25/02/2026
๐ง๐ถ๐ป๐ถ๐ด ๐ฎ๐ ๐ง๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ธ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ธ๐๐ฎ๐ฑ๐๐ฟ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฆ๐
May mga pangyayaring hindi lamang itinatala sa kasaysayan kundi inuukit sa kamalayan ng bayan. Isa na rito ang EDSA People Power Revolution โ ang pag-aaklas na hindi armado, ngunit hindi rin mahina; hindi marahas, ngunit hindi rin mapagkumbaba sa harap ng pang-aapi. Sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue, sa pagitan ng Camp Crame at Camp Aguinaldo, nagtipon ang milyon-milyong Pilipino upang igiit ang isang bagay na matagal nang binusalan, ang kalayaan.
Mahigit dalawang dekada ang paghahari ni Ferdinand Marcos Sr., na pinatibay ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972. Sa ilalim nito, isinara ang mga pahayagan, tinugis ang mga kritiko, ipiniit ang mga lider-estudyante at mamamahayag, at ginawang instrumento ng kapangyarihan ang takot. Hindi abstraktong โpanggigipitโ ang naganap noon; may mga indibidwal na inaresto at ikinulong nang walang ๐ฅ๐ถ๐ฆ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ค๐ฆ๐ด๐ด, may mga pamilyang naulila at napagkaitan ng hustisya, may mga mamamahayag na tinortyur, at may mga labi na hindi kailanman natagpuan. Ang demokrasya ay hindi lamang basta humina, bagkus ito ay sistematikong hinubaran at niyurakan.
Ang pagputok ng EDSA noong Pebrero 1986 ay hindi sumibol sa biglaang pagsabog ng damdamin. Itoโy bunga ng mahabang panahong pagkilos, at ng patuloy na panawagan ng mga g**o, estudyante, manggagawa, at simbahan, hanggang sa paglantad ng mga anomalya at paglabag sa karapatang pantao. Nang dumating ang sandali ng paninindigan, hindi sandata ang kanilang itinapat sa mga tangke kundi mga katawan at protesta; hindi bala ang isinagot kundi panalangin at rosaryo.
Madalas ilarawan ang EDSA bilang himala ng pagkakaisa, subalit hindi ito dapat ilubog sa romantisadong paggunita. Ang diwa ng People Power ay hindi lamang nakatali sa retrato ng mga madre sa harap ng kasundaluhan o sa mga kuwento ng pagyakap sa lansangan. Ang diwa nito ay nakaugat sa isang matibay na pagpapasya, na hindi maaaring manatili ang kapangyarihang walang pananagutan.
Ngayon, apat na dekada matapos ang EDSA People Power Revolution, muling nakaupo sa Malacaรฑan ang rehimeng Marcos. Iba ang panahon, ngunit hindi naglalaho ang tanong sa pananagutan at alaala. Sa isang demokrasya, hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng halalan; kinakailangan din ang malayang pamamahayag, matatag na institusyon, at aktibong mamamayan. Ang press freedom na ipinaglalaban ay patuloy na sinusubok sa pamamagitan ng red-tagging, disimpormasyon, at kulturang nagbubura sa kasaysayan.
Sa sektor ng edukasyon, madalas ipahayag na sapat ang badyet upang tugunan ang kakulangan sa silid-aralan, pasilidad, at sahod ng mga g**o. Gayunpaman, nananatiling mabigat ang pasanin ng mga g**o dahil sa kakulangan sa kagamitan, kulang sa suporta, at kadalasaโy kulang sa pagkilala. Kung ang diwa ng EDSA ay kalayaan, hindi maaaring ikulong sa apat na sulok ng silid ang usapin ng katotohanan at kasaysayan.
Hindi lamang edukasyon ang hamon ng kasalukuyan. Sa hanay ng mga manggagawa, patuloy ang pakikibaka sa mababang sahod at hindi tiyak na trabaho. Sa pambansang pondo, patuloy na umiikot ang diskurso hinggil sa prayoridad at alokasyon sa kung sino ang nakikinabang at sino ang nasa laylayan. Sa gitna ng mga pangakong reporma, hindi pa rin nawawala ang anino ng korapsyon at ang impluwensiya ng dinastiyang politikal, na matagal nang sinusubukang limitahan sa pamamagitan ng mga panukalang batas pero hanggang ngayon ay hindi ganap na naisasakatuparan.
Sa ganitong kalagayan, ang paggunita sa EDSA ay hindi dapat maging seremonya. Hindi ito dapat manatili sa pag-alala sa nakaraan nang walang pagtanaw sa kasalukuyan. Ang People Power ay hindi monumento; ito ay proseso โ isang tuloy-tuloy na paalala na ang tunay na kapangyarihan ng estado ay nagmumula at nararapat manatili sa taumbayan.
Hindi lahat ng Pilipino ay ganap na nakikinabang sa kalayaang ipinangako. May mga sektor na nananatiling nasa laylayan ng pag-unlad; may mga mamamahayag na patuloy na humaharap sa banta; may mga g**o at estudyanteng nakikipagbuno sa kakulangan ng pondo at suporta; at may mga manggagawa na ang pawis ay hindi tumutumbas sa kanilang kita. Ang demokrasya ay hindi awtomatikong nagbubunga ng katarungan. Itoโy kailangang bantayan, paunlarin, at ipaglaban sa bawat henerasyon.
Kung may isang pamana ang EDSA na hindi maaaring kalimutan, ito ay ang kolektibong kakayahan ng mga Pilipino na manindigan laban sa sistemang mapaniil. Ang kalayaan ay hindi ipinagkakaloob nang minsanan; itoโy patuloy na ipinaglalaban. At sa bawat pagtatangkang baluktutin ang kasaysayan o paliitin ang sakripisyo ng mga nauna, naroroon ang tungkulin ng paaralan, ng g**o, ng mamamahayag, at ng karaniwang mamamayan na ituwid ang baluktot na sistema.
Ang EDSA ay hindi lamang petsa sa kalendaryo. Ito ay salamin at repleksiyon ng lipunan. Sa pagtingin dito, nakikita natin kung gaano kalayo ang narating ng demokrasya at kung gaano pa kalayo ang dapat na tahakin. Sa bawat paggunita, hindi lamang alaala ang dapat sariwain kundi pati ang pananagutang kaakibat nito. Sapagkat kung may isang bagay na hindi dapat muling makulong, iyon ay ang kalayaanโ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ผ๐น ๐ถ๐๐ผ.
๐ง๐ถ๐ป๐ถ๐ด ๐ฎ๐ ๐ง๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ธ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ธ๐๐ฎ๐ฑ๐๐ฟ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฆ๐
May mga pangyayaring hindi lamang itinatala sa kasaysayan kundi inuukit sa kamalayan ng bayan. Isa na rito ang EDSA People Power Uprising โ ang pag-aaklas na hindi armado, ngunit hindi rin mahina; hindi marahas, ngunit hindi rin mapagkumbaba sa harap ng pang-aapi. Sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue, sa pagitan ng Camp Crame at Camp Aguinaldo, nagtipon ang milyon-milyong Pilipino upang igiit ang isang bagay na matagal nang binusalan, ang kalayaan.
Mahigit dalawang dekada ang paghahari ni Ferdinand Marcos Sr., na pinatibay ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972. Sa ilalim nito, isinara ang mga pahayagan, tinugis ang mga kritiko, ipiniit ang mga lider-estudyante at mamamahayag, at ginawang instrumento ng kapangyarihan ang takot. Hindi abstraktong โpanggigipitโ ang naganap noon; may mga indibidwal na inaresto at ikinulong nang walang ๐ฅ๐ถ๐ฆ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ค๐ฆ๐ด๐ด, may mga pamilyang naulila at napagkaitan ng hustisya, may mga mamamahayag na tinortyur, at may mga labi na hindi kailanman natagpuan. Ang demokrasya ay hindi lamang basta humina, bagkus ito ay sistematikong hinubaran at niyurakan.
Ang pagputok ng EDSA noong Pebrero 1986 ay hindi sumibol sa biglaang pagsabog ng damdamin. Itoโy bunga ng mahabang panahong pagkilos, at ng patuloy na panawagan ng mga g**o, estudyante, manggagawa, at simbahan, hanggang sa paglantad ng mga anomalya at paglabag sa karapatang pantao. Nang dumating ang sandali ng paninindigan, hindi sandata ang kanilang itinapat sa mga tangke kundi mga katawan at protesta; hindi bala ang isinagot kundi panalangin at rosaryo.
Madalas ilarawan ang EDSA bilang himala ng pagkakaisa, subalit hindi ito dapat ilubog sa romantisadong paggunita. Ang diwa ng People Power ay hindi lamang nakatali sa retrato ng mga madre sa harap ng kasundaluhan o sa mga kuwento ng pagyakap sa lansangan. Ang diwa nito ay nakaugat sa isang matibay na pagpapasya, na hindi maaaring manatili ang kapangyarihang walang pananagutan.
Ngayon, apat na dekada matapos ang EDSA People Power Uprising, muling nakaupo sa Malacaรฑan ang rehimeng Marcos. Iba ang panahon, ngunit hindi naglalaho ang tanong sa pananagutan at alaala. Sa isang demokrasya, hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng halalan; kinakailangan din ang malayang pamamahayag, matatag na institusyon, at aktibong mamamayan. Ang press freedom na ipinaglalaban ay patuloy na sinusubok sa pamamagitan ng red-tagging, disimpormasyon, at kulturang nagbubura sa kasaysayan.
Sa sektor ng edukasyon, madalas ipahayag na sapat ang badyet upang tugunan ang kakulangan sa silid-aralan, pasilidad, at sahod ng mga g**o. Gayunpaman, nananatiling mabigat ang pasanin ng mga g**o dahil sa kakulangan sa kagamitan, kulang sa suporta, at kadalasaโy kulang sa pagkilala. Kung ang diwa ng EDSA ay kalayaan, hindi maaaring ikulong sa apat na sulok ng silid ang usapin ng katotohanan at kasaysayan.
Hindi lamang edukasyon ang hamon ng kasalukuyan. Sa hanay ng mga manggagawa, patuloy ang pakikibaka sa mababang sahod at hindi tiyak na trabaho. Sa pambansang pondo, patuloy na umiikot ang diskurso hinggil sa prayoridad at alokasyon sa kung sino ang nakikinabang at sino ang nasa laylayan. Sa gitna ng mga pangakong reporma, hindi pa rin nawawala ang anino ng korapsyon at ang impluwensiya ng dinastiyang politikal, na matagal nang sinusubukang limitahan sa pamamagitan ng mga panukalang batas pero hanggang ngayon ay hindi ganap na naisasakatuparan.
Sa ganitong kalagayan, ang paggunita sa EDSA ay hindi dapat maging seremonya. Hindi ito dapat manatili sa pag-alala sa nakaraan nang walang pagtanaw sa kasalukuyan. Ang People Power ay hindi monumento; ito ay proseso โ isang tuloy-tuloy na paalala na ang tunay na kapangyarihan ng estado ay nagmumula at nararapat manatili sa taumbayan.
Hindi lahat ng Pilipino ay ganap na nakikinabang sa kalayaang ipinangako. May mga sektor na nananatiling nasa laylayan ng pag-unlad; may mga mamamahayag na patuloy na humaharap sa banta; may mga g**o at estudyanteng nakikipagbuno sa kakulangan ng pondo at suporta; at may mga manggagawa na ang pawis ay hindi tumutumbas sa kanilang kita. Ang demokrasya ay hindi awtomatikong nagbubunga ng katarungan. Itoโy kailangang bantayan, paunlarin, at ipaglaban sa bawat henerasyon.
Kung may isang pamana ang EDSA na hindi maaaring kalimutan, ito ay ang kolektibong kakayahan ng mga Pilipino na manindigan laban sa sistemang mapaniil. Ang kalayaan ay hindi ipinagkakaloob nang minsanan; itoโy patuloy na ipinaglalaban. At sa bawat pagtatangkang baluktutin ang kasaysayan o paliitin ang sakripisyo ng mga nauna, naroroon ang tungkulin ng paaralan, ng g**o, ng mamamahayag, at ng karaniwang mamamayan na ituwid ang baluktot na sistema.
Ang EDSA ay hindi lamang petsa sa kalendaryo. Ito ay salamin at repleksiyon ng lipunan. Sa pagtingin dito, nakikita natin kung gaano kalayo ang narating ng demokrasya at kung gaano pa kalayo ang dapat na tahakin. Sa bawat paggunita, hindi lamang alaala ang dapat sariwain kundi pati ang pananagutang kaakibat nito. Sapagkat kung may isang bagay na hindi dapat muling makulong, iyon ay ang kalayaanโ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ผ๐น ๐ถ๐๐ผ.
21/02/2026
18/02/2026
17/02/2026
25/01/2026
25/01/2026
25/01/2026