30/05/2026
SUNOG SA BASECO COMPOUND
Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Gasangan, Baseco Compound sa Port Area, Manila ngayong Sabado, Mayo 30.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas na sa ikatlong alarma ang sunog bandang 11:34 a.m. habang patuloy ang pagresponde ng mga bumbero sa lugar.
πΈ: Philippine Red Cross/Facebook
29/05/2026
LOOK: Senator Jinggoy Estrada arrives at the Sandiganbayan with members of his family and legal counsel on Friday, May 29, 2026, to post bail in connection with his graft case.
25/05/2026
VP Sara Duterte, bumisita sa Our Lady of Fatima Parish Church sa Quezon City
Nagbahagi si Vice President Sara Duterte ng ilang larawan sa social media matapos ang kanyang pagbisita sa Our Lady of Fatima Parish Church sa Quezon City noong Marso.
βBuong puso ang ating pasasalamat sa pagkakataong mabisita ang Our Lady of Fatima Parish Church sa Quezon City noong Marso. Ipinagdasal natin ang kapayapaan ng ating mga komunidad at ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa, lalo na sa gitna ng krisis na ating hinaharap bunsod ng kaguluhan sa Gitnang Silangan,β ani Duterte.
βPatuloy tayong maging matatag sa gitna ng mga pagsubok at hamon sa buhay,β dagdag pa niya.
24/05/2026
Tumulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagresponde sa sunog sa Parola Compound sa Delpan, Binondo, Maynila nitong Sabado.
Nagpadala ang BFP at mga volunteer group ng 55 fire truck habang nag-deploy naman ang PCG ng mga bangka at nagbigay ng first aid sa mga residenteng naapektuhan.
Tuluyang nakontrol ang sunog bandang alas-12:15 ng madaling araw ng Linggo, ayon sa BFP.
24/05/2026
TINGNAN: Bumagsak ang isang ipinapatayong gusali sa Teodoro Street, Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga nitong madaling araw ng Mayo 24, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon, nasa siyam na palapag ang naturang gusali na gumuho.
Pagsapit ng alas-6:00 ng umaga, anim na katao na ang nailigtas at agad na nabigyan ng tulong ng lokal na pamahalaan.
Patuloy naman ang rescue operations ng mga awtoridad para sa iba pang posibleng naipit sa ilalim ng mga guho.
πΈ: Angeles City Government
04/05/2026
TINGNAN| Ibinaba ng PHIVOLCS sa magnitude 6.0 ang lindol na naranasan kaninang 2:09PM sa San Julian, Eastern Samar
May lalim ito na 56 kilometro, at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity V sa Tacloban City; Intensity III sa Casiguran at Juban, Sorsogon; at Intensito II sa Tandag city, Surigao del Sur.