F.G. Calderon Integrated School (Official)

F.G. Calderon Integrated School (Official)

Share

A combination of Elementary and High School Education
in Hermosa Street, Barangay 201, Manila, Philippines.

Tel: 0063-2-254-5711
Fax: 0063-2-254-5711
email: [email protected]

Photos from F.G. Calderon Integrated School (Official)'s post 15/07/2016
Photos 11/03/2016
Photos 24/09/2012

Pag walang bolpen, walang notes. pag walang notes, walang pag-aaral. pag walang pag-aaral, walang diploma. pag walang diploma, walang work. pag walang work, walang pera. pag walang pera, walang pagkain. pag walang pagkain, magugutom. pag nagutom, papayat. pag pumayat, papanget. pag pumanget, walang girlfren/boyfren, pag walang girlfren/boyfren, walang asawa. pag walang asawa, walang anak. pag walang anak, madedepress. pag nadepress, magkakasakit. pag nagkasakit, mamamatay, pag namatay ka, wala ka na.. Kaya ingatan mo yang bolpen mo! …

Sa kolehiyo, maraming impluwensiya ang makikita mo, masama o mabuti man ito. Wag mong isisi sa kaklase o kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom, at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo...

Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili...

Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.

Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galing mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA at mga sports fest o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista at senador na nagre- report sa trabaho para lang matulog...

Kung gusto mong maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mo maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. Kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay namin para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!

Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto nya ng pera o gusto nyang sumikat o gusto nya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ito sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan sya ng Diyos ng kakayahang mangarap at tumupad nito. Tungkulin nyang pagbutihin ang pagkatao nya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na siyang iba pang magagawang mas malaking kasalanan bukod sa talikuran ang tungkuling iyon...

Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit sina bubuyog at gagamba lalo na si langgam, may naipundar kahit papano. Nasa pagsisikap lang yan ng tao! Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa!

If you are planning for a year, sow rice; if you are planning for a decade, plant trees; if you are planning for a lifetime, educate people… Education is the best provision for old age. STUDY HARD!!!

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Manila