibinubunyag ang kahinaan ng isang estadong nakadepende sa dayuhang langis at dikta ng pandaigdigang merkado. Ayon mismo sa pamahalaan, sapat lamang ang suplay ng krudo hanggang Hunyo 30, habang patuloy ang paghahanap ng alternatibong suplay sa gitna ng lumalalang tensiyon sa Gitnang Silangan. Sa halip na tunay na solusyon, pansamantalang hakbang ang ipinatutupad—kabilang ang paggamit ng mas maruming fuel—na lalong nagpapakita na ang krisis na ito ay bunga ng matagal nang pagpapabaya sa pambansang industriyalisasyon at soberanya sa enerhiya.

Sa harap ng krisis na ito, ang tunay na kagitingan ay makikita sa hanay ng masa—lalo na sa mga jeepney driver at operator na patuloy na pumapasada sa kabila ng sunod-sunod na oil price hike. Habang bumabagsak ang kanilang kita at tumataas ang presyo ng krudo, pinipili pa rin nilang magpatuloy upang maihatid ang milyun-milyong Pilipino sa kanilang destinasyon. Ang kanilang araw-araw na pakikibaka ay hindi malayo sa diwa ng kagitingan na ating ginugunita—isang tahimik ngunit matibay na paglaban para mabuhay at makatawid sa gitna ng krisis.

Ngunit hindi hiwalay ang krisis na ito sa mas malawak na usapin ng imperyalismo. Ang kasalukuyang pagtaas ng presyo ng langis ay direktang nakaugat sa pandaigdigang tensiyon at digmaan, kung saan ang langis ay ginagawang sandata ng malalaking kapangyarihan tulad ng US-Israel. Sa ganitong kalagayan, ang Pilipinas—na umaasa sa halos lahat ng inaangkat nitong langis—ay nananatiling bulnerable sa galaw ng dayuhang interes. Ang pagtingin sa mga bansang tulad ng Russia bilang alternatibong suplay, o ang pag-asa sa pahintulot ng mga makapangyarihang estado, ay patunay na ang ating enerhiya at ekonomiya ay hindi pa tunay na malaya.

Sa ganitong konteksto, higit na nagiging makabuluhan ang diwa ng Araw ng Kagitingan. Kung ang ating mga ninuno ay lumaban laban sa tahasang pananakop, ang hamon sa ating henerasyon ay labanan ang mga makabagong anyo ng dominasyon—ang imperyalismo, ang mga neoliberal na patakaran, at ang sistemang patuloy na nagpapahirap sa sambayanan. Ang kagitingan ngayon ay ang pagtindig kasama ng masa, ang paggiit ng karapatan sa kabuhayan, at ang pakikibaka para sa isang lipunang tunay na malaya at makatarungan.

Kaya naninindigan ang KM-KAS: ang laban ng sambayanang Pilipino ay hindi pa tapos. Sa gitna ng krisis sa langis at kabuhayan, ipagpapatuloy natin ang diwa ng kagitingan—hindi lamang sa pag-alala, kundi sa pagkilos.

06/04/2026

𝐯𝐢𝐫𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐫𝐮𝐧? 𝐚𝐧𝐨, 𝐭𝐚𝐫𝐚? 😼

Ano nga ba ang virtual run?

A virtual fun run is a way to join in on the fun with the freedom to decide your time, path, and pace. This movement allows runners, or even aspiring runners, to achieve their kilometers at the comfort of their own gyms, homes, or even local parks. Running is an amazing sport, but sometimes, the comfort of running at your own pace, in your own space, makes it even more meaningful.

No pressure, no strict schedule! just you, your goals, and the journey. 🏃🏻‍♀️💨

𝘸𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘣𝘦𝘵𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘢𝘯 𝘳𝘶𝘯𝘯𝘪𝘯𝘨? 𝘳𝘶𝘯𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘢 𝘱𝘶𝘳𝘱𝘰𝘴𝘦. 𝘵𝘢𝘳𝘢𝘭𝘦𝘵𝘴? 💪🏼

Pub by: Josea Filomena Mendoza, Vlademir Dela Cruz, Chynna Trinidad
Caption and Information by: Jordz Jedrick Malicdem, Oscar Cordero, Marga Sarmiento


01/04/2026

𝗠𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗠𝗢𝗩𝗘𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲 is looking for Sponsors & Partners! 📞✨

𝙏𝙤𝙜𝙚𝙩𝙝𝙚𝙧, 𝙬𝙚 𝙢𝙤𝙫𝙚. 𝙏𝙤𝙜𝙚𝙩𝙝𝙚𝙧, 𝙬𝙚 𝙢𝙖𝙠𝙚 𝙞𝙢𝙥𝙖𝙘𝙩. 💜

Manila Moves 2026 more than a virtual run is a movement rooted in purpose and community. With every step, we hope to extend support to Manila’s most vulnerable sectors, and we can’t do it alone.

We’re inviting organizations, brands, and advocates to partner with us in bringing this initiative to life. 🤝🌆

Your support will help amplify our reach, strengthen our advocacy, and create meaningful change for children and communities in need. Through this collaboration, we can transform simple acts of movement into lasting impact. ✨

Be part of something bigger. Partner with us and help bring Manila Moves 2026 to life.

𝙋𝙖𝙧𝙩𝙣𝙚𝙧 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙪𝙨! 📣

https://tinyurl.com/ManilaMoves2026Proposals

𝙇𝙚𝙩’𝙨 𝙢𝙤𝙫𝙚 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙥𝙪𝙧𝙥𝙤𝙨𝙚. 💓🌸

Pub by: Maurin Mateo & Vlademir Dela Cruz
Caption by: Jordz Malicdem



29/03/2026

𝗔𝗿𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗠𝗼𝘃𝗲 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗣𝘂𝗿𝗽𝗼𝘀𝗲, 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮?

𝗖𝗼𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗼𝗼𝗻. 𝟯.𝟯𝟭.𝟮𝟲

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


1/F Rizal Hall, UP Manila College Of Arts And Sciences
Manila
1000