31/10/2024
โหเฟ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐หโ
Sa pagtatanghal ng mga magigiting at talentadong kabataan mula sa pangkat ABM ng Labindalawang Antas, isang sayawang pambayan ang kanilang ipinamalas.
Ito ang ๐๐๐ฉ๐๐ฒ ๐๐๐ง๐ญ๐ข๐ ๐ฎ๐, isang sayaw na sumasalamin sa kagandahan ng paggalaw ng mga Lapay na nagliliparang masasaksihan sa Barangay Bantigue, Masbate. Sa bawat paglipad ng mga ito, isang kwento ng kasiyahan at pagmamahal sa kultura ang kanilang ibinabahagi sa bawat manonood. Lalo na sa mga sandaling dapit-umaga, kung kailan ang mga Lapay ay nag-aabang ng mga mangingisda kasama ang kanilang huli, doon mas tumitindi ang kahulugan ng sayaw na ito ang pag-uugnay ng tao sa kalikasan at sa kanilang sariling kasaysayan.
Isang alamat ang nabubuhay bawat beses na ito'y isinasalaysay sa entablado, isang pagpapahalaga sa yaman ng ating mga tradisyon at pagiging Pilipino.