Industrial Psychology Student's Association - IPSA

Industrial Psychology Student's Association - IPSA

Share

Official Page of IPSA

30/08/2020

Blessed Sunday Psyches!

Bilang pagpapaalala sa lahat ng mag-aaral ng SIKOLOHISTA na nagrehistro para sa BAHAYanihan: Kalusugang Pangkomunidad at Papel ng SP sa Gitna ng Pandemya webinar na bukas na po iyon, Agosto 31, Lunes, 2:00-3:30 n.h. Maaari niyo na rin pong bisitahin ang iniyong mga "G-MAIL/EMAIL" sapagkat ang UP BUKLOD - ISIP ay nagpadala na ng email na naglalaman ng ilang "impormasyon/ detalye"(LINK & MEETING ID) para sa bawat isa na makakatulong kung paano makadadalo sa nabanggit na programa sa pamamagitan ng zoom meeting at nakatala rin doon ang "daloy ng programa".

Maraming Salamat!

22/08/2020

Mapagpalayang Araw mga Kapwa kong Sikolohista!

Nais po namin kayong anyayahan na makilahok sa programang "BAHAYanihan Para sa Kalusugan ng Komunidad" na inihahandog ng UP DILIMAN AT UP BUKLOD- ISIP:

Ang BAHAYanihan Para sa Kalusugan ng Komunidad: Gampanin ng SP sa Gitna ng Pandemya ay isang webinar na layong pag-usapan ang paggamit ng agham panlipunan partikular ng Sikolohiyang Pilipino, isang katutubong sikolohiya na nakabatay sa karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino, bilang lente sa pagresponde sa panahon ng pandemya. Tatalakayin din po ang usapin ng mental health at primary health care, at kaugnay nito, ang kalagayan ng pangkomunidad na medisina sa bansa.

Ito ay gaganapin sa ika-31 ng Agosto, 2:00-3:30 n.h. at ang mabibigyan lamang ng access sa zoom link ay ANG UNANG 450 na makakapagparehistro. Maaari pa ring mabigyan ng sertipiko ang makakakumpleto ng Evaluation Form na ibibigay pagkatapos ng programa.

Maaari pong magrehistro gamit ang link na ito:
tinyurl.com/BAHAYanihanReg2020

Maraming salamat po!❤️

Photos from UniFAST's post 19/08/2020
Photos from Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and Technology's post 17/08/2020
Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Manila

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm