02/06/2019
Mga dapat paghandaan ng magulang sa unang araw ng pasukan mula Kay Teacher Gerry:
1. Pagiyak at pagwawala ang karaniwang scenario sa unang araw ng pasukan lalo na sa Kindergarten/Day Care kung saan ang ilang bata ay ayaw humiwalay sa kanilang magulang. Tinatawag itong separation anxiety.
2. Para ihanda ang bata ay kausapin ito at ipakilala ang paaralang kanyang papasukan pati ang kanyang magiging g**o. Kung maaari ay ipakita ang klasrum at sabihin ang kanyang mga gawain sa loob ng klasrum bago ang pasukan.
3. Pwede ring mag-iwan ng kahit anong bagay tulad ng panyo na magsisilbing assurance na ikaw ay babalik kapag iniwan mo siya.
4. Isang linggo ang binibigay para sa mga batang may ganitong anxiety. Huwag hayaan na ang bata ang masusunod kapag ayaw niyang pumasok. Dapat maging firm at sabihin na kailangan niyang magaral para matuto. ❤
(photo credit to ABS-CBN)