17/10/2017
ON PUV MODERNIZATION: Gusto nyo ng pagbabago diba?
PAUNAWA | Isa-isahin natin para malinaw:
1. Hindi tataas sa P20 ang pasahe. Saan nakuha ng PISTON ang numerong ito?
2. Hindi lugi ang driver/operator. Kikita pa nga sila. Bakit?
- May 43% fuel savings ang mga Euro-4 compliant na sasakyan
- Mas maraming pasahero ang maisasakay dahil mula sa 16 persons seating capacity, magiging 22 na.
- Low to zero maintenance cost dahil bago ang unit
3. Hindi korporasyon ang makikinabang kundi mga:
- Local manufacturers na mag-didisenyo ng units
- Pilipinong manggagawa na magkakaroon ng trabaho at gagawa ng mga sasakyan
- Drivers at operators na lalaki na ang kita, uunlad pa ang industriya
- COMMUTERS na matagal nang nagtiis sa luma, hindi ligtas, at hindi komportableng public transportation units
4. Hindi anti-poor ang Program.
Malaking bahagi ng Modernization Program ang Financial Scheme para sa drivers at operators. Sa tulong ng gobyerno, nasa 6% lamang ang interest rate, 5% naman ang equity, at aabot sa 7 taon ang repayment period. Magbibigay rin ng hanggang PHP80,000 na subsidy ang gobyerno sa kada unit para makatulong sa down payment.
Bukod dito, tandaan natin na ginhawa at kaligtasan ng mahihirap ding commuters ang hangad ng programa.
5. Walang phase out. Mananatili ang mga jeep sa kalsada. Pero sa pagkakataong ito, bago at modern na.
ANO ANG TOTOO?
Hindi na ligtas ang mga lumang PUVs sa Pilipinas. Takaw-aksidente na, polusyon pa ang dala. Hindi komportable at hassle sa mga commuters. Ang totoo, matagal na dapat itong ipinatupad. PANAHON NA PARA SA PAGBABAGO SA KALSADA.