07/08/2026
๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ-๐๐๐๐๐๐ง! ๐ผ๐ฃ๐ค, ๐๐๐ง๐?!!
Bilang pagsuporta sa Panahon ng Halalan na pinamumunuan ng CEIS SHS Manila Commission on Elections, kami sa Konsehong Pangmag-aaral ng Centro Escolar Integrated School Senior High School - Manila ay narito upang bigyan kayo ng linaw sa mga posisyong maaari ninyong tunguhin upang ipagpatuloy ang mandato ng mga mag-aaral sa ating paaralan at paigtingin ang ating boses sa mga lokal at pambansang mga isyung panlipunan.
Maaari ninyong makita sa mga larawan ang mga deskripsyon ng mga tungkulin at responsibilidad ng bawat posisyon (Batay sa Artikulo XII, Seksyon 1-10 ng Saligang Batas ng CEIS SHS Manila Student Council) upang magabayan ang lahat sa kung anuman ang gusto nilang tahakin. Ang mga bukas na posisyon ay ang mga sumusunod:
- Pangulo (President)
- Pangalawang Pangulo para sa Usaping Panloob (Vice President - Internal)
- Pangalawang Pangulo para sa Usaping Panlabas (Vice President - External)
- Kalihim (Secretary)
- Ingat-Yaman (Treasurer)
- Tagasuri (Auditor)
- Taga-ugnay Pangmadla (Public Relations Officer)
- Representante ng mga Strand / Klaster (ABM/HUMSS/STEM Strand Representative at ASSH/BE/STEAM Cluster Representative)
Para mga iba pang mga impormasyon ukol sa paghahain ng kanilang kandidatura, mangyaring iscan ang mga QR Code na nasa larawan o puntahan ang mga mahalagang link na ito:
*Mga Bukas na Posisyon para sa Kandidatura at mga Gabay sa Paghahain ng Kandidatura
https://www.facebook.com/share/p/1Ev68zHdUs/
*Pangkalahatang Gabay sa Eleksyon
https://www.facebook.com/share/p/19v4EMTbKq/
Nawa'y kayo'y nagabayan ng maigi.