17/05/2026
๐๐ป๐ด๐ธ๐น๐๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ฒ๐๐ฝ๐ฎ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐๐ฏ๐ถ๐, ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐๐๐ข๐๐๐ง! ๐
Ngayong Mayo 17, ating ipinagdiriwang ang International Day Against Homophobia, Biphobia, Interphobia, and Transphobia (IDAHOBIT), na layuning itaguyod ang respeto at pagkakapantay-pantay anuman ang s*xual orientation, gender identity, gender expression, at s*x characteristics (SOGIESC) ng isang tao. Sa parehong araw noong taong 1990, opisyal na tinanggal ng World Health Organization ang homos*xuality sa listahan ng mga sakit sa pag-iisip.
Nakakalungkot at nakagagalit ang patuloy na pag-iral ng mga s*xist remarks at mapanirang pananalita laban sa LGBTQIA+ community, sapagkat hindi ito simpleng biro o opinyon lamangโito ay may malalim na epekto sa mental health ng mga indibidwal. Isang halimbawa nito ang isyu ng transphobic remarks laban kay Awra Briguela, na nagbukas ng usapin sa normalisasyon ng ganitong uri ng diskriminasyon, lalo naโt nagmumula ito sa mga taong may awtoridad, at kung paano ito nagdudulot ng trauma, takot, at patuloy na marginalization sa bahagharing komunidad.
Kayaโt kami, ang PNU Katalonan, ay kasama sa pagsusulong ng respeto, pagkakapantay-pantay, at ligtas na espasyo para sa LGBTQIA+ community. Sa paggunita ng IDAHOBIT, hinihikayat namin ang lahat na labanan ang diskriminasyon, maging bukas sa pagkatuto tungkol sa gender diversity, at maging aktibong kaagapay sa pagtataguyod ng inklusibo at mapagkalingang komunidad.
Maaaring magsimula ang suporta sa sama-samang pagkilos sa pamamagitan ng mga simpleng hakbang.
๐ ๐๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ง๐ข๐ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ -๐ฎ๐ง๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ซ๐๐ง๐๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐ข๐๐
๐ณ๏ธโ๐ ๐๐๐ ๐ซ๐๐ฌ๐ฉ๐๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ข๐๐๐ ๐๐ญ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ง๐จ๐ฎ๐ง๐ฌ
๐ซ ๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฉ๐๐ง๐ฅ๐๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐๐ญ ๐๐ข๐ซ๐จ
๐ฌ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐ข ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ฌ๐ค๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ข๐๐โ๐ญ ๐ข๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ซ๐๐ง๐๐ฌ๐๐ง
๐ค ๐๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ฎ๐จ ๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ฉ๐๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ
Dahil ang tunay na ingklusibong komunidad ay nabubuo sa sama-samang pagkilos, respeto, at malasakit.
๐
โ
๐ต๐ญ
๐ณ๏ธโ๐๐ณ๏ธโโง๏ธ
๐: Rai
๐๏ธ: AU
๐ผ๏ธ: Jaypee
--
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
Chakravarthi, B. R., Priyadharshini, R., Ponnusamy, R., Kumaresan, P. K., Sampath, K., Thenmozhi, D., Thangasamy, S., Nallathambi, R., & McCrae, J. P. (2021). Dataset for identification of homophobia and transophobia in multilingual YouTube comments. arXiv. https://arxiv.org/abs/2109.00227
Tanni, T., Akter, M., Anderson, J., Amon, M., & Wisniewski, P. (2024). Examining the unique online risk experiences and mental health outcomes of LGBTQ+ versus heteros*xual youth. arXiv. https://arxiv.org/abs/2402.0897
Verywell Health. (2020). What is transphobia? https://www.verywellhealth.com/transphobia-5077602
Tuazon, N. (2026, May 16). Awra Briguela calls out professor over โdisrespectfulโ remark. PEP.ph. https://www.pep.ph/news/local/192231/awra-briguela-professor-disrespectful-remark-a721-20260516