Sangay Pilantikโ€”KADIPAN

Sangay Pilantikโ€”KADIPAN

Share

Ang Sangay Pilantik ay lupon ng mga progresibong manunulat na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa ilalim ng Kapisanang Diwa at Panitik-PNU Maynila

06/05/2026

๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜„๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ - ๐—ฃ๐—ก๐—จ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—–๐˜‚๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—บ

Mariing tinututulan ng Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN) ang panukalang pagtapyas sa mga kurso sa ilalim ng General Education (GE) naglalayong baklasin ang 36 units tungo sa 18 units o katumbas na lamang ng anim na kurso sa kolehiyo. Kaugnay din nito ang polisiya ng Commision on Higher Education (CHED) na CMO blg. 20 noong 2013 na nagpaliit din sa espasyo ng GE at nagtanggal sa Filipino at Panitikan bilang mandatoryong kurso. Litaw sa panukalang ito ang sapilitang pagpapanipis ng estado sa papel ng wikang Filipino at mga asignatura sa ilalim ng Humanidades at Agham Panlipunan na humuhubog sa pambansang pagkakakilanlan at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral at hahamon sa mga katiwalian na nangyayari sa lipunan.

Ngayong laganap na ang fake news, korapsyon, at kawalan ng pananagutan, ang pagbabawas sa mga kursong humuhubog sa historical imagination at civic consciousness ng mga mag-aaral ay isang krimen na pagkukulang sa tungkulin ng estado. Ang layuning gawing "industry-responsive" ang kolehiyo ay pag-amin na nais gawing pabrika ng mga manggagawa ang pamantasan sa halip na lunsaran ng malayang kaisipan. Ang pagbabasa sa GE bilang "duplication" o "excess units" ay isang insulto sa talino ng bawat Pilipino. Higit pa rito, kinikilala ng kapisanan na ang panukalang ito hindi lamang administratibong desisyon ng CHED, kundi isang sistematikong pag-atake na pinamumunuan ng mga puwersang pampulitika sa ilalim ng EDCOM II.

Mariing tinututulan ng KADIPAN ang framing ng EDCOM II na naglalarawan sa ating edukasyon bilang โ€œGE-heavy, internship-light.โ€ Ang ganitong lengguwahe ay hindi neutral; ito ay isang mapanganib na ideolohiya na itinuturing ang sining, kasaysayan, at pilosopiya bilang mga sagabal sa halip na pundasyon ng pagkatao. Kayaโ€™t naniniwala ang kapisanan na ang pagtapyas sa mga kursong GE ay nakaugat din sa malalim na usapin sa wikang pinapaboran ng estado at pinapayagang maging daluyan ng pag-iisip ng mga mag-aaral. Kakambal din nito ang hangganan ng pinapayagan ng pamahalaan kung saan lamang iiral ang kamalayan ng mga Pilipino sa edukasyon. Lantad ang layunin ng estado na gawing mangmang ang mga Pilipino upang manatili ang mga burukrata-kapitalista sa gobyerno.

Hindi ito hiwalay sa mas mahabang kasaysayan ng pandudusta sa wika dahil sa mga polisiyang ipinatupad. Bukod sa CMO blg. 20, kaugnay rin dito ang pagbura sa Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) na hakbang sa paglayo ng sistema sa ugat ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika bilang pundasyon ng pagkatuto. Ang pagbawas ng mga kursong GE ay nagpapatuloy sa parehong lohika; unti-unting binabawasan ang mga espasyo kung saan ang mga asignatura sa ilalim ng Humanidades at Agham Panlipunan na siyang konektado rin sa wikaโ€”ang Filipino at iba pang katutubong wikaโ€”ay ginagamit hindi lamang sa komunikasyon, kundi sa pagbuo ng kaalaman at kritikal na pag-iisip.

Sa ilalim ng kasalukuyang borador ng kurikulum ng GE, ito ay binubuo ng 15 units para sa core at mandated courses, habang 3 units naman para sa Institutional GE; ang Professional Communication, Global Trends and Emerging Technologies, Data, Evidence and Ethics in a Knowledge Society, Rizal and Philippine Studies, at Labor Education. Nauna pang magpanukala ng hindi maka-Pilipinong polisiya kaysa dagdagan ang pondo sa edukasyonโ€”sa mga pamantasan na umaaray dahil sa limitadong espasyo at kagamitang pagkatuto. Dagdag din dito ang matagal ng panawagan ng mga g**o sa nakabubuhay na sahod. Sa pagbabawas ng kursong GE, kasabay rin nito ang banta sa kawalan ng trabaho ng mga g**o dahil mababawasan din ang ituturo.

Tinatabunan ng panukalang ito, ang mga problemang dapat na solusyonan at ang mga asignaturang lumilinang sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Ang etika ay hindi inaalis sa larangan, na ngayon ay isinisingit na lamang sa mga kursong nakasentro sa datos at sistema. Samantala, ang pag-unawa sa lipunan ay nalililimitahan sa mga abstraktong paksa gaya ng โ€œglobal trends,โ€ na hindi nakaugat sa lokalisadong karanasan ng mag-aaral. Pabor at pokus lamang ng pagkatutong isinusulong nila ang mga teknikal na kasanayang gagawing makinarya ang mga Pilipino na ang tanging layon ay hubugin ng mga mamamayan na maglilingkod sa dayuhan at hindi sa sariling bayan.

Mula rito, makikita ang litaw na pagkiling sa neoliberal na edukasyon ng sistema kung saan ang halaga ng pagkatuto ay sinusukat sa kakayahan nitong tugunan ang pangangailan ng merkado. Sa ganitong porma, ang mga kursong nakatuon sa pag-aaral ng sariling wika at Humanidades at Agham Panlipunan tulad ng Pilosopiya, Etika, Sining, at iba pang mga kursong GE ay itinuturing na sagabal sa pagsandig sa kolonyal na edukasyonโ€”ginagawang makinarya ang pagkatuto upang magluwal ng mga Pilipino na magsisilbi sa ibang bayan.

๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ ๐—š๐—˜ ๐—–๐˜‚๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—บ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐˜‚๐—น๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐˜๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜€ ๐—พ๐˜‚๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป.

๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ผ, ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—”๐——๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ก ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐˜๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—š๐—˜ ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฑ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.

Hamon sa mga g**o at mga mag-aaral na Pilipino na tasahin at bakahin ang mga polisiyang ipinatutupad ng estado nang walang tiyak na layunin sa pagpapaunlad ng sariling atin. Patuloy na pagyamanin ang sariling wika, kultura, at identidad na magpapatibay sa lipunan natin upang bumalikwas sa nakagapos na sistemang ang dayuhang bayan ang nakikinabang.

PARA SA DIWA, PANITIK, AT KARAPATAN NG BAWAT MAG-AARAL AT G**O! IPAGLABAN ANG SIYENTIPIKO AT MAKA-MASANG EDUKASYON!

13/04/2026

Sa tuwing sasakay ako ng jeep,
may tanong na paulit-ulit kong naririnigโ€”
"Ano, kaya pa ba?"

Hindi na lang ito simpleng tanong,
kung nangangalay na ba sa pag-upo
o sa maghapong pakikipagsapalaran sa likod ng umiikot na gulongโ€”

kundi tanong na bumabagabag
sa mga taong araw-araw kumakayod sa kalsada,
kung kaya pa ba mag-uwi
ng hindi barya-barya
para sa pamilya

At habang patuloy silang lumalaban nang patas,
may isang katanungan pa ang hindi kumukupas,
"Nakikinig kaya ang mga nasa itaas?"

May nakikinig pa ba
sa mga boses tulad nila,
o mananatili na lang itong tanong
na tinatangay ng ingay sa kalsada?

Hindi sapat ang limang-libong ayuda,
ang kailangan ay
solusyong hindi panakip-butasโ€”
hindi band-aid solution,
sa paulit-ulit na problema.
Ang kailangan ay solusyong makatao
at maayos na sistema.

Isinulat ni Mayver Julianne Garcia


01/04/2026

Pandama

kung hindi mo ginagamit ang iyong mga mata...
marahil ay hindi mo nakikita
ang kahabaan ng pila
ang siksikan sa sasakyan
ang sumikip na daanan sa kalsada

kung hindi mo ginagamit ang iyong pandinig...
marahil ay hindi mo naririnig
ang daing ng mga komyuter na nahihirapan
ang tunog ng tagaktak ng pawis
ang lagabog ng masang nagmamartsa

kung hindi mo ginagamit ang iyong pandama...
marahil ay hindi mo nararamdaman
ang di-sadyang pagdikit ng mga bisig
ang dumadamping pawis sa noo
ang mamasa-masang pera sa kamay

kung hindi mo itatapak ang iyong sarili sa kanilang sitwasyonโ€”

hindi bilang nakatingin
kundi bilang isa sakanilaโ€”

malamang sa malamang
hindi mo malalaman

kung saan sila nanggaling
at kung ano
ang kanilang tunay na kailangan.

At kapag nalaman moโ€”

hindi ka na pwedeng pumikit

hindi ka na pwedeng hindi makinig

hindi ka na pwedeng hindi makiramdam.

Isinulat ni Johanne Tilar


14/03/2026

Malikhaing kaisipan sa agos ng panulat at lipunan

Ang layunin ng anumang naisulat ay ang mabasa. Ito ay magkabiyak na proseso ng paglalapat ng ideya at pagbubukas ng kamalayan ng mambabasa. Sa bawat tekstong nalilikha, naitatala ang bakas ng kasaysayan at ang patuloy na pag-iral ng mga kuwento sa loob ng masalimuot na lipunan.

Sa ganitong diwa, matagumpay na isinagawa ang ikalawang palihan ng Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN) na may temang Kuwenta at Kuwenta ng Pluma: Pagtuklas sa Sining ng Pagsulat at Pagbigkas: Malikhaing Pagsulat at Pagkukuwento Tungo sa Pag-agos ng Kamalayang Makabago, kanina, Marso 14, sa ganap na ika-8 ng umaga sa Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) - Maynila. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang programa ng pamantasan, gayundin ng ilang panauhin mula sa KADIPAN - EARIST MANILA na nakibahagi sa pagtuklas ng sining ng malikhaing pagsulat at pagkukuwento.

Nagsilbing tagapagdaloy ng palatuntunan sina G. Lance Arryl Miranda at Bb. Jenelyn Padasas, mula sa Sangay Bigkasan. Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng rehistrasyon ng mga kalahok, kasunod ang awit panalangin at pambansang awit na pinangunahan ng Koro ng KADIPANโ€“isang payak ngunit makabuluhang pagbubukas na naglatag sa diwa ng pagtitipon.

Nagbigay naman ng pambungad na pananalita si. Propesor Jasper P. Lomtong ng Fakulti ng mga Wika at Literatura, sa Filipino. Sa kaniyang mensahe, ipinahayag niya ang kaniyang galak sa pagkakaroon ng palihang nakatuon sa literatura. Aniya, kasabay ng patuloy na pagsulong ng wika ay nararapat ding patatagin at palalimin ang pagmamahal sa panitikan, sapagkat dito nahuhubog ang kamalayan at sensibilidad ng isang lipunan.

Samantala, ibinahagi naman ni Dok. Maria Fe G. Hicana, tagapayo ng KADIPAN, ang isang inspirasyonal na mensahe hinggil sa halaga ng pagsusulat, isang gawaing aniyaโ€™y hindi lamang malikhaing proseso kundi isang masusing pag-unawa sa mga usaping bumabalot sa lipunan. Binigyang-diin niya kung paanong ang pagsusulat at pamamahayag ay nagiging daluyan upang maipahayag ang mga tinig na madalas ay hindi naririnig, kung paano ang mga isyu sa loob at labas ng bansa, tulad ng kasalukuyang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, ay maaaring bahagi ng diskurso sa pamamagitan ng wika at teksto.

Pormal na ipinakilala ni Bb. Rachelle Anne Tapacion, Direktor ng Sangay Pilantik, ang susing tagapagsalita ng programa na si G. Jayson Visperas Fajardo, isang kilalang manunula at manunulat. Kakaiba ang naging pagbubukas ng kaniyang talakayan sapagkat sinimulan niya ito sa konsepto ng โ€œwakasโ€, sa halip na simulaโ€“ isang paraaan upang hamunin ang karaniwang pagtingin sa estruktura ng pagsulat. Ayon sa kaniya, ang simula ay madalas inilalagay sa unahan, ngunit sa malikhaing proseso, maaari itong baligtarin upang makalikha ng bagong anyo at perspektiba sa paglikha ng teksto.

Sa kaniyang pagbabahagi, ipinakita ni G. Fajardo ang ilang halimbawa ng mga tekstong gumagamit ng eksperimental na paraan ng pagsulat. Ipinaliwanag din niya ang saysay ng pagsusulat bilang isang patuloy na umuusbong na gawain na sumasabay sa pagbabago ng panahon. Aniya, ang pagsulat ay salamin ng kultura, tao, mga karanasang humuhubog sa lipunan sa ibaโ€™t ibang yugto ng kasaysayan.

Sinundan ito ng isang pagsulat na gawain, kung saan hinikayat ang mga kalahok na lumikha at magbahagi ng kani-kanilang mga dagli. Sa bahaging ito, naging masigla ang palitan ng ideya at karanasan.

Samantala, ipinakilala naman ni ni G. Amon Jotham Luberia, Direktor ng Sangay Bigkasan, ang pangalawang susing tagapagsalita na si Bb. Angela Mae Pamaos, na nagbigay nang mas malalim na pagtatalakay hinggil sa pagsulat, pagbigkas, at pagtatanghal.

Sa talakayan, binigyang-diin niya ang konsepto ng โ€œwalang kuwentaโ€ sa pagsusulat ng kuwento ay yaong itinakda lamang ng mga naghaharing-uri, na marahil ang layunin ay kalabanin ang nilalaman o ideya ng akda. Para sa kaniya, mahalaga ang pagkukuwento lalo na sa panahon ng krisis, sapagkat ang mga kuwento ay hindi lamang mga salita, kundi mga alaala, mga patunay ng karanasan ng mga tao.

Dagdag pa niya, ang pagkukuwento ay isang kolektibong gawain. Isa sa mga pinakaaabangang bahagi ng programa ang pagbigkas na gawain, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang ilang kalahok na ibahagi ang kanilang mga isinulat. May pananagutan ang bawat mamamayan na ibahagi ang kanilang mga karanasan sapagkat iba-iba ang perspektiba at danas ng bawat isa sa lipunan. Gayunpaman, binanggit din niya na bagamaโ€™t mapagpalaya ang pagsusulat, mahalaga pa ring isaalang-alang ang mga pamantayang kinakailangan sa paglikha ng isang akdaโ€”isang paalala na maaaring maging malaya ang pagsusulat nang hindi iniiwan ang estetika at kagandahan nito.

Sinundan ang talakayan ng isnag gawaing pagsulat at pagbabahagi ng akda, kung saan ginabayan ang mga kalahok na magbigay-larawang diwa sa isang sitwasyon sa pamamagitan ng limang pandama.

Bilang pagkilala sa kanilang pakikilahok, sa pangunguna ng mga direktor ng Sangay Bigkasan at Sangay Pilantik, ginawaran ng sertipiko ang mga susing tagapagsalita at kalahok ng programa. Sa huling bahagi ng palihan, nagbigay ng pangwakas na pagbigkas ng kani-kanilang tula sina G. Julian Cantado, Bb. Winiam Pauly, at G. Steven Lombos. Itinampok ni Pauly sa kaniyang piyesa ang diwa ng kababaihan kaugnay ng pagdiriwang ng Womenโ€™s Month; samantalang, ibinahagi naman ni Cantado ang isang tulang sumasalamin sa kaniyang mga danas bilang artista at mag-aaral sa loob ng pamantasan; huli, ang dalawang piyesa ni Lombos na pumatungkol sa puwang ng indibidwal na alamin at makisangkot sa mga isyung panlipunan na nagpapaigting sa pakikibaka ng karapatang pantao, laban sa marumi at hindi makatarungang pamamahala ng naghaharing-uri.

Sinara ang programa sa pamamagitan ng pampinid na pananalita ni JV Denniel Abulencia, Pangulo ng KADIPAN-PNU. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsusulat sa may layuning makaugnay sa iba. Aniya, tulad ng aral mula kay Dok. Joel C. Malabanan, Katuwang na Dekano ng FLL, nagiging tunay na makabuluhan at nakakaapekto ang isang akda kapag ito ay hindi lamang para sa sarili, kundi nakasulat para sa iba at may kakayahang makipag-ugnayan sa karanasan ng mambabasa. Dagdag pa niya, bagamaโ€™t maaaring magsimula sa personal na karanasan ang isang akda, maaari din itong magsilbing daluyan upang talakayin at unawain ang mas malawak na kalagayan ng lipunan.

Sa kabuoan, ipinakita ng palihang ito na ang pagsusulat pagbigkas ay hiigt pa sa malikhaing gawain, bagkus ito ay isang paraan ng pag-unawa sa sarili at sa lipunang ginagalawan. Sa mga salita at tekstong naililimbag at nababaha, nabubuo ang mga kuwentong nagbubuklod sa ibaโ€™t iabng karanasan ng mga tao. Sa huli, ang tunay na saysay ng akda ay nasusukat sa kakayahan nitong magpahayag, pumukaw, magbukas ng kamalayan, at makapagpakilos.



14/03/2026

"Natatangi ka sa lipunan, kaya't natatangi ang tinig mo"

๐–ฒ๐–บ ๐—†๐–บ๐—„๐–บ๐–ป๐—Ž๐—…๐—Ž๐—๐–บ๐—‡๐—€ talakayan ๐—„๐–บ๐—Œ๐–บ๐—†๐–บ si Bb. Angela Pamaos sa Temang Kuwenta at Kuwento ng Pluma: Malikhaing Pagsulat at Pagkukuwento Tungo sa Pag-agos ng Kamalayang Pagbabago, pinagtibay ang kahalagahan ng pagtindig at pagbigkas, hindi lamang sa pagsusulat kundi pati na rin sa tunay na hamon ng buhay.

Paalala niya na ang sining ay hindi lamang isang pampalipas-oras o paraan ng paglilibang. Sa halip, ito ay isang makapangyarihang instrumento upang mas maunawaan natin ang ating sarili at ang mundong ating ginagalawan. Ang mga manunulat at alagad ng sining ay may malaking responsibilidad, lalo na sa panahon ng talamak na pagkalat ng maling impormasyon.

Binigyang diin niya na bilang mga kasapi ng KADIPAN, tungkulin nating gamitin ang ating pluma upang maging boses ng katotohanan at magmulat ng kaisipan tungo sa isang kamalayang makabayan. Ang bawat kuwento ay dapat may "kuwenta"โ€”isang layuning hindi lamang pansarili kundi para sa ikabubuti ng mas nakararami.



14/03/2026

"Mahalaga ang role ng panitikan sa pag-aaral at pagpapayabong ng ating pagiging Pilipino"

Mula sa unang susing tagapagsalita na si G. Jaffy Fajardo, salamin ang ating kultura, kasaysayan, at buhay sa lipunan. Bago pa man magkaroon ng kahulugan ang sining biswal, ito ay umiral na; mahalagang balikan ang pinagmulan nito, tulad ng pagkilala sa sining noon upang maunawaan ang ating pinagmulan.

Ayon sa kaniya, ang pagsusulat sa ibaโ€™t ibang anyo tulad ng tula, pagbigkas, at pagkukuwento ang nagpapahayag ng ating damdamin. Ang eksperimental na piksyon at dagli ay nagbibigay ng pagkakataong mag-eksplor, habang ang pag-aaral sa tradisyonal na piksyon ay mahalaga lalo na ngayon na laganap ang fake news. Makikita rin sa panitikan ang modernismo at post-modernismoโ€”ang pagpapakita ng ibang reyalidad sa isipan at ang epekto ng paligid sa atin.

Mahalagang tingnan ang proseso ng paglikha ng panitikan upang walang mapag-iwanan at maisama ang lahat ng boses, maging ang maliliit na karanasan tulad ng paglilinis o pagbebenta ng taho na may malalim na kahulugan. Ang komunidad ay dapat maging bahagi ng pagpapalaganap nito upang manatiling buhay ang panitikan sa ibaโ€™t ibang panahon at patuloy na mapayabong ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.



Photos from KADIPAN PNU-Manila's post 13/03/2026
13/03/2026
13/03/2026

Takits sa palihan! โœจ๏ธ

๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐: ๐’๐ข ๐๐›. ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐จ๐ฌ ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š! โญ

Si ๐๐›. ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐จ๐ฌ ay isang g**ong-manunulat at mahusay na manunulร . Nagtapos siya ng Batsilyer sa Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas at naging ๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—•๐—ถ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป. Si Bb. Pamaos ay naging fellow sa ibaโ€™t ibang prestihiyosong organisasyon at palihan tulad ng ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ฅ๐—ฒ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—ป๐˜†๐—ผ (๐—Ÿ๐—œ๐—ฅ๐—”) at ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ผ๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ผ ๐—ฆ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜. Mula sa tula, sanaysay, hanggang sa spoken word poetry, ang kaniyang mga akda ay nag-iwan na ng marka sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at ibaโ€™t ibang publikasyon. Higit sa lahat, dala niya ang prinsipyong ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™จ๐™ž๐™ฎ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฎ.

Tunghayan si Bb. Pamaos sa ๐—ž๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ, isang palihang inihahandog ng Sangay Pilantik at Sangay Bigkasan ngayong darating na ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, mula ๐Ÿด:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ป.๐˜‚. ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿญ๐Ÿฎ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ป.๐˜. sa ๐—›๐—ฅ๐—— ๐—”๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜‚๐—บ.

Huwag palampasin ang pagkakataong mapatalas ang iyong panulat at mapalakas ang iyong tinig! Takits! โœ๏ธ๐Ÿ—ฃ๏ธ



Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Manila