UP Manila CAS Student Council

UP Manila CAS Student Council Campaign-centered. Activity-based. Service-oriented.

๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—˜๐—›๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ง ๐— ๐—š๐—” ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ: ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ ...
20/08/2026

๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—˜๐—›๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ง ๐— ๐—š๐—” ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ: ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ ๐—›๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—จ๐—  ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” โ€œ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ: ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—›๐—ข๐—ข๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—˜๐——๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆโ€

โ€ผ๏ธ TRIGGER WARNING: Mentions of gun violence in schools and universities. โ€ผ๏ธ

Sa kakatapos lamang na dayalogo ng Konseho ng mga Mag-aaral ng KAS sa administrasyon ng Kolehiyo, malinaw na nakita ang kabiguan nitong konsultahin ang sangkaestudyantehan at ang mga lehitimong kinatawan nito bago magpatupad ng programang direktang nakaaapekto sa ating seguridad at kapakanan. Sa dayalogo ng Konseho at administrasyon, kinilala mismo ang kakulangan sa konsultasyon, ngunit ipinagtanggol ang pagpapatuloy ng programa dahil umano sa urgent na kahilingan ng mga magulang at sa โ€œunethicalโ€ na pagkansela sa aktibidad matapos magbigay ng kumpirmasyon ang mga speaker. Ngunit ang urgency ay hindi lisensya upang lampasan ang demokratikong proseso. Kung may panahon upang magplano, mag-imbita ng tagapagsalita, at maghanda ng programa, may panahon ding kumonsulta sa mga estudyanteng direktang maaapektuhan nito.

Mas lalong kailangang suriin ang paglahok ng isang uniformed state security force (Philippine Coast Guard) sa loob ng pamantasan. Maaaring sabihin ng administrasyon na hindi ito programa para sa militarisasyon, ngunit hindi sapat ang deklarasyon ng intensyon upang burahin ang lehitimong pangamba sa epekto ng presensya ng armadong institusyon ng estado sa isang akademikong espasyo. Ang tanong ay hindi lamang kung โ€œmilitarisasyonโ€ ba ang tawag dito, kundi kung bakit patuloy na itinuturing na kinakailangang bahagi ng campus safety ang mga armadong institusyon, habang isinasantabi ang boses ng mismong mag-aaral ng Unibersidad, lalong lalo na sa kasaysayan ng presensya ng mga uniformed personnel sa Pamantasan. Katulad na lamang ni Cobbie Jan Canda at mga kasamahan nito sa rehiyon ng UP Mindanao na patuloy ang paniniktik ng kapulisan kung saan nilagay sa โ€œwanted active personsโ€ ang mga kabataang aktibista.

Tinututulan namin ang isang security framework na nag-nonormalisa sa presensya ng mga armadong puwersa sa kampus at sabay na ipinapasa sa mga estudyante ang bigat ng paghahanda para sa karahasang dapat pinipigilan ng institusyon. Hindi sapat na turuan ang kabataan kung paano tumugon sa isang shooting habang hindi sapat ang pagtutok sa prevention, mental health services, counseling, psychosocial support, student welfare, at regulasyon sa akses sa armas. Ang campus safety ay hindi dapat maging simpleng โ€œsurvival trainingโ€ para sa mga estudyante. Hindi responsibilidad ng kabataan na maghanda para sa kabiguang maprotektahan ng Unibersidad ang kanilang nasasakupan.

Tinututulan din ng Konseho ang pananaw na sapat nang magkaroon ng konsultasyon โ€œsa susunod.โ€ Ang konsultasyon ay hindi dapat maging damage control matapos mailabas ang isang kontrobersyal na programa. Ito ay karapatan ng sangkaestudyantehan at kinakailangang bahagi ng demokratikong proseso sa pag-organisa ng Pamantasan. Ang boses ng mga mag-aaral ay hindi dapat pakinggan lamang kapag tapos na ang desisyon.

Sa halip na gawing sentro ng campus safety ang presensya ng uniformed state forces, nananawagan kami para sa holistiko, maagap, nakasentro sa mag-aaral, at demokratikong sistema ng seguridad. Palawakin at gawing aksesible ang mental health at counseling services, palakasin ang psychosocial at emergency response mechanisms, bumuo ng malinaw na prevention protocols, at tiyaking may sapat na suporta sa mga estudyanteng nangangailangan nito. Ipaglaban ang mahigpit na regulasyon sa akses at pagmamay-ari ng armas at tugunan ang mga ugat ng gun violence, hindi lamang ang mga sintomas nito.

Higit sa lahat, hinihingi namin ang institusyonalisadong konsultasyon sa CASSC at mga organisasyon ng mag-aaral para sa lahat ng programang may direktang epekto sa seguridad at kapakanan ng sangkaestudyantehan. Ang commitment ng administrasyon na kumonsulta sa mga susunod na programa ay dapat maging aktuwal na pagbabago sa proseso, hindi lamang pangako matapos ang isang lapse.

Ang tunay na ligtas na kampus ay hindi nasusukat sa dami ng unipormadong puwersang ipinapasok dito. Nasusukat ito sa lawak ng serbisyong naibibigay, sa lakas ng mekanismong pumipigil sa karahasan at kultura ng impunidad, at sa lawak ng demokratikong partisipasyon ng mga taong bumubuo sa pamantasan. Ang KAS ay para sa malayang pagkatuto at paglaya ng kaisipan, hindi para sa normalisasyon ng presensya ng mga armadong puwersa ng estado. ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ, ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ธ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ!

MULI, MARIING NANANAWAGAN ANG SANGKAESTUDYATEHAN NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS MANILA NA IHINTO ANG GAWAING FORUM NG CAS NA โ€œSAFE CAMPUS: ACTIVE THREAT AND SHOOTING PREPAREDNESS TRAINING FOR COLLEGE STUDENTSโ€

MILITAR SA PAMANTASAN, PALAYASIN! UPHOLD UP-DND ACCORD

๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฑ๐Ÿฎ ๐—ก๐—” ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—˜๐—›๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—›๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—จ๐—  ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” โ€œ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ: ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—›๐—ข๐—ข๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜...
20/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฑ๐Ÿฎ ๐—ก๐—” ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—˜๐—›๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—›๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—จ๐—  ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” โ€œ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ: ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—›๐—ข๐—ข๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—˜๐——๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆโ€

โ€ผ๏ธ TRIGGER WARNING: Mentions of gun violence in universities and schools. โ€ผ๏ธ

Kahapon ay naglabas ng imbitasyon ang UP Manila CAS Administration sa kanilang inoorganisang pagsasanay o training na pinamagatang โ€œSAFE CAMPUS: Active Threat and Shooting Preparedness Training for College Studentsโ€ na gaganapin sa ika-25 ng Agosto, kasama ang inimbitahang tagapagsalita na si Dr. Teofredo Esguerra, na dating nagserbisyo sa Philippine Coast Guard (PCG).

Gayunpaman, hindi natin maaaring ihiwalay ang kasaysayang bitbit ng PCG, kasama ang Armed Forces of the Philippines na nangunguna sa pagprotekta ng sistemang ang mga naghaharing-uri lamang ang nakikinabang. Nitong nakaraang taon lamang ay hinarangan ng PCG ang ibaโ€™t ibang sektor sa isinagawang protesta sa Luneta noong ika-21 ng Setyembre. Dagdag pa rito, sinuposrtahan mismo ng PCG ang pagbuwag ng UP-DND Accord noong 2021 kung saan naniniwala raw sila na ito ay nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mas epektibong pakikipagtulungan sa pagitan ng Unibersidad at mga unipormadong tauhan ng estado.

Ang pag-imbita ng naging miyembro ng PCG ay taliwas sa ipinaglalaban ng sangkaestudyantehan kung saan patuloy ang ating paglaban sa pagpapalayas sa presensya ng militar, kapulisan, coast guard at iba pang puwersa ng estado sa ating pamantasan. Higit sa lahat, hindi mapagkakatiwalaan ng sangkaestudyantehan ang isang administrasyon na hindi lamang nabigo sa pagpapatupad ng UP DND Accord, kundi sila pa mismo ang lumalabag dito. Ang administrasyon ng ating Unibersidad at ng Kolehiyo ang dapat na nangunguna sa pagprotekta sa karapatan ng sangkaestudyantehan, at ang kanilang patuloy na pakikipag-ugnay sa pasistang estado at mga puwersa nito ay hindi umaayon sa kanilang pangako na unahin ang kapakanan ng mga mag-aaral at harap-harapang paglabag sa ating kalayaang pang-akademiko.

Hindi kailanman masasagot ng mga ganitong aktibidad ang school shootings dahil hanggaโ€™t pinapanatili ang pagnormalisa sa pasismo at pang-aabuso sa kapangyarihan, mananatili ang ganitong suliranin sa mga paaralan. Higit pa rito, ang naturang training ay hindi naman natutugunan ang ugat ng school shootings, bagkus ay pinapasan ng sangkaestudyantehan ang responsibilidad ng mga paaralang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Sa halip na palawakin ang akses sa serbisyo para sa mental health, inaasahan pa ng administrasyon ang paghahanda ng mga mag-aaral para sa mga ganitong klase ng insidente. Hindi basta-bastang nagpapakilala ang baril sa mga kabataan, kung kayaโ€™t mas nararapat lamang na ugatin kung paano nagkaroon ng akses ang kabataan sa mga armas at bakit nila ito ginagamit sa paaralan.

Mariing kinokondena ng Konseho ng Mag-aaral ng KAS ang aktibidad na ito at anumang anyo ng imbitasyon sa mga puwersa ng estado na patuloy na nagkakait sa kaligtasan ng mga kabataan. Bilang kinatawan ng mga Mag-aaral ng KAS, pinapanawagan ng Konseho ang agarang pagkansela sa naturang pagsasanay, at nararapat lamang na tugunan ng administrasyon ang ugat ng problema. Kailangang dagdagan at gawing aksesible ang mga basic student services katulad ng mental health services at counseling. Iginigiit rin ng konseho ang pagsasagawa ng konsultasyon ng administrasyon sa konseho tungkol sa mga inisiyatiba na para sa sangkaestudyantehan. Isabatas ang regulasyon sa pag-aari ng mga armas. Depensahan ang kalayaang pang-akademiko ng sangkaestudyantehan at ng Unibersidad!

Ang KAS ay dapat manatiling isang ligtas na espasyo para sa sangkaestudyantehan at hindi gamiting plataporma ng paghuhugas-kamay at pagpapasa ng responsibilidad sa mga kabataan.

LUBOG NA NAMAN ANG SAMBAYANAN! LUSOB PARA SA PANANAGUTAN!Binabaha na naman ang mga kalsada ng Taft Avenue at kalakhan ng...
18/08/2026

LUBOG NA NAMAN ANG SAMBAYANAN! LUSOB PARA SA PANANAGUTAN!

Binabaha na naman ang mga kalsada ng Taft Avenue at kalakhan ng Maynila nang dahil sa kawalang pananagutan ng gobyerno at kapalpakan sa kanilang flood control projects. Ang mga lungsod at komunidad ay lubog, at ang mga mamamayan ay napipilitang lumusong sa baha, habang sina Marcos Jr. ay naghahari-harian sa palasyo ng Malacaรฑang, ipinagsasawalang-bahala ang mga mamamayang patuloy niyang nilulubog sa kahirapan.

Kamakailan lamang ay kinaltasan ang budget allocation sa buong University of the Philippines (UP) System mula 29.5 billion ngayong 2026 hanggang โ‚ฑ26.5 billion sa susunod na taon. Kadugtong dito ang pagkaltas din ang pondo para sa Philippine General Hospital sa kabila ng kakulangan sa maayos na pasilidad at mababang pasahod para sa mga healthcare workers.

Sa pagkaltas ng pondo para sa sektor ng edukasyon at pangkalusugan, lumobo naman ang pondo na nilaan sa DPWH para sa mga proyektong pang-imprastraktura gaya na lamang ng kadusta-dustang flood control projects na hindi naman nadarama ng mga mamamayang Pilipino. Gayundin ang pondo para sa mga ahensya para sa disaster preparedness ay kinaltasan din sa 2027 National Expenditure Program. Mula rito, malinaw na ang tindig ni Marcos Jr. ay hindi para pagsilbihan ang mga mamamayan nito.

Mariing kinukundena ng konseho ng mag-aaral ng UP Manila ang kawalang bahala at pananagutan ng administrasyon ni Marcos Jr. sa paglustay at misalokasyon ng pondo ng mamamayan. Isang taon na ang nakalilipas mula sa palpak na flood control, subalit wala pa ring nakukulong sa mga sangkot sa korapsyon at patuloy ang pagbaha sa mga komunidad.

Sa kabila ng mga banta at hamon na ito, patuloy na susuong ang mga hanay ng kabataan upang itaguyod ang karapatan ng mga mamamayan at panagutin ang mga nasa itaasโ€“mananatiling iskolar ng bayan na patuloy na lalaban at para sa bayan. Tuloy-tuloy ang pag-oorganisa at militanteng pagkilos hanggaโ€™t hindi nananagot ang mga nanunungkulan tulad ni Marcos Jr. na walang ibang ginawa kundi ilubog sa kahirapan ang mga mamamayang PIlipino.

Inaanyayahan natin ang mga iskolar ng bayan na makiisa at kumilos! Magmulat, patuloy na makialam, at sumandig sa masang nangangailangan sa gitna ng hagupit ng panahon.

Ang UP Manila University Student Council ay kasalukuyang nangangalap ng donasyon (monetary or in-kind) para sa mga kababayan natin na apektado ng sakuna.

Monetary donations:
GCASH, GoTyme
018849742206 (Aeron Kim D.S.)

MariBank
19896906126 (Ian Brenard M.)

In-kind donations
Sa in-kind donations, maaaring umugnay sa UPM USC email ([email protected]) o maaaring magmessage sa FB page na ito upang makipag-ugnayan.

๐ˆ๐’๐Š๐Ž๐‹๐€๐‘ ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐, ๐“๐”๐‹๐Ž๐˜-๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐‹๐€๐๐€๐!Taon-taon na lamang ay nakararanas tayo ng panggigipit ng estado sa kapabayaan n...
15/08/2026

๐ˆ๐’๐Š๐Ž๐‹๐€๐‘ ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐, ๐“๐”๐‹๐Ž๐˜-๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐‹๐€๐๐€๐!

Taon-taon na lamang ay nakararanas tayo ng panggigipit ng estado sa kapabayaan nito sa sektor ng edukasyon at kalusugan. Nagbabadya ang pagtapyas sa pondo ng UP para sa 2027 na aabot sa mahigit โ‚ฑ2 Billion. Dahil dito, malinaw na manipestayon nito ang pag-aagawan sa mga units tuwing enrollment, wala pa ring sapat na espasyo sa ating kolehiyo at pamantasan, at patuloy na binabaha ang ating kampus at karatig nitong mga lugar. Hindi pa rin napapanagot si Sara Duterte at lahat ng sangkot sa korapsyon lalo na si Marcos Jr. At marami pang isyung panlipunan na tagpi-tagpi sa ating mga suliranin bilang mga Iskolar ng Bayan.

Kaya sa pagbubukas ng panibagong semestre, patuloy natin ipapakita ang ating militanteng pakikibaka bilang mga Iskolar ng Bayan!

๐Ÿ“… AUGUST 17, 2026
11:00 AM โ€“ Assembly @ CAS Tambayan
12:00 PM โ€“ Program @ CAS Gate
12:30 PM โ€“ Snake Rally to PGH Oblation Plaza
12:50 PM โ€“ Program @ PGH Oblation Plaza

Magkita-kita tayo, mga Iskolar ng Bayan! Bitbitin ang ating mga panawagan at ng malawak na hanay ng masa!


12/08/2026
Oops oops oops! Kamusta ang enrollment szn niyo, mga Iska at Isko? ๐Ÿซฉ๐ŸŒปGets niyo din ba kami na mga wala pang units? May e...
12/08/2026

Oops oops oops! Kamusta ang enrollment szn niyo, mga Iska at Isko? ๐Ÿซฉ๐ŸŒป

Gets niyo din ba kami na mga wala pang units? May enrollment concern ba kayo? Done with your enrollment? ๐Ÿ˜ž Access the QR codes below!

If you encounter any technical glitches or system errors while using the Advising and Enlistment Modules on the ISKOLAR platform, please report them immediately through TUGON.

Email Support: Send an email to [email protected] and [email protected] (Kindly cc: the CAS Office of the College Secretary at [email protected]).๐Ÿ“Ž

ITS ENROLLMENT SZN AGAIN! ๐ŸŒปTo help everyone get the best experience in ISKOLAR, we're sharing the advising and enrollmen...
10/08/2026

ITS ENROLLMENT SZN AGAIN! ๐ŸŒป

To help everyone get the best experience in ISKOLAR, we're sharing the advising and enrollment guidelines to you for Academic Year 2026-27! Please take time to go through them ๐Ÿค

๐™€๐™‰๐™๐™Š๐™‡๐™‡๐™ˆ๐™€๐™‰๐™ ๐™‹๐™€๐™๐™„๐™Š๐˜ฟ: August 10-14, 2026, 8:00 AM

During the enrollment period, advising requests will still be accomodated. To ensure advising and enlistment access, complete the following:
โœ… 100% response rate for SET and UPSCEE
โœ… Fit-to-Enroll status for AY 26-27
โœ… Approved readmission request

If you have questions or inquiries, do not hesitate to message the following!

โ€ข CAS Student Council: https://www.facebook.com/share/1MrK3hG55A/?mibextid=wwXIfr
โ€ข Submit a ticket via TUGON: http://tugon.upm.edu.ph
โ€ข Message the Office of the College Secretary (OCS): https://www.facebook.com/share/14SG8yyr6sn/?mibextid=wwXIfr

Goodluck, Iskas and Iskos!

๐‹๐”๐๐€๐๐† ๐๐ˆ๐๐”๐๐Ž, ๐ƒ๐„๐๐„๐๐’๐€๐‡๐€๐, ๐ƒ๐„๐๐„๐๐’๐€๐‡๐€๐, ๐ˆ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐!Ilang taon na simula ng makalaya ang Pilipinas mula sa mga bansang suma...
09/08/2026

๐‹๐”๐๐€๐๐† ๐๐ˆ๐๐”๐๐Ž, ๐ƒ๐„๐๐„๐๐’๐€๐‡๐€๐, ๐ƒ๐„๐๐„๐๐’๐€๐‡๐€๐, ๐ˆ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐!

Ilang taon na simula ng makalaya ang Pilipinas mula sa mga bansang sumakop rito ngunit ang pambansang minorya ay patuloy na itinutulak sa laylayan ng ating lipunan. Mula sa panahon ng kolonyalismo hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang laban ng mga katutubo o Indigenous People (IP) sa kanilang karapatan sa kanilang sariling lupang ninuno.

Araw-araw, ang ating mga kasamahang IP ay humaharap sa ibaโ€™t ibang porma ng pananakot mula sa pasistang pulis at militar na naglalayong mapaalis ang mga katutubo sa kanilang komunidad. Ito ay upang magbigay daan sa pagpasok ng malalaking kumpanya at kanilang makamkam ang likas na yaman ng Pilipinas. Dito natin nakikita na talagang mayaman ang Pilipinas, ngunit dahil sa patuloy na pagiging tuta ng ating estado sa mga korporasyon, ang mga mamamayang Pilipino ang naghihirap. Danas ito ng mga Boracay Ati kung saan patuloy na binabarikada ng JECO Development Corporation ang kanilang komunidad sa kabila ng pagkakaroon ng titulo o Certificate of Land Ownership Award (CLOA). Dagdag din dito ang karanasan ng mga residente at katutubong magsasaka mula sa Dupax del Norte kung saan pinirmahan ng DENR ang exploration permit ng Woggle Corporation sa kabila ng mariing pagtutol ng mga residente at environmental advocates. Hindi tumigil dito ang pamamasista ng estado. Nito lamang na ika-17 ng Abril ay pinirmahan ni Trade Undersecretary Rodolfo ang Pax Silica kung saan maaapektuhan ang lupang ninuno ng komunidad ng Aeta sa Barangay Oโ€™Donnell sa Capas, Tarlac.

Ngunit hindi nagtatapos ang hirap ng mga IP sa pangkakamkam ng kanilang lupain, talamak ang militarisasyon sa kanayunan at sa ibaโ€™t-ibang komunidad ng mga katutubo. Noong 2020, siyam na baranggay ang sinalakay ng daan-daang militar at pulisya kung saan labing-anim ang ilegal na inaresto at siyam ay pinatay. Makikita natin na hindi na ito isolated cases. Ito ay isang patunay na ang ating estado ay patuloy tayong binibigo sa kanilang tungkulin na protektahan ang mamamayang Pilipino, lalong lalo na ang pambansang minorya.
Kaya ngayong International Day of the World's Indigenous Peoples (IDWIP) 2026, taas-kamaong nakikiisa ang Konseho ng Mag-aaral ng Kolehiyo ng Agham at Sining sa mga pambansang minorya sa kanilang walang humpay na laban para sa pagtatanggol ng lupang ninuno, karapatan sa sariling pagpapasya, at makatarungang kinabukasan.

Hindi maihihiwalay ang usapin ng mga Katutubo sa mas malawak na krisis ng lipunang Pilipino. Patuloy na iniluluwal ng mapagsamantalang sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ang pang-aagaw sa lupang ninuno sa ngalan ng malalaking operasyong pagmimina, mga proyektong pang-enerhiya, at iba pang mapanirang negosyo. Kasabay nito ang tumitinding militarisasyon, pananakot, red-tagging, sapilitang pagpapalayas, at iba't ibang anyo ng panunupil na naglalayong patahimikin ang lehitimong paglaban ng mga komunidad na nagtatanggol sa kanilang lupa, kultura, at kabuhayan.

Bilang mga Iskolar ng Bayan, hindi sapat ang manatiling saksi sa mga paglabag na ito. Ang edukasyong pinopondohan ng mamamayan ay nararapat lamang na ibalik sa sambayanan sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga inaapi at pinagsasamantalahan. Tungkulin nating gamitin ang ating kaalaman, kakayahan, at sama-samang lakas upang ipagtanggol ang karapatan ng mga pambansang minorya at suportahan ang kanilang makatarungang pakikibaka para sa lupa, dignidad, at tunay na sariling pagpapasya.

Sa harap ng patuloy na pag-atake sa mga komunidad ng Katutubo, hindi tayo dapat manaig sa katahimikan at pagwawalang-bahala. Ang pagtatanggol sa lupang ninuno ay pagtatanggol din sa kalikasan, sa pambansang soberanya, at sa kinabukasan ng sambayanang Pilipino. Tutulan ang pagtayo ng Pax Silica sa Pilipinas.

Magmulat. Mag-organisa. Magpakilos. Palakasin ang pagkakaisa ng mga Iskolar ng Bayan at mamamayan sa pagsusulong ng demokratikong karapatan at makatarungang kapayapaan para sa lahat. Abolish NCIP!

Makibaka kasama ang mga pambansang minorya! Ipagtanggol ang lupang ninuno! Ipaglaban ang karapatan sa sariling pagpapasya!

Address

1/F Rizal Hall, UP Manila College Of Arts And Sciences
Manila
1000

Telephone

+639458975617

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Manila CAS Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to UP Manila CAS Student Council:

Shortcuts

Share