20/12/2025
𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎:
PAALALA TUNGKOL SA IMPLEMENTATION NG UPDATING TRAINING ON BT-PSSR
Pinapaalalahanan ng MARINA ang lahat ng Filipino seafarers na ang mga may valid Basic Training – Certificate of Proficiency (BT-COP) ay maaari pang sumakay ng barko hanggang 31 December 2025.
Wala dapat ipag-alala ang mga kasalukuyang nakasakay at sasakay pa lamang bago matapos ang taon dahil ang Updating Training on BT-PSSR ay maaaring kunin pagbaba ng barko at bago ang susunod na sakay kahit lumagpas na ng 01 January 2026, kung kailan ito magiging mandatory para sa lahat ng seafarers na sasampa sa seagoing vessels.
PARA SA MGA SEAFARERS:
Pinapayuhan ang lahat na mag-enroll lamang sa mga MARINA-accredited MTIs na awtorisadong mag-offer ng Updating Training on BT-PSSR. Iwasan ang pakikipag-transact sa mga hindi accredited na training centers o indibidwal na nag-aalok ng ganitong training dahil maaari itong magresulta sa hindi pagkilala o pagkansela ng inyong certificate, at maaaring magdulot ng violation sa mga umiiral na patakaran ng MARINA.
PARA SA MGA MTIs:
Inaabisuhan ang mga MTIs na gabayan nang wasto ang mga seafarer sa pag-unawa sa Updating Training on BT-PSSR at iwasan ang anumang uri ng pananamantala, tulad ng labis na paniningil o pag-aalok ng slot kapalit ng hindi makatarungang bayad.
20/12/2025
13/12/2025
10/07/2025