Southeast Asia -Infos

Southeast Asia -Infos

Share

This is all about the South East Asia

17/07/2014

Kabuhayan ng Timog Silangang Asya, patuloy na lalaki

Noong unang hati ng taong ito, mabagal ang recovery ng kabuhayan ng Europa at Estados Unidos, pero, napapanatili ng kabuhayan ng Timog Silangang Asya ang malakas na paglaki sa kabuaan. Noong nakaraang buwan, ipinalabas ng Asian Development Bank (ADB) ang Asian Development Outlook Supplement (ADOS) 2013. Sa ulat na ito, bumaba sa 5.2% at 5.6% ang pagtaya ng ADB sa paglaki ng kabuhayan ng rehiyon ng Timog Silangang Asya at unang 5 ekonomiya ng ASEAN sa taong ito at sa susunod na taon.
Sa isang panayam, sinabi ni Song Leilei, Mataas na Ekonomista ng ADB, na sa huling hati ng taong ito, patuloy na babagal ang paglaki ng kabuhayan sa Timog Silangang Asya. Pero dahil sa malakas na pangangailangang panloob at panlabas, isasakatuparan ng kabuhayan ng Timog Silangang Asya ang matibay na paglaki.

Ipinahayag ni Zhao Jianglin, Dalubhasa ng National Institute of International Strategy ng Chinese Academy of Social Sciences, na ang mabilis na paglaki ng kabuhayan ng ASEAN ay dahil sa maraming elemento, kinabibilangan ng kalagayan sa itinakdang yugto ng pag-unlad ng kabuhayan, estratehiya ng iba't ibang bansang ASEAN para pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan, mahigpit na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng ASEAN at mga partner bansa sa Malayang Sonang Pangkalakalan, at iba pa.

Sinabi niyang nitong ilang taong nakalipas, matatag ang kalagayang pulitikal ng iba't ibang bansang ASEAN, kaya aktibong pinaplano ng iba't ibang bansa ang pag-unlad ng kabuhayan sa hinaharap.

Bukod dito, nagiging mas mahigpit ang pagpapalitang pangkalakalan ng ASEAN at ibang bansa. Noong ika-9 ng Mayo ng taong ito, idinaos sa Brunei ang kauna-unahang talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership, RCEP sa pagitan ng ASEAN at Tsina, Hapon, Timog Korea. Ipinalalagay ni Song Leilei na ang RCEP ay makabuti sa pagsasamasama ng iba't ibang kasunduan sa malayang zonang pangkalakalan na umiiral sa rehiyong ito.

Bukod dito, bilang pinakamalaking trade partner, pinasusulong ng pamumuhunan ng Tsina ang paglaki ng kabuhayan ng ASEAN. Tinukoy ni Song Leilei na ang pamumuhunan ng Tsina sa imprastruktura at mga pondo ng tulong sa pag-unlad ng ibang bansa ay direktang nagpasulong ng pag-unlad ng lokal na kabuhayan.

17/07/2014

Mga Problemang Hinaharap Timog-Silangang Asya

1) Deforestation/ Illegal Logging- dahil napapabayaan na ang mga kagubatan sa parte na ito ng Asya. Kung hindi paiigtingin ang pagbabantay sa mga kagbatan, maaring maubos at makalbo na ang mga kagubatan dito.

2) Air Pollution- ang pagdumi ng hangin dahil sa mga sasakyan, mga pabrika etc. Maaaring mapigilan ito kung ang mga tao ay magiging desipilinado.

3) Water Pollution- ito ay isang sitwasyon kung saan nagiging madumi ang mga katubigan. Dahil rin ito sa mga kemikal at toxins na ibinubuga ng mga pabrika malapit sa mga anyong tubig Mapipigilan ito sa pamamagitan ng pag-lilinis ng mga anyong tubig dito.

4) Land Pollution- ito ay kung saan ang lupa ay nagiging maduma rin dahil sa mga itinitapon ng mga tao sa kung saan-saan. Mapipigilan ito kung gagawa ng mga batas na may kaukulang parusa ang nagtatapon kung saan-saan.

17/07/2014

Ang Klima ng Timog Silangang Asya ay Klimang Tropical
-Tropical Rainforest
-Tropical Moonsoon
-Tropical Wet and Dry (Savanna)
-Arid at Semi Arid
-Disyerto
-Steppe

17/07/2014

Ang pagkakaiba ng Klima at Panahon

KLIMA – kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang panahon

PANAHON – kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng nakatakdang oras

Photos 17/07/2014

Wat Pha That Luang

Photos 17/07/2014

Ayutthaya Ruins sa Thailand

Photos 17/07/2014

Petronas Tower sa bansang Malaysia

Photos 17/07/2014

Schwedago sa bansa ng Myanmar

Photos 17/07/2014

Merlion sa bansang Singapore

Photos 17/07/2014

Borneo Rain Forest

Photos 17/07/2014

Borobudur sa bansang Indonesia.

Photos 17/07/2014

Ang sikat na Angkor Temple sa Cambodia.

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Manila
1.49