๐—ฃ๐Ÿญ๐—ง๐—›๐—”๐—ฌ๐—”

๐—ฃ๐Ÿญ๐—ง๐—›๐—”๐—ฌ๐—” Opisyal na pahina ng Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino 3-1 mula sa PUP Manila

19/07/2026
Sa matagumpay na pagsasagawa ng Seminar at Book Launch, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga pin...
19/06/2026

Sa matagumpay na pagsasagawa ng Seminar at Book Launch, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga pinuno at kasapi ng bawat komite na naging katuwang sa pagtiyak ng maayos at makabuluhang daloy ng programa.

Lubos naming kinikilala ang pamumuno nina Ericka Jhoiz Borbon, Project Head, at Dan Shine Pangilinan, Project Co-Head, gayundin ang dedikasyon ng mga Committee Heads na sina Jhun Zarceno (Creatives), Yasmin Mutalib (Publication), Jared Cilot (Technical), Rein Satira (Ways and Means), Francis Ebias (Food), Harold Montemayor (Program and Letters), at Cielo Barotillo (Logistics and Intermission).

Sa inyong mahusay na pamumuno, organisasyon, at pagtutulungan, naging matagumpay ang bawat yugto ng paghahanda at pagsasakatuparan ng programang ito. Ang inyong sipag, panahon, at malasakit ay naging mahalagang salik upang maisulong ang adhikain ng pagpapalaganap ng kaalaman, panitikan, at diwang makabayan.

Gayundin, taos-puso rin naming pinasasalamatan ang bawat miyembro ng komite na nagbigay ng kanilang oras, kakayahan, at dedikasyon sa paglilingkod.

Ang tagumpay ng programang ito ay patunay na sa pamamagitan ng mahusay na pamumuno at sama-samang pagkilos, naisasakatuparan ang mga adhikaing nag-iiwan ng makabuluhang ambag sa komunidad at bayan.

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ต ๐—ป๐—ฎ ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฑ-๐—Ÿ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐——๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—ฅ๐—– ๐—•๐˜‚๐—ถ...
18/06/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ต ๐—ป๐—ฎ ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฑ-๐—Ÿ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐——๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—ฅ๐—– ๐—•๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด.

โ€ŽNaging makabuluhan at matagumpay ang pagtitipong ito dahil sa mga kaalaman, pananaw, at inspirasyong ibinahagi ng ating mga panauhin kaugnay ng kasaysayan, wika, lipunan, at sa diwang makabayan na isinulong ni Dr. Jose Rizal. Ang bawat talakayan ay nagbigay ng mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa ating kultura at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
โ€Ž
โ€ŽLubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng ating mga panauhing tagapagsalita na naglaan ng kanilang oras at kaalaman upang maging matagumpay ang programang ito. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa lahat ng mga mag-aaral mula sa BSEDFL 3-1 na nakiisa, nakinig, at aktibong lumahok sa buong programa.
โ€Ž
โ€ŽAng tagumpay ng seminar at book launch na ito ay bunga ng sama-samang pakikiisa at suporta ng bawat isa. Nawaโ€™y magsilbing gabay at inspirasyon ang mga natutunan natin upang patuloy na pagyamanin ang ating kaalaman at pagmamahal sa bayan.
โ€Ž
โ€ŽMaraming salamat sa inyong lahat at mabuhay ang diwang makabayan! (1/2)

๐šƒ๐™ธ๐™ฝ๐™ถ๐™ฝ๐™ฐ๐™ฝ | Opisyal nang nagsimula ang Seminar at Book Launch sa Silid-Lakan Dayang, NALLRC Building!Sa araw na ito, sabay...
16/06/2026

๐šƒ๐™ธ๐™ฝ๐™ถ๐™ฝ๐™ฐ๐™ฝ | Opisyal nang nagsimula ang Seminar at Book Launch sa Silid-Lakan Dayang, NALLRC Building!

Sa araw na ito, sabay-sabay nating binubuhay ang diwa ni Rizal sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan at pagbabahagi ng karunungan. Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang bawat ideya at pananaw tungo sa mas malalim na pag-unawa sa ating ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฎ๐™จ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ, ๐™ฌ๐™ž๐™ ๐™–, ๐™–๐™ฉ ๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฃ.

๐‘ป๐’–๐’๐’๐’š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’“๐’–๐’๐’–๐’๐’ˆ๐’‚๐’. ๐‘ด๐’‚๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’…๐’Š๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š! โณNananatili nga bang buhay ang diwa ni Rizal sa gitna ng teknolohiya at inobasyon? Bukas, sabay-saba...
15/06/2026

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š! โณ

Nananatili nga bang buhay ang diwa ni Rizal sa gitna ng teknolohiya at inobasyon?

Bukas, sabay-sabay nating tutuklasin ang kasagutan. Sa pagdiriwang ng kaarawan ng ating Pambansang Bayani, inaanyayahan ang bawat isa sa isang seminar at book launch na maglalapit sa dalawang magkaibang siglo.

Halina't maging bahagi ng "๐—Ÿ๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†-๐——๐—ถ๐˜„๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿต ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ด๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฎ๐Ÿญ ๐—ฆ๐—ถ๐—ด๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป"

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na mapalawak ang ating kritikal na pang-unawa bilang mga hinaharap na dalubhasa sa wika. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ-๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ-๐—™๐—Ÿ!

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ƒ๐š๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐š๐ญ ๐๐จ๐จ๐ค ๐‹๐š๐ฎ๐ง๐œ๐กDalawang araw na lang, mga ka-FL! Nalalapit na ang araw ...
14/06/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ƒ๐š๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐š๐ญ ๐๐จ๐จ๐ค ๐‹๐š๐ฎ๐ง๐œ๐ก

Dalawang araw na lang, mga ka-FL! Nalalapit na ang araw na ating pinakahihintay upang gisingin ang ating mapanuring kaisipan at pag-alabin ang ating diwang makabayan.

Ang nakalakip na larawan ang magsisilbing opisyal na gabay at daloy ng ating programa para sa seminar at book launch na magaganap sa Hunyo 16, 2026, mula 8:00 NU hanggang 5:00 NH sa Silid-Lakan Dayang, NALLRC Building.

Ang programa ay mahahati sa dalawang bahagi:

๐Ÿง‘โ€๐Ÿง’โ€๐Ÿง’ ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ | ๐Ÿ—:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ - ๐Ÿ๐Ÿ:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ
Isang akademikong talakayan kasama ang ating Susing Tagapagsalita na si Dr. Emmanuel F. Calairo ukol sa temang โ€œLakbay-Diwa at ang Pagtingin ni Rizal sa Pandaigdigang Kahusayan, Pagbubuklod ng Ika-19 na Siglong Karunungan at Ika-21 Siglong Inobasyon.โ€

๐Ÿ“˜ ๐๐จ๐จ๐ค ๐‹๐š๐ฎ๐ง๐œ๐ก | ๐Ÿ๐Ÿ:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ - ๐Ÿ:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ
Ang opisyal na pagpapakilala at pagbibigay-pananaw sa aklat na 'Rizal 360' kasama sina Ms. Lia Viray at Professor Diosdado P. Franco.

Magkita-kita tayo, mga ka-FL! Ihanda ang inyong mga puso at isipan para sa isang makasaysayang paglalakbay ng karunungan.

Address

Anonas Street
Manila
1016

Telephone

+639854189723

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐—ฃ๐Ÿญ๐—ง๐—›๐—”๐—ฌ๐—” posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to ๐—ฃ๐Ÿญ๐—ง๐—›๐—”๐—ฌ๐—”:

Shortcuts

Share

Category