UST JHS Samahang Kulturang Filipino

UST JHS Samahang Kulturang Filipino Ang opisyal na samahan ng mga mag-aaral ng USTJHS na may kadalubhasaan sa sining ng komunikasyon

๐Ÿ–ผ๏ธ ๐‹๐ข๐ค๐‡๐š๐ซ๐š๐ฒ๐š: ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐š ๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐จ ๐ƒ๐ข๐ ๐ข๐ญ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซโœ๏ธNarito na ang pagkakataon upang muling maipakita ang iyong pa...
17/08/2026

๐Ÿ–ผ๏ธ ๐‹๐ข๐ค๐‡๐š๐ซ๐š๐ฒ๐š: ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐š ๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐จ ๐ƒ๐ข๐ ๐ข๐ญ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซโœ๏ธ

Narito na ang pagkakataon upang muling maipakita ang iyong pagkamalikhain, orihinalidad, at kritikal na pag-iisip!

"แด€ษดษข ๊œฑษชษดษชษดษข แด€ส ๊œฑแด€สŸแด€แดษชษด ษดษข แดษขแด€ แด›แด€แด แด€แด› ษดษข แด‹แด€ษดษชสŸแด€ษดษข แด˜แด€ษดแด€สœแดษด." โ€” ส™แด‡ษดแด‡แด…ษชแด„แด›แด แด„แด€ส™ส€แด‡ส€แด€ (1966)๐Ÿ’ซ

๐Ÿ–‹๏ธ TEMA:
๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐€๐ˆ: ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐š๐ญ ๐“๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐˜๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง

Ang ๐‹๐ข๐ค๐‡๐š๐ซ๐š๐ฒ๐š: ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐š ๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐จ ๐ƒ๐ข๐ ๐ข๐ญ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ay isang patimpalak para sa mga mag-aaral mula ika-7 hanggang ika-10 na baitang. Layunin nitong linangin ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglikha ng isang tradisyonal o digital na poster na kaugnay ng tema ng Buwan ng Wika 2026. Sa pamamagitan ng patimpalak na ito, nahahasa ang kakayahang maipahayag ang inyong mga ideya sa pamamagitan ng paglikha ng sining, habang nasasalamin ang kahalagahan ng Wikang Filipino at AI sa pagpapalawak ng ating kaalaman. ๐ŸŽจ

Gamitin ang iyong talento sa pagguhit upang maipahayag ang iyong mga ideya! Halina't maging bahagi sa pagtulay ng Wikang Filipino at AI tungo sa paghubog at pagpapayaman ng ating kultura at kaalaman! ๐Ÿ–Œ๏ธโœจ

Buksan ang mga larawan para sa kumpletong detalye ng patimpalak.




Isinulat ni: Patricia Navarro
Likha ni: Gaddiel Cabonegro

Ang salitang ๐’๐ข๐ค๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง ay may kaugnay sa pagsisikap at pangkabuhayanโ€“ itoโ€™y sumisimbolo sa pagpapaunlad para sa magandang...
17/08/2026

Ang salitang ๐’๐ข๐ค๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง ay may kaugnay sa pagsisikap at pangkabuhayanโ€“ itoโ€™y sumisimbolo sa pagpapaunlad para sa magandang kinabukasan. ๐ŸŒŸ

Ngayong ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, alinsunod sa temang โ€œ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐€๐ˆ: ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐š๐ญ ๐“๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐˜๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐งโ€ tayoโ€™y makikiisa sa pagdiriwang habang pinapahalagahan ang kayamanan ng impormasyon at kaalaman sa pamamagitan ng mga inihandang patimpalak ng ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง๐  ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ngayong buwan ng Agosto. ๐ŸŽ–๏ธ

Mula sa ๐’๐ข๐ค๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง, nawaโ€™y maunawaan natin ang kahalagahan ng wika sa makabagong kasalukuyan ng teknolohiya. Ang pagsisikap, kaugnay sa pananaliksik, ay hindi lamang para sa kabuhayan, ngunit ito ay tulay patungo sa pag-usbong ng kaalaman at kakayahan. Sa pag-unlad ng teknolohiya, isabay natin ang pagiging responsable at pagpapatalas sa sariling kaalaman. ๐Ÿ“–๐ŸŒ

Ngayong ๐’๐ˆ๐Š๐‡๐€๐˜๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, sabay-sabay tayong lumikha ng mahahalagang karanasan na huhubog sa ating ๐ค๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง, ๐ค๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐ก๐š๐ง at higit sa lahat, ๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง! ๐Ÿ’ก๐Ÿค

Maligayang Buwan ng Wika 2026! ๐Ÿ’™๐Ÿ’š




Isinulat ni: Clara Tuscano
Likha ni: Gaddiel Cabonegro

02/08/2026

๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐š๐ฅ!

Maaari mo nang ma-download o makakuha ng kopya ng poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Mada-download ang digital na poster at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1

๐‡๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐š

Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.

Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.

Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!

Maligayang Kaarawan sa Ingat-Yaman ng Samahang Kulturang Filipino, Patricia Navarro! โœจ๏ธ๐ŸŽ‰Sa araw na ito,๐Ÿฅณ pinasasalamatan...
26/07/2026

Maligayang Kaarawan sa Ingat-Yaman ng Samahang Kulturang Filipino, Patricia Navarro! โœจ๏ธ๐ŸŽ‰

Sa araw na ito,๐Ÿฅณ pinasasalamatan namin ang iyong walang sawang dedikasyon, sipag at tyaga para sa samahan. ๐Ÿฅฐ Nawa'y mapuno ng saya at pagmamahal ang iyong espesyal na araw. Hangad namin na ikaw ay laging pagpalain ng Diyos. ๐Ÿ™ Patuloy mong ipakita at iparamdam sa iba ang iyong kabutihan at bukal na kalooban.

Muli, Maligayang Kaarawan, Patricia Navarro! ๐Ÿ’–

๐Ÿ”” Maligayang Kaarawan sa Ikalawang Pangulo ng Samahang Kulturang Filipino, Elisha Operaรฑa! โœจSa espesyal na araw na ito, ...
21/07/2026

๐Ÿ”” Maligayang Kaarawan sa Ikalawang Pangulo ng Samahang Kulturang Filipino, Elisha Operaรฑa! โœจ

Sa espesyal na araw na ito, binabati namin ang aming masipag at maaasahang Ikalawang Pangulo. Maraming salamat sa iyong dedikasyon, sipag, at malasakit sa bawat gawain ng ating samahan. Patuloy kang nagsisilbing inspirasyon sa ating mga kasapi. ๐Ÿซ‚ Nawaโ€™y pagpalain ka ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang makamit ang lahat ng iyong mga pangarap. ๐ŸŽ

Muli, maligayang-maligayang kaarawan, Elisha Operaรฑa!

๐ŸŽŠ Maligayang Kaarawan sa Tagapagbalita ng Samahang Kulturang Filipino, Gaddiel Cabonegro! ๐ŸŽ‚Buong pusong bumabati ang Sam...
03/07/2026

๐ŸŽŠ Maligayang Kaarawan sa Tagapagbalita ng Samahang Kulturang Filipino, Gaddiel Cabonegro! ๐ŸŽ‚

Buong pusong bumabati ang Samahang Kulturang Filipino sa iyong espesyal na araw! โค๏ธ

Maraming salamat sa iyong walang sawang serbisyo, kasipagan, at dedikasyon para sa ating samahan. Lubos kaming nagpapasalamat sa muling pagtanggap sa hamon bilang pamunuan ng Samahang Kulturang Filipino. Ikaw ay tunay na malikhain, at ang iyong mga ideya, sipag, at dedikasyon ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa ating samahan.

Nawa'y patuloy kang pagpalain nang mabuting kalusugan at katagumpayan sa bawat yugto ng iyong buhay.๐ŸŽˆ

Muli, Maligayang Kaarawan, Gaddiel Cabonegro! ๐Ÿฅณ

๐Ÿ“ฃ Maligayang Kaarawan sa Ikalawang Ingat-yaman ng Samahang Kulturang Filipino, An-Chi Huang! ๐ŸฐTaos-puso naming binabati ...
02/07/2026

๐Ÿ“ฃ Maligayang Kaarawan sa Ikalawang Ingat-yaman ng Samahang Kulturang Filipino, An-Chi Huang! ๐Ÿฐ

Taos-puso naming binabati ang aming Ikalawang Ingat-yaman ng SKF, An-Chi Huang, sa pagdiriwang ng iyong kaarawan! ๐Ÿฅณ Lubos kaming nagagalak na ikaw ay naging bahagi ng Samahang Kulturang Filipino. Sa pagsisimula ng panibagong taong panuruan, inaasahan namin ang iyong sipag, dedikasyon, at aktibong pakikilahok sa mga gawain ng ating samahan. Naniniwala kaming magiging mahalagang bahagi ka ng mga proyektong ating isasakatuparan ngayong taon. ๐ŸŽ

Nawa'y patuloy kang gabayan at pagpalain ng Panginoon sa bawat hakbang na iyong tatahakin, sa pagtupad sa iyong mga pangarap, at sa pagharap sa mga hamon ng buhay. ๐Ÿ™ Hangad namin ang iyong mabuting kalusugan, walang hanggang kaligayahan, tagumpay, at isang masayang pagdiriwang ng iyong kaarawan kasama ang iyong mga mahal sa buhay.

Muli, Maligayang Kaarawan, An-Chi Huang! โ™ฅ๏ธ

๐Ÿ“ฃ: Handa na ba kayo, mga Kabataang Tomasino?Panibagong taon, panibagong paghubog ng samahang magtutulungan. Tila perlas ...
02/07/2026

๐Ÿ“ฃ: Handa na ba kayo, mga Kabataang Tomasino?

Panibagong taon, panibagong paghubog ng samahang magtutulungan. Tila perlas na paghahalagahan ang gampanin ng bawat isa. ๐Ÿš

Sino nga ba silaโ“
Narito na ang mga opisyales ng Samahang Kulturang Filipino (SKF) para sa Panuruang Taon 2026โ€“2027 ๐ŸŽ‰

Binabati namin nang malugod ang ating mga bagong opisyales. ๐Ÿ‘ Nawaโ€™y maging maayos, matagumpay, at puno ng kasiyahan ang taong ito para sa ating lahat.

Ang inyong tapat na paglilingkod ay aming inaasahan, at nawaโ€™y makapaghatid kayo ng makabuluhang pagbabago, inspirasyon, at mas matibay na pagkakaisa para sa bawat Kabataang Tomasino.

Muli, sama-sama nating simulan ang panibagong alon ng paglalakbay kasama ang SKF. ๐Ÿ’™๐ŸŒŠ

Isinulat ni: Julienne Ocampo
Likha ni: Gaddiel Cabonegro

Isang Mapagpalang Araw, mga kabataang Tomasino! ๐Ÿฏ๐ŸŒธ Karagdagang kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino ba ang hanap niyo?...
15/04/2026

Isang Mapagpalang Araw, mga kabataang Tomasino! ๐Ÿฏ

๐ŸŒธ Karagdagang kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino ba ang hanap niyo? Narito na ang aktibidad na pinangalanang "HERizon: Tinig ng Kababaihan, Haligi ng Kinabukasan!"

โœ๏ธ Sa aktibidad na ito, higit nating mapagyayabong ang mga impormasyon o detalye na ating nakuha sa dinaluhan na palihan noong Marso 21, 2026. Bukod pa rito, lalo ring nabibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pamamagitan ng mga gawain na sama-samang pagtutulungan. ๐Ÿ“–

Huwag nang magpatumpik-tumpik paโ€”tara na't makiisa mula 9:00 n.u. hanggang 10:30 n.u. sa birtwal na pagkikita! ๐Ÿ’™๐Ÿคโค๏ธ

Isinulat ni: Lourd Israel
Likha ni: Gaddiel Cabonegro

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UST JHS Samahang Kulturang Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to UST JHS Samahang Kulturang Filipino:

Shortcuts

Share

Category